LiE
by: Khai
Nung bata pa lang ako, tumatak na sa utak ko ang sinabi sa akin noon ni Mama.... "Liers go to hell". Kaya simula noon, nagagalit ako sa mga taong nagsisinungaling sa'kin lalo na ang mga taong mahal ko. Pero nung sinabi sa'kin ni Papa na "Minsan, may mga taong nagsisinungaling sayo dahil ayaw ka lang nilang masaktan"............ simula nun, nagbago ang lahat...
Ako si Erin... lahat ng taong malalapit sa'kin, lahat sila pinagkakatiwalaan ko. Lalo na si Ian, ang boyfriend ko. 6 years na ang relasyon namin. Sabi nga ng iba.....sobrang strong daw talaga ng relationship namin. May awayan man, pero nagkaka-ayos din kaagad. Last year nga, akala ko yun yung time na matatapos na ang lahat ng sa'min. Yun yung time na hindi sya nagparamdam, nagpakita, nagtext o tumawag man lang ng halos limang buwan..... Pero pagkatapos ng limang buwan na yun, nagpakita na ulit sya. Pero....parang ibang Ian na sya. Hindi ko alam kung bakit o pano, siguro naguguluhan lang talaga ako dahil ilang buwan ko syang hindi nakasama o nakausap....siguro naMiss ko lang talaga sya. =)
Minsan napapansin ko iba na yung mga kilos nya, pati pananalita nya. Kasi ang nakilala kong Ian dati... Masungit, Tahimik, Cold, Suplado, Seryoso, at higit sa lahat.......hindi gentleman!!!! Hahahaha.... Pero ngayon, nagiba na sya. =) Ang ingay ingay na nya..minsan ako na yung nauubusan ng sasabihin hindi tulad dati. Palagi na syang nagsasabi sa'kin ng mga Corny Jokes...pero dati.....sya pa yung naiirita sa mga jokes na sinasabi ko sa kanya. Sobrang gentleman na din nya ngayon, hindi tulad dati na kapag bumababa ako sa kotse nya, basta nya na lang ako iniiwan sa loob at hindi inaalalayang bumaba. At ang palagi nyang line "May sarili kang mga kamay at paa...kaya mo na yan" at sabay kindat sa'kin. O diba! What a GOOD boyfriend!!! -_- Pero kahit ganun, mahal naman namin ang isa't-isa... Kilala ko na kasi sya, at talagang ganun yung ugali nya! XD
Minsan nagtataka na din ako sa mga likes at dislikes nya. Pati yun.....nagbago na din! Alam kong ayaw na ayaw nya ng mga foods na may raisins....pero hindi ko alam kung bakit ngayon kinakain nya na yun ng hindi nasusuka. Pati yung favorite kong kwek-kwek....... kinakain na din nya,. Hindi tulad dati na sa tuwing kakain ako, palaging ang facial expression nya is like "what-kind-of-food-on-earth-is-that?!" face..... Minsan iniisip ko, boyfriend ko ba 'tong nasa harapan ko??!!!
Pero inaamin ko, sa mga pagbabago nyang yun...... Lalo ko naman syang minahal ;)
============================================================ Do you like the first part???? Don't worry guys!! There's still next! Next time ko na lang ulit ituloy! ^__________^ kekekekeke ============================================================
xoXoxoXoxoXo ==Khai==

BINABASA MO ANG
LiE
Teen FictionDon't let two men fall in love with you, girls. It's not the sort of thing that ends well.