CHAPTER 7- My Hot Hubby

205 26 16
                                    


CYRIL'S POV

"Cyril!!!"

AMPOTEK! Ang aga-aga maingay na boses na agad ni Chrizaline ang maririnig ko. Ano bang problema ng babaeng 'to?

O_O

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang ginawa ko kahapon lalo na sa pag iwan ko sa kanila.

Agad akong pumasok ng cr para magtago. Naririnig ko na palapit na sa kwarto ko ang dragon at mukhang handa na mambuga ng apoy. Bukod sa pag iwan, hindi ko din sya nabilhan ng meryenda at dinner nya kahapon kaya talagang lagot ako nito sa kanya.

Narinig ko ng nakapasok sya sa kwarto kaya agad kong binuksan ang shower para kunwaring naliligo ako.

"CYRIL!!! Lumabas ka dyan. Hindi mo ko maloloko, hindi ka naliligo ng ganito kaaga. Kaya lumabas ka na dyan kung ayaw mong gibain ko 'tong pinto!" sa totoo lang mas takot pa ko kay Chrizaline kesa sa parents ko. Sa ugali nya ba namang yan?

Wala akong choice kundi lumabas dahil tototohanin nya ang pagsira ng pinto ng cr ko.

Lumabas ako ng nakayuko na parang batang takot mapalo.

"Anong ginawa mong kalokohan kahapon?" parang nanay na tanong nya sakin with matching pamewang pa.

"Iniwanan kayo kahapon ng walang paalam at hindi ka pinakain ng dinner." parang batang takot sa nanay na sagot ko naman.

"Bukod dun?" nagtitimping tanong nya sakin.

"Yun lang" sagot ko.

"Hindi lang yon! Anong ginawa mo at nagkaroon kayo ng eksena nung kung sino mang dimuhong katribo ng unggoy na yun?"

"Wag mo naman tawaging dimuhong katribo ni unggoy si TL ko! May pangalan sya. E-V-A-N-S. Evans." nawala ang pagiging maamong tupa ko at sinagot ang umaasta kong nanay.

"Walang nagtanong! Ipaliwanag mo kung anong kalokohan pinaggagawa mo." para talaga 'tong nanay. Tumingin muna sya sa wrist watch nya at pinagmadali ako sa pag aasikaso dahil for sure malilate nanaman kami, mamaya na daw ako mag explain pag kasama na namin sila Irizh at Rishel.

******

"What?!" -Rishel at Chriz

"Wow!" -Irizh

Yan ang reaction nila ng sinabi ko sa kanila ang rason kung bakit lagi akong zombie mode.

"Hoy Irizh! Anong 'wow'? Dapat 'what', 'ano' hindi 'wow' pwede ding 'Eww' " pati ba naman yun pinansin pa ni Chriz.

"Eh sa wow talaga masasabi ko eh. Wow kasi ang cool ni mars Cyril nakagawa sya ng love letters di lang yun kiniss nya pa!Wooh! Ikaw na talaga mars! Try ko nga rin yun minsan. " minsan talaga maaasahan mo si Irizh.

"Tse! Anong cool at magaling dun? Nakakahiya nga yung ginawa nya eh. Kababae nyang tao ang halay nya at sya pa nanliligaw."

"Hoy Chriz! Anong mahalay? Parang sa cheeks lang mahalay na agad?At nanliligaw? Hindi pa kaya, wag ka masyado atat. Ligaw Agad? Kailangan maging friends muna kami." OA nitong kaibigan ko. Ligaw agad?

"At talagang balak mo pang manligaw ah. Ganyan ka ba talaga ka desperada Cyril?"

"Hindi ako desperada. Sadyang ganito ko sya kamahal. Hihihi." kinikilig na pahayag ko.

My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon