ika-lima

9 8 0
                                    

KINABUKASAN abala ang lahat sa pag dedekorasyon sa ibat-ibang parte ng campus. Pero ako? Eto, mag -isa sa loob ng classroom at nag eemote.

Mula kasi ng mangyari ang ginawang pamamahiya sakin ni Zeus, Ilag na din sakin halos lahat ng tao dito, nung tinanong ko naman sila

'Ayaw namin madamay celine, Ikaw nalang yung umiwas'

Napabuntong hininga nalang ako sa pinag sasabi nila, Mukha tuloy akong may dala-dalang cancer.

"Celine! Lumabas kana nga!' Bungad niyang wika ng pumasok ito, tinignan ko lang ang bestfriend ko kaya kinunutan niya ako ng noo.  ' Get up! Or i'll gonna ripped your ass down!' Walang buhay naman akong natawa. May pag ka conyo ka naman pala Hahaha

'Oo na, Tara' Saad ko at nauna ng naglakad palabas.

'Ayan nanaman yung mang-aagaw'

'Sinaktan daw yan ni Allison kasi pumunta sa Engineer building para landiin si Zeus'

'Nakakaawa siya'

Pinaslak ko ang earphone sa magkabilang tenga ko at kinuha ang phone para itodo ang volume nun. Nag hanap ako ng  rock songs na talagang mag papabingi sakin.

Sana nga lang mabingi na ako. O kaya mabulag para naman wala akong pinproblema sa paligid ko.

-

Nakaupo lamang ako sa pinakadulong bench nang umupo sa tabi ko ang taong akala ko ay di ko na makikita.

Kanina pa niya ako tinitignan pero nakatutok ang mata ko kay Zeus na masayang nakangiti sa taong nasa harap niya. Kailan mo ba ako mapapansin?

'How's the view?' Saad niya sakin. As usual. Wala pading ka emo-emosyon sa katawan.

'The view?' Tanong ko habang di ko pa din siya tinatapunan ng tingin 'ayos lang, Nakikita ko yung taong akala ko ayos lang na mahalin' bahid ng lungkot ang bawat bitaw ko sa mga salitang yun 'Minsan iniisip ko, Ako kaya? Kelan sasaya na katulad sa kanya? Kelan kaya siya tatawa o ngi-ngiti na ako yung dahilan?' Mapait akong ngumiti at bumaling sa kanya. Huling-huli ko naman ang kauna-unahang emosyon na nakita ko sa kanya 'awa' Pero agad din namang nag laho iyon. Nice.

Tumayo ito at nakapamulsa na humarap sakin.

'I'll be leaving. I expecting you to say goodbye to me, but the reality is.. you aren't doing that shit. '  yun lang ang tanging sinabi niya bago tuluyang umalis. Gulong gulo na nga yung utak ko, Dagdag pa siya.

-

'Celine! Tara na, Half day tayo, May bibilhin ako' 

Bungad na sabi sakin ni Daisy. Agad akong tumayo at isang beses pang sumulyap kay zeus, pero hindi ito nakatingin. Kailan kaba mawawala sa sistema ko? Ansakit sakit na.
Nakikita mo na nga ako, pero parang hangin lang ako na dinadaan-daanan mo.

-

Hawak ni Daisy ang pulsuhan ko ng makarating kami sa parking lot ng school. Nung unang beses na pumunta ako dito. Nasaktan lang ako 

*FB*

'Daisy! Nilagay mo ba yung mga chocolate ng maayos? Eh yung teddy bear at sulat?' Natataranta kong tanong sa kaibigan ko, Umasta naman itong kinikilig. At saktong pag tango niya ay ang pagpasok ni Zues sa parking lot. Tumunog kaagad ang kotse niya na kulay itim nang pindutin niya ang hawak niyang remote. Sa yaman ng taong to, di na ako mag tataka kung bakit ganyan kagara yung kotse niya. Mag dala ba naman ng jaguar sa school.

'Owemji! Makikita niya na! Ayieee kinikilig ako Daisy!' Tuwang tuwa ako, sa wakas ay hawakan na ni Zues ang mga regalo ko para sa kanya. 18 birthday niya ngayon kaya naman nag handa talaga ako sa araw na to. Halos tatlong buwan akong hindi gumagastos para mabili lang lahat ng mamahaling klase ng tsokolate at teddy bear

Dudungaw na sana ako uli pero hinarangan  ako ni Daisy. May namumuong luha sa mata nito kaya naman nag tataka ako.

'Daisy? Bakit? Okay ka lang? ' sunod sunod kong tanong, tuluyan ng tumulo ang luha niya, agad ko namang pinahid iyon. "Daisy teka, gusto ko makita' saad ko sa kanya, hindi pa din siya umaalis kaya tinulak ko na  siya, hindi naman ganon kalakasan iyon kaya napa atras lang siya.

'C-celine'  rinig kong pag tawag niya sakin. Dahan-dahan akong lumapit sa pinaradahan niya ng koste kanina at dun ay nakita ko ang mga regalo ko na ginulungan lamang ng isang kotse. Madumi ang kaninang maputing teddy bear at ang tsokolate naman ay nag tanggal sa lagayan. Punit-punit naman ang papel na halatang hindi man lang binuksan.

'Celine, tara na ' tawag niya ulit sakin. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko patungo sa sahig ng parking lot na to.

*EFb*

'CELINE!' Natauhan naman ako ng sigawan ako ni daisy ng ubod lakas. Napa dungaw naman ako sa bintana ng kotse niya. Andito na pala kami, hindi ko man lang naramdaman na nag lakad ako at umupo dito sa kotse niya.

'We're here, are you okay?'  Nag aalalang tanong naman niya. Hindi ko siya pinansin at nag tuloy-tuloy lang sa pag labas. Sinuot kong muli ang earphone ko at pinalakasan ang volume. Wala akong balak makinig sa paligid ko. Feeling ko hanggang dito nilalait ako. Nakakapang liit.

-

'Anong bibilhin mo?' Tanong ko sa kanya, habang nakayukod. Ayokong tumingin sa mga tao, Nahihiya ako sa itsura ko. at baka kung ano pang masabi nila lalo pa at ang ganda-ganda ng kasama ko. Nakakahiya kay daisy

'Pinapabili ako ni ate ng bagong labas na album ni Taylor Swift. Meron daw nabibili sa mall kaya mag hahanap ako' litanya niya. Tumango lang ako nauna mag lakad. 'Celine, tumingala ka nga! Makabunggo ka pa' dugtong niya sabay hawak sa braso ko. Hinawakan ko naman iyon at inalis. Pero binalik pa din niya. Kaya hinayaan ko na lamang.

-

Pasado alas kwatro na ng makalabas kami sa mall na yun, Napahalukipkip ako dahil sa lamig. Ang lakas ng aircon nila parang sisipunin ako.

'Celine,' napatingin naman ako sa kanya. 'Here, take this' saad niya at inabot sakin ang isang paper bag. Mag tatanong pa sana ako pero bumaling na ito sa harap at nag umpisa ng magmaneho.

Ipinikit ko ang mata ko at kahit hindi antok ay pinilit kong makatulog.


Fallen Star ☆Celine Lockson☆ [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon