Part 02

14 1 0
                                    

Sa mga pagbabago nyang yun, lalo ko syang minahal.....

Pero kasabay ng pagbabago nyang yun, nagbago na din ang sitwasyon namin... Dumating ang isang araw ng nakipaghiwalay na sya sa'kin...

"I'm sorry.....pero...iba na yung mahal ko.... Matagal ko nang gustong sabihin 'to sayo, kaso nahihirapan lang ako sa sitwasyon natin...."

      sobrang sakit... Sobrang sakit nun para sa'kin! Pero yung sakit na nararamdaman ko ay hindi dahil sa sinabi nyang may mahal na syang iba, kundi dahil alam kong..........nagsisinungaling lang sya! Alam ko at nararamdaman ko na ako pa din yung mahal nya, pero hindi ko alam kung bakit nya yun sinabi..

"aalis na 'ko....bukas na yung flight ko papuntang america.. Alam kong mabilis ang mga pangyayari, pero.....alam kong mas masasaktan ka sa huli pag di ko agad sinabi"

"So ganun na lang yun?? Matapos yung six years na relationship natin, basta basta mo na lang itatapon lahat ng yun??!!!  Ian ano bang nangyayari sayo ha??? Alam kong ako pa din yung mahal mo! Nararamdaman ko yun! Bakit mo ba sinasabi yan??!!!!

"Ilang beses ko bang ipapaulit sayo ha?!! HINDI NA KITA MAHAL!!!!!!!  Kailangan ko pa bang isigaw yun sayo para lang maintindihan mo? Ha??!!!"

   habang sinasabi nya yun ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay din ng pagpatak ng mga luha ko. Sobrang sakit para sa'kin na harap-harapan syang nagsisinungaling. Tinitigan ko ang mga mata nya..... hindi ko alam kung tubig ulan o luha ang pumapatak sa mga mata nya. Nagsimula na syang maglakad palayo sa'kin. Naiwan akong luhaan at sobrang nasaktan. Bakit sa lahat ng tao sa mundo, sya pa yung nagsinungaling sa'kin??!! Bakit kailangan nyang sabihin na hindi nya na ako Mahal???    ......bakit???

LiETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon