Kabanata 1
It was five in the afternoon when I decided to leave the house. I ride my wrangler all the way to the only cemetery I have been visiting for the past two years. Hindi maiwasan ng mga mata ko ang tumingin sa langit at hindi ko pinagsisihan iyon. Above me is the beautiful orange colored sky from the sun setting, saying its goodbye to everyone as the darkness slowly creep its way to the world. Naaalala ko na naman.
"Frid..." Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses. Hindi ko ito nilingon bagkus ay mas lalo lamang akong yumuko.
"F-Frida..." My lack of response made her voice broke.
Nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin. Her eyes are bloodshot. Pulang pula iyon at may natitira pang mga luha.
Umiwas ako ng tingin.
"Where's my son? Bakit... bakit hindi niyo siya kasamang bumalik?"
Her questions sent shiver to my skin. Hindi ako makasagot, hell, ni hindi ako makalagaw!
I want to run. I want to escape. I want to disappear... away from all of this mess.
But I can't.
Tumayo ako at humarap sa kanila. "I am sorry to inform you but your son, Lieutenant Sandoval, is one if the four people who were abducted during the last encounter in Mindanao."
Humagulhol siya at dali dali naming siyang niyakap ni Tito. I remained stiff, like how I should be. Professional... void of any emotion.
Kumalas siya sa asawa at hinawakan ang dalawang balikat ko at niyugyog.
"Paano, Frid? Paano?" Paulit-ulit niyang tanong sa akin at bumaling sa asawa. "Robert, paano nangyari iyon? Ang a-anak ko, ang anak n-natin, Robert! Do something! Diyos ko!" Daing niya at niyakap nalang siya ni Tito.
Tumikhim ako, "We are doing our best to conduct a search and rescue operation, Mr. and Mrs. Sandoval. I will keep you updated."
I finalized my thoughts and saluted to them. To the parents of one of our heroes. Alam na nila ang ibig sabihin nun. Tinanguan ako ni Tito kaya ibinaba ko ang kamay ko at tumalikod sa kanila.
I can't stand seeing them like that. It kills me seeing them like that.
"B-Bakit..." Napahinto ako sa paglalakad nung marinig ko ulit ang nanghihinang boses ni Tita.
"Bakit mo siya pinabayaan, Frida?"
Nahigit ko ang hininga ko noong maalala ko ang eksenang iyon. Inilibot ko ang paningin at napagtantong nasa sementeryo na ako. Agad akong bumaba sa aking sasakyan. Malayo pa lang ay kita ko na ang napakaraming bulaklak sa puntod niya na para bang sinasabing wala na akong lugar doon sa tabi niya.
Hindi ko magawang ngumiti nung mapunta na ako sa harapan niya at pansamantalang inalis ang mga bulaklak na nakapalibot sa lapida niya.
Robinson G. Sandoval
2nd Lieutenant, Philippine Army
July 17, 1993 – March 21, 2017
Dumilim ang mukha ko, nagpupuyos ang kalooban sa galit.
What kind of hypocrisy is this, putting hundreds of flowers to someone's grave knowing he isn't there?
Dalawang taon na ang lumipas subalit hindi pa din ako naniniwalang patay ka na, Robi.
Umupo ako sa harap niya at sinubukang magkwento ngunit ayon nga ang katotohanang wala naman akong maikukwento sa kanya dahil masyado akong naging busy na sisihin ang sarili ko at nakalimutan ko na ang mabuhay.
YOU ARE READING
The Sovereign
AçãoAnak. Kaibigan. Mamamayan. Frida Viacrucis. 2nd Lieutenant, Philippine Army