This is it.

81 5 8
                                        

My name is Monica Perez. Pretty girl. Average student lang. Hindi sikat. May tahimik na buhay na ginugulo ng isang lalakeng nagngangalang Ethan Garcia. Bwisit lang talaga ha? Paano ba naman eh sa araw araw hindi talaga natatapos ang araw hagga't di nya ako napapagtripan. Nga pala, 4th yr student ako. My school? Di ko na sasabihin basta ang alam ko,, mga mayayaman lang daw yung andito. Hala,  mayaman kami? Oo, parang ganun. Hatid sundo nga ako eh, kasi baka daw mapahamak ako papunta at pauwi ng skul kung walang kasama. Eto, nasa gate na ako ngayon ng skul, need to  walk pa papuntang room ko. 

"Psst. Psst. Hi Miss, ganda mo naman." sabay akbay.

Kilalang-kilala ko na ata 'tong boses nito ah. Feeling ko alam niyo na rin kung sino sya. Walang iba kundi si Ethan lang naman. Ang aga aga pa nga eh, nagsisimula na sa duty na. Oo, parang araw-araw ginagawa niyang trabho ang bwisitin ako.

"ETHAN GARCIA! Ikaw na naman?! Bitawan mo nga ako!"

"Hahahahaha. Ang cute sana eh, suplada lang! :P"-Ethan

Walang hiya talaga tong lalakeng to eh. May gana pang magmake face sa akin. parang bata lang eh. Tch. Cute daw? Nambobola na naman. Kakainis talaga.

"Che! Umalis ka na dito!"-Nica

"Huh? Papaalisin mo pa ba ako? E magkaroom nga tayo eh, pretty lady. ;)"-Ethan

Kung minamalas ka nga naman eh. Look, classmates nga pala kami, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Grr. May gana pa siyang kumindat sa akin ha?! Natahimik na lang ako. Pati siya rin. Sa paglalakad namin, heto nasa room na kami.

"Hi Nica! Hi Ethan! Ang cute nyong dalawa!"-Ysabella

Naman, etong isang to. Nga pala, her name is Ysabella Gonzaga. Maganda rin to. Mas maganda ata sakin eh. Bestfriend ko. Pero tingnan niyo, pinagtitripan ako eh! Cute? Kami ni Ethan?! Tch. Yan tuloy naghiyawan tongg mga classmate namin.

"Ysay,tama ka talaga, cute namin eh."-Ethan

Tapos kinurot pa nitong lalakeng to yung chicks ko, sabay smirk. Gaaaah! Halata lang talaga eh na nasisiyahan siya sa ginagawa niya! Paano ba to? Anong gagawin ko? :3

"Oi pare, tagal mo naman, kaya pala eh, may pinopormahan ang aga-aga."-Rence

Eto pa ang isang epal. Mr. Rence Bautista. Barkada ni Ethan. Gwapo to. Oo nga naman, eh kasi gwapo din ang palagi niyang kasamang si Ethan eh. Oo ha, sinabi ko na. Gwapo nga si Ethan. Kaso ang sagwa ng ugali. Mas mabait itong si Rence kesa sa kanya noh!

"Oh paano, Ysay, ingatan mo 'tong si Nica ah, Nica, see you later. ;)"-Ethan

"Sure Ethan! Bestfriend ko to eh!"- Ysay

Aba, at magkasundo pa itong dalawa. Nakasmile pa itong si Ysay eh nung umalis na yung dalawang gwapo. Tch. Para namang di kami classmates, eh magkakalayo nga lang ng upuan eh kung anu-ano na ang pinagsasabi. Ayun, nasabi ko nga, di kami seatmates ni Ysay at pati nung dalawang lalake kaya nagsiupo na kami.

"Good morning class." Sabi ng teacher namin. Si Sir Franciso. Isang mahabang araw na naman. Walang uma-absent na teachers namin eh kaya walang pakundangan lessons namin. Advance din nga pala subjects namin kasi nga nasa prestigious school ako eh. I mean, kami. Hirap naman ng mga lessons na ito. Daming math. Whoo. Buti nga at kahit papano eh me talent naman ako. Fluent daw ako sa English eh. For Short, favorite ko ang English subject. Nga pala ha, kahit puro good time lang ang trip ni Ethan, ang talino nun, math quizzer. Whoo. Nakaka-inggit. :3

 "Ms.Perez, are you with us?"-sir

"Yes Sir."-Nica

"Why don't you solve problem number one. Now, on the board, please."-sir

E di syempre, tumayo ako kahit di ko alam ano na yung lesson eh kasi naman nakatulala ako eh. Paano na nga bato? Eh patay na patay pa naman ako sa math. Help me, please.

"Uhm sir, can I answer the question for Nica?"-Ethan

Nakow. Nagsigawan na naman 'tong mga classmates namin eh. Langya talaga eh. Pero thank you, kahit papano, savior. Pero teka, si Ethan?! Naku naman, bat siya pa?! T_T

"Okay Miss Perez sit down. Go on Mr. Garcia"-Sir Francisco

Ayun, tumayo si Ethan paalis na ako pero nagmeet kami ng sandali sa harapan at me binulong siya.

"Lunch. Your treat." -Ethan

Naku naman talaga o-oh. Kapag minamalas nga naman. Tama ako. May kapalit nga yung ginawa niyang yun. Napagtripan niya na nga ako kasi pinagmukha akong bobo sa math na kailangan ng savior na walang iba kundi siya. At eto ngayon, maglu-lunch pa kami? Lunch date? :3

Naman. 1st subject palang oh. Math. Malas na malas na. Tapos may nakahanda pang pagsubok mamayang lunch. Please lang po, sana matapos na ang araw na ito. I mean, ayoko rin. Sana wag muna. Sana wagmuna maglunch time. Ayoko pong makipag-DATE? Date na nga ba tawag dun? Ewan. 

"Good morning everyone." -Mrs.Reyes

Oh, ayan na pala, english teacher namin. Makikinig na ako nang maayos. Total pabor naman sa akin to eh. I love english kaya. Isa pa, ayoko na maspecial mention uli kaya mas mainam na makinig nang maayos dito.

"Okay, everyone listen, for this time we will have a paired activity."-ma'am

Paired? Ano na naman kaya 'to? Eh pwede naman sanang individual na lang oh. Baka bumaba pa ang grade ko kapag may kasama.

"Since our lesson is all about Romeo and Juliet, all you need to do is find a partner, select your favorite part on the story and re-enact it. Understand guys?"-ma'am

What? Romeo and Juliet? Wow. What a novel. Kaso act? Tapos maghahanap ako ng partner ko? Sino na naman kaya?! T_T

"Ms. Perez, you will be the first performer tomorrow. And who will be your Romeo?" -ma'am

Nakow. Paano na 'to? Wala akong masasagot dito. Ayos lang naman na ako ang 1st performer eh kaso di ko alam sinong magiging pair ko. Patay na ako dito. May tinatanaw si ma'am sa bandang likod at pakiramdam ko ay may nag-volunteer na maging pair ko. Salamat naman kung ganun.

"Ma'am. I willingly volunteer to be the Romeo of my Juliet, Ms. Monica Perez."

At oo, tama kayo, si Ethan na naman nga yun. Binubulabog na naman ako at ang buong klase. Nagsihiyawan na naman. Diyos ko, kailan pa ba titigil itong taong 'to sa pantitrip sa akin? T_T

"So I guess everything's clear for the activity. 1st performers, be ready. Goodbye class."-ma'am

Ano na ba talaga ang nangyayari sa buhay ko?! Yung totoo po?! Tulong! T_T

Author's note: 

Okay lang po ba? Hahaha. Sorry po ah. Baguhan po kasi. Tulungan niyo po ako! De joke lang, tulungan niyo si Nica! HAHAHA. Hope you guys like it! Support me! ^_^

Tease me or Miss me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon