Maga ang mata ko ng lumabas ako sa cubicle ng cr namin. Dito ko binuhos lahat ng sakit na naramdam ko kanina. Di ko kayang ipunin, feeling ko mag kakaroon ako ng sakit sa puso.
Eto yung sinasabi ko daisy dati pa. Pero hanggang ngayon hindi pa din niya ako naiintindihan.
Ngayon ngang wala pa akong ginagawa kundi titigan siya mula sa malayo, Na busted na kaagad ako, Feeling ko tinatraydor ako ng sarili kong damdamin. Ngayon lang to nangyari sakin, yung lalaki pa yung nag pahiya sakin, Sa tagal ko dito sa School, Puro babae lang ang nananakit at namamahiya, pero iba siguro talaga ngayong taon hays.
Hinawakan ko ang map at sa kabila naman at ay ang dustpan at walis. Mag uumpisa na ako, ayokong gabihin.
'Nakita mo ba yung ginawa ni Zeus kanina? Grabe ang cool niya!'
'Kawawa yung babae, Harap-harapan ba namang pinahiya HAHAHAH!'
'yan ang napapala ng mga taong hindi marunong lumugar. She's like a trash. Tinapon lang siya sa dapat na lagayan niya'
Naiiyak akong nag tungo sa pinaka madilim na sulok ng court namin, Mula dun ay pinag masdan ang tatlong magagandang babae. Mga sophomores sila, Sila din yung nag chi-chismisan.
Bakit kaya hindi man lang ako nabiyayaan ng ganyang mukha? Ng makinis na balat. Andami kong insecurities sa katawan, at dahil sa nangyari kanina, Nawalan na ako ng confidence sa sarili. Bumababa lalo ang pagkakakilala ko.
Grabe, ng dahil lang sa isang pangyayari, nagawa nitong baguhin lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo.
Napatingin naman ako sa entrance ng court ng pumasok ang lalaking ayoko ng makita mula ngayon.
Napapa atras ako. Feeling ko kahit anong tago ko makikita niya ako. Pilit kong inaaninag ang daan upang maghanap ng pwedeng pag lipasan ng oras habang andito siya. Okay lang kahit anong oras na ako umuwi, ang importante, wala siya sa paligid.
Kinapa kapa ko ang dingding at umaasang may pinto dun palabas ng court na ito. Agad naman akong napahinto ng may nakapa akong silyador. Sensyales na nasa tapat ako ng pintuan! Pinihit ko ito at labis ang katuwaan ko ng mag bukas ito. Wala na akong pake alam. Takot ako sa multo pero dahil sa andito ang taong buhay na mas kinatatakutan ko, ipagsasawalang bahala ko nalang. Ilang minuto lang naman siguro ako dito.
Dahan-Dahan akong napaupo sa malamig at maalikabok na sahig ng kwartong ito.
'I don't like you,'
'I don't like you'
'I don't like you'
Inis kong tinuktok ng malakas ang ulo ko.
'Ano ba! Tama na! Ang sakit-sakit na... Bakit ba to nangyayari sakin? Bakit ako pa? ' paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Hinayaan ko lang bumuhos ang luha ko. Ngayon na lang ako ulit iiyak. Huling beses na.
'Lahat sila, basura ang tingin sakin, Ano naman? Masama bang pumasok sa ganto kalaking campus? Masama bang maging isang scholar? Kasalanan ko bang maging mahirap? Panget? Basura?-
'Hindi'
Napatayo ako ng may narinig ako boses! S-sigurado akong hindi lang ako ang tao dito!
'S-sino yan?! L-lumabas ka! M-multo kaba?!' Sigaw ko habang nag papahid ng luha. Nanginginig ang tuhod ko. Dire-diretso lang ako kanina nung pumasok ako, alam kong malayo ako sa pintuan. Kaya hindi ako makkalabas dito.
BINABASA MO ANG
Fallen Star ☆Celine Lockson☆ [Wattys2019]
RomansaBasura lang ang tingin sa katulad ko Pero para sakin, isa ako sa mga bituin na kumikinang pagsapit ng gabi.