Ikalawa

9 9 0
                                    

Pilit kong nilalabanan ang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata, Naka ilang hikab na ako at muntik muntikan pang makaidlip.

Sino ba naman kasing hindi aantukin kung matutulog ka lang ng 5 oras! Eh ang tulog ko 8hrs eh! Tamad pa ako gumising niyan ha!

Bwisit na mga taong yun! Hindi ko na talaga padadaanin yang tatay ko na yan! Jusko puro kaluluwa ng alak yung utak pati ako damay!

'Tumayo ka Lockson! Nakakabastos na yang ginagawa mo! Kanina kapa ha!' Agad nagising ang diwa ko ng marinig ko ang bulyaw ni Sir Steve, isa sa mga terror teachers dito sa Dawn-High Academy.

'S-sorry po sir' pag papaumanhin ko dito. Paurong naman ako ng paurong dahil tinutusok tusok ni daisy yung balakang ko! Malalagot ako nito!

'See you on detention room Lockson. Kung pumasok ka para gumanyan sa harapan ko, mas mabuti pang mag hanap ka na ng bago mong math teacher.' T~T gusto kong takpan ang tenga ko, matapos ko marinig ang DETENTION ROOM AT MAG HANAP NG BAGONG MATH TEACHER' ano ba namang buhay to oh! Bakit kasi napuyat pa ako!

Bumalik ako sa pagkakaupo at nilibang na lamang aking sarili sa pag alala ng mga nakakatuwang pangyayari sa buhay ko, yun nalang ang way ko para naman di ako makatulog!

'Ang panget mo! Wag kang didikit samin!'

'Nakakadiri ka, ang hirap hirap mo, wala kang bag oh! Ang dumi pa ng suot mong uniform!

'Tara na, di naman na natin siya bati, tsaka pinahiwalay tayo sa mga kagaya niya kasi mababaho sila. '

Ipinilig ko ang ulo ko ng biglang pumasok ang ala-alang yun sa isip ko. Grabe pala talaga ang pag hihirap ko nung elementary ako,  naiiyak ako  tuwing naalala ko yun.

Buti nalang wala ni isa sa kanila yung naging school mate ko ngayon, kasi for sure? Mapapahiya ako araw-araw.

Mahirap kami, pero hindi namam kami madumi at mabaho. At mahirap lang kasi. Kapag mayaman ang kaharap at spoiled siya, asahan mo na ang mabahong ugali. Mula noon hanggang ngayon, never pa akong lumaban. Never pa akong gumanti. Kasi kapag ginawa ko yun, wala na din akong pinag kaiba sa kanila. Hays

'Okay, that's all, Thank you. Ms. Celine Lockson, see you' yan ang huling narinig ko ng mag balik ako sa reyalidad. Tapos na?!

'Aray! Daisy ano ba! Aray! Masakit kasi!' Sunod sunod kong reklamo matapos niya akong pag hahampasin ng notebook! Binder yan at makapal! Jusko!

'Ano bang problema mo Celine?! Hindi ka na nga nakinig, hindi kapa nag quiz! Ano na bang balak mo sa buhay babae ka ha!' Bulyaw pa niya sakin habang hingal na binitawan ang notebook niya!

'Ano ba! Daisy naman eh! Hindi mo naman ako sinabihan na may quiz pala! Grabe ka talagaa!' Saad ko dito at umastang nag tatampo. 'Sana ginawan mo nalang ako' dugtong ko pa. Napangiwi ako ng tumama nanaman sakin ang notebook niya! Gusto ko pa sanang mag reklamo pero tumayo na siya at nag ayos ng gamit. Huhuhuhuhu iiwan nanaman niy ako! Bakit kasi nag ka quiz pa eh!

'Goodluck sa detention mo Celine.' Sabi niya at inirapan ako. Grabe kung di ko to kaibigan, iisipin kong binubully niya ako! Bruha talaga.

-

'Sir' pag tatawag ko sa attention ni sir steve na ngayo'y nag tuturo sa basketball team niya. Hindi ko sure pero baka siya yung coach.

'Oh Ms. Lockson, you're here for detention, aren't you?' Tumango naman ako, Nakatingin lamang ako sa lupa, ayokong makita yung mukha niya baka bugahan na ako ng apoy eh 'One week kang mag lilinis ng Court, Sakto parating na ang school festival' laglag ang balikat ko, sa katotohanang magiging janitor ako ng malaking court na to! Bakit ba kasi ako humikab eh! 'Start ka na sa Monday, Hapon ka mag lilinis dahil uwian niyo na sa oras na yan. I'll be checking you hour by hour. Hindi ka aalis hanggat hindi ko sinasabi' grabe naman! Mukha akong nakasuhan ng malaking kasalanan!

-

'Ano nangyari? Mag lilinis kaba ng cr?' Napaubo naman ako sa sinabi niya! Ayan! Nag kalat na yung kanin! 'Alam mo Celine! Ang dugyot mo talaga! Tignan mo pinag titinginan tuloy tayo! Punasan mo dali!'
Tinignan ko lang siya. Gusto ko siyang sabunutan ngayon! Anlakas mag reklamo eh kasalanan naman niya! 'Ce-'
Napakunot naman ang noo ko ng tinigil nito ang pagsasalita niya.

'Hoy! Daisy!' Pagkukuha ko sa atensyon niyo. Nakatingin ito sakin pero tila tumatagos ang tingin na iyon sakin. Dahan-Dahan akong tumingin sa likod at ganon na lamang ang pagkarera ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman tumayo ako at aasta na sanang aalis pero, may kamay ang humawak sa pulsuhan ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Namamawis ako, kinakabahan, k-kinikilig!

'B-bakit?' Tanong ko sa kanya, alam kong hindi niya ako kilala pero bakit siya andito? At di ba niya alam na nakakatunaw ang gingawa niya sakin ngayon?'

'Celine Lockson right? Bakit aalis?' Agad nanalambot ang tuhod ko ng marinig kong banggitin niya ang ang pangalan ko! Shet!

'O-oo, K-kilala mo ko?' Saad ko at umayos ng tayo, ramdam ko naman ang pagluwag ng kamay niya kaya naiinis ako! aish sana diba nakadikit na yan sakin habang buhay!

Hindi ko pa din magawang titigan  siya, tanging nakatingin lang ako sa pailid habang siya, gumalaw paharap sakin.

Mula sa peripheral vission ko ay, kita kong gumalaw ang balikat nito at tila may kinuha.

Humarap ako sa kanya at sakto namang tumama sa mukha ko ang malamig na tubig

'I don't like you, so if you don't mind, wag mong guguluhin ang sistema ko' sabi nito bago nag lakad paalis, Napakapit naman ako sa lamesa upang dun kumapit para di ako tuluyang mapa upo.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng cafeteria, lahat sila gulat sa nangyari, hindi nila inaasahan yun, lalo na ako.

Tumingin ako sa kaibigan kong nakatulala lamang habang nakatingin sakin.

'C-celine' alalang wika nito sakin. Ngumiti ako sa kanya.

'Ayos lang ako timang, tara na nga may DETENTION pa ako' diniinan ko talaga ang pagkakaaabi ng detention. Napakurap naman siya at nakahinga na ako ng maluwag. Tumayo na ako at dala ang bigat at sakit sa kalooban ko, umalis ako.

Alam ko namang aayawan ako. ng mga tipo niya, pero di ko inaasahan na prangkahan talaga, Mukha akong kawawa kanina ewan ko ba, Gusto kong matuwa kasi kilala ako ng taong matagal ko ng gusto. Tapos ngayon na nga lang niya ako kakausapin sablay pa. Napahiya pa ako grabe.

-
.

Fallen Star ☆Celine Lockson☆ [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon