CHAPTER 4- Catch His Attention

442 43 16
                                    

CYRIL'S POV

"Baka naman  imagination mo lang yun" kahit kelan talga napaka-nega nitong si Chrizaline. -_-

Nasabi ko na kasi sa kanila ang totoong reason ng pagda-drama ko kahapon. Na-shock ako ng sobra kaya hindi ko nakwento sa kanila yung tungkol kay TL.

"Eh pano yun magiging imagination. Eh halos tinilian nga ng mga maiingay na babae kahapon diba?" paminsan-minsan matino kausap 'tong si Irizh eh nuh?

"Ah basta. Hindi ko lang yun imagination. Sya talaga yun." pagpupumilit ko kay Chrizaline na kanina pa ayaw maniwala sakin.

"Oh ano, magtatalo nalang kayo dyan at hindi mag reregister?" iritadong singit naman ni Rishel samin.

Kasalukuyan kasi kami nasa Gymnasium para sumali sa mga clubs dito. Kahit ayaw namin eh no choice kami required samin na sumali sa atleast 2 clubs.

Napagkasunduan namin na sama-sama kami sa isang club which is Theatre Club since yun din yung club na sinalihan namin nung nasa high school kami. Sa isang club naman kanya-kanya na kami. Syempre magkakasawaan na kami sa mukha ng isa't-isa pag lagi kaming magkakasama. Diba? 

natapos na kami mag paregister sa Theatre Club at nag kanya-kanya na kaming punta sa ibang booths. 

Sa sobrang daming mga booth dito ng iba't-ibang clubs hindi ko alam kung san ako sasali.

Ano ba maganda salihan? -_-

Napatingin ako sa medyo dulo ng gym dahil maraming babaeng nagkukumpulan dun. At syempre ako namang chismosa naki usyoso narin. :D

Paglapit ko...

OhMyGod! S-si TL! Kaya naman pala madaming makerengkeng na babae sa booth na 'to eh. -_-

Mukhang sasali sya sa club na 'to dahil nag reregister sya. Tiningnan ko ang sinalihan nya .Photography Club.

Nasa malayo ako sa pwesto nya dahil maraming mga babae ang nakapalibot sa booth na 'to. Kailangan ko makalapit sa kanya. Kaya...

Singit dito...

Tulak dyan...

Sipa dito...

at konti pang singit sa wakas... Nasa likod na ko ni TL. Ang hirap pala makapila dito.

Tiningnan ko yung fini-fill up-an nya at napatingin ako sa kanya.

*dubdub*

*dubdub*

Anubayan! Titig palang ganito na epekto nya. Pano pa kaya pag kinausap nya na ko? 

Busy pa ko sa kakatitig kay TL ng may tumulak sakin sa likod.

"Hoy babae, pinaghirapan namin pumila dito tapos makikisingit ka lang!!" Aba! Mas pinaghirapan ko makapunta sa pilang 'to nuh! Sinamaan ko nalang ng tingin yung babaeng nag rereklamo sa pagsingit ko. Pasalamat nga sya tulak at sipa lang ginawa ko sa kanila para makarating sa pwesto ko ngayon eh.

My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon