LUNCH DATE

41 2 0
                                        

Hala, ano yung biglang naisip ko? Nagpatulong ako dun sa taong yun? Uy never kong naisipang gagawin ko yan. Kaso no choice eh. Kahit anong takbo ko, hahanapin at hahanapin niya pa rin ako. Ai, naging assuming naman ako dun teh? Sabagay nga naman, ako yung laruan niya ngayon kaya natural naman, hinding-hindi niya ako tatantanan pero kapag dumating yung panahong di na siya nasisiyahan sa laruan niya, at nakahanap siya ng bago, natural balewala na ako. Ganyan siya ka-childish. Uhm, pano ko nga ba nasabing pinaglalaruan lang ako nung lalakeng yun? Ganito kasi yun...

REWIND......

Noon, ang pangalang Ethan Garcia ay sikat na sikat sa school. Hindi dahil sa ang gwapo niya kundi dahil siya'y isang NERD. Hindi naman talaga siya ganun ka-weird. Nakasalamin. Tahimik. Ayun, kaya siguro nabansagang NERD ng Campus. At yun din ang dahilan kung bakit siya ang naging pangunahing laruan ng campus. Asar dito, asar doon. Halos lait lang ang nakukuha niya. At dahil nga tahimik siya, nung mga panahong yun, wala siyang kaibigan na sumusuporta sa kanya. Naaawa nga din ako sa kanya eh, kaya bilib ako dun kasi hindi kailanman sumuko. At kailanman, hindi ko naramdaman na may galit siya dun sa mga taong nang-aapi sa kanya. Hanggang sa dumating ang isang araw na bigla siyang nagbago. Ikinagulat namin yung lahat. Sino naman anng mag-aakalang yung dating NERD na walang confidence ay naging isang napakagwapong nilalang. WOW. Nakakanganga yun. Oo nga naman, talagang gwapo siya, hindi lang napapansin kasi lagi niyang tinatakpan yung mukha niya. Dagdag pa nung eyeglass niya.

"Ethan, gwapo mo! Pwede ka bang makadate?!"-Epal 1

"Ethan, pasensiya ka na sa mga nangyari noon, sana mapatawad mo kami."-Epal 2

"Ethan, pwede mo kaming maging kaibigan kung gusto mo."-Epal 3

Walang ibang naisagot si Ethan kundi yung mga nakakatunaw niyang mga ngiti. Nakow, dahil dun, napapatili yung mga babae tuwing nakikita siya. Simula non, kahit san siya magpunta, hindi siya nauubusan ng mga tagasunod. Mapababae man o mapalalake, walang tanging gusto kundi ang mapalapit sa kanya. Ayun yung dating walang kaibigan ay may marami nang tagasunod. Nung araw na yun, may mahalang bagay din siyang sinabi sa harap ng lahat ng tao sa school.

"This is me. Mr. Ethan Garcia. Hate me? Or hate me not? Sa mga taong nang-api sa akin noon, maraming salamat. At sa lahat ng nandito ngayon, all of you could be my friends. And also, all of you has no exemptions on being my target  enemy. It's about time para baliktarin ang mundo."

At nagbigay siya nang isang nakakalokong ngiti na tila ba anytime may balak siyang gawin. Nagulat ang mga tao nung mga oras na yun. May natuwa. May mga nagbubulung-bulungan. Iba-iba ang reaksyon ng mga tao. No exemptions. Kaya dapat mag-ingat. Kung dati siya ang pinaglalaruan, ngayon baka ako, ikaw o kahit sinuman sa amin ngayon ang susunod niyang laruan.

END.

"Oh ano Nica, dito na lang tayo? Hali ka na. Ipapasan kita sa likod ko."-Ethan

"Aba teka, sabi ko lang sayo alalayan mo ako, di mo naman ako kailangan ipasan sa likod mo."-Nica

"Dami mo namang arte dyan, halika na. O baka gusto mo yung lover's carry?"-Ethan

"Tumahimik ka na nga dyan. Eh di sana kung di mo ako pinatakbo kanina, hindi ko kakailanganin yung tulong mo ngayon"-Nica 

"Oh ano, holding hands na lang kaya? Ayos ba yun?"-Ethan

"Hali ka na dito, gawin mo ang gusto mo basta't aalalayan mo akong maglakad. Ayos na yun sa akin."-Nica

He offered his hand para makatayo ako. Tinanggap ko naman ito. Ayeeee. Tapos nung nakatayo na ako, nakaakbay yung isa niyang kamay sa akin tapos yung isa nakahawak sa kamay ko. Eh kung ganito lang naman pala siya kabait sana araw-araw na lang akong madapa. Sarap sa feeling eh. Parang may gwapong anghel na nagbabantay sayo. Kakakilig. Pero NO COMMENT. Hindi dapat ako paaapekto dito. Ayun naglakad kami hanggang sa parking lot ng school, ginamit namin yung car niya at siya ang nagdrive. Nakarating kami sa isang mall at dumiretso sa Maxx's. Naku naman, naalala ko, ako pala magbabayad nito. Ang sakit sa bulsa. :3

"Oh siya sige, kaw na bahala kung anong gusto mo, order ka lang, ako naman magbabayad. Isang basic meal lang yung sakin."-Nica

"Hindi wag na. Sapat na sa akin yung nakasama kita ngayon, di mo na kailangan magbayad pa."-Ethan

Hindi ko alam kung bakit pero sadyang napangiti ako dun sa sinabi niyang yun. At ganun din siya. Nagkatitigan kami nang medyo matagal.

"Dahan-dahan lang tayo sa pagtitig Nica ha, may bukas pa naman eh. Kung gusto mo talaga yung laging nakikita ang mukha ko, pwede naman kitang samahan araw-araw."-Ethan

"Che tumahimik ka! Ikaw? Sus, wag na lang!"-Nica

"Deny ka pa Nica, wala akong problema dun, halata namang nagbublush ka oh."-Ethan

Naku, simula nung natitigan ko siya, di na tumigil yung nakakalokong ngiti ng lalakeng to. Evil smirk. Nakakainis. Nahiya tuloy ako kaya iniiwasan ko nang tumingin sa direksyon niya. Mabuti nga at maya-maya dumating na yung pagkain kaya medyo hindi na awkward.

"Ahhhh! Guys! Pakilabas niyo ang mga camera niyo!"-Epal sa labas

"OMG! Ang Prince and Princess of Intelligence ng Hilton Academy!"-Epal

Biglang nagkumpulan yung mga tao sa labas. HAHA. Instant artista naman ako dito ngayon. So, sikat din pala ako? Haha. Hindi ata. Siguro dahil din sikat yung school namin. Nasa best of the best kasi ang tatak ng aming school eh. Tapos magkasama pa yung best female and male student ng isang best school. Malamang yun yung dahilan kung bakit maraming tao sa labas.

"Kita mo yang mga tao sa labas?"-Ethan

"Syempre naman"-Nica

"Karamihan diyan fans ko. Yung iba sayo. Pinagsama sila kaya marami. Sa susunod, mas dadami yan. Asahan mo. Lalo na ngayon at palagay ko palagi na tayong magsasama."-Ethan

"Sino naman ang nagsabi sasama ako sayo araw-araw?"-Nica

"At sino ang nagsabi sayo na hahayaan kitang sumama sa iba?"-Ethan

"Bahala ka. Basta'at kailangan na nating umalis. Andaming tao dito eh."-Nica

Ayun. Hinawakan niya yung kamay ko at inakbayan ako palabas dito. Nagtilian yung mga tao sa labas. Ngumingiti lang si Ethan. Ako naman, parang kinikilig kaya tinatakpan ko yung mukha ko. Sa paglalakad namin, nakaabot kami sa parking lot at nagdrive siya pabalik sa school. Late na kami. Halata naman. Kaya sa 2nd subject na lang kami sa hapon makakapasok.

"Mauna ka na dun sa room Nica. Kaya mo ba yun?"-Ethan

"Medyo masakit pa itong tuhod ko pero kaya ko naman. Ayos lang, baka importante yang gagawin mo."-Nica

"Sigurado ka ba? Dadaanan pa kasi ako dun sa office ni Ma'am Reyes, may itatanong lang ako tungkol dun sa report."-Ethan

"O sige, mauna na ako. Salamat nga pala."-Nica

"Walang problema yun, lakas mo sakin eh. ;) Ingat ah."-Ethan

Ang cute niya. Naku. Nica wag paapekto dun. Ayan, naglalakad na ako pabalik nang classroom. Ang saya ko eh. Feeling ko ang gaan nang pakiramdam ko. Mukha ngang wala na akong pakialam sa paligid eh. Kaya ayun, may biglang nakabangga sa akin. Bumagsak ako. Ansakit sa tuhod at sa paa.Buti tinulungan ako ni kuya na makatayo

"Ah miss, sorry nagmamadali kasi ako."-Unknown

Hindi paman ako nakakareact ay nagpatuloy sa pagtakbo yung lalakeng nakita ko. Gwapo siya. Naku, panibagong crush to. Pero teka, parang di ko pa nakita noon yung mukha niya. Baka lower year yun. Pero sana makita ko siya ulit.

Author's Note:

At sa wakas po ay naka-update na rin. Hindi ko po alam kung magugustuhan niyo pero ayan na po! Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa and please vote po and comment :)

Sino na naman kaya yung guy na nameet ni Nica? At paano siya makakaapekto sa buhay ni Nica? Abangan............ 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tease me or Miss me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon