Grabeh talaga to. 1st time kong makaramdam ng ganitong klaseng kaba. Hindi na talaga ako mapakali. Alam ko namang hindi dapat ako paapekto sa mga laro ng mokong na yun. Pero paano ba kasi ito? Paano kung mamaya eh magla-lunch talaga kami? Paano kung may balak na naman siya? Ano ba kasi talaga ang takbo ng isip niya? Ayoko siyang isipin! Ano ba 'to?! Napatulala na lang ako dito.
"Ms. Perez!"-Mr. Velasquez
"Ah... ye..yes sir."-Nica
Naku. nakatulala kasi ako eh. Ayan tuloy. Patay na ako. Pangalawang beses ko na itong naspecial mention ngayong araw. Yan tuloy nagsitinginan lahat ng mga classmates ko sa akin ngayon. Eto pang chem teacher namin ang nakabangga ko. Ang pinakastrict sa lahat. Naku. Kasalanan mo itong lahat Ethan. Di ka kasi mawala sa isip ko! Hala, ano yun? Hindi, binabawi ko yung sinabi ko. Hindi ko naiisip si Ethan. Whatever.
"So, what was my last word?"-Sir
"WORD."-Nica
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"-crowd
Naku. nagsitawanan lahat nang oras na yun. Kahit ako nagulat sa sinabi ko eh. Hala ka. Ano kaya ang reaction ni sir nito? Napapikit ako sa takot at kahihiyan. Hindi parin nagsitahimik ang lahat. Tawanan pa rin.
"HAHAHAHAHAHAHAHA."-crowd
"QUIET EVERYONE! MS.PEREZ SIT DOWN!"-sir
Paupo na ako nun. Pero saglit kong tiningnan si Ethan. Nakasmirk na naman siya. Talagang nasisiyahan na yun sa pangyayari. Nahalata niya na sigurong nababagabag na ako dun sa sinasabi niyang hide and seek. Tapos ito pa, napahiya pa ako sa klase. Naku, todo2 na ang lait ang pambubulabog niya sa akin mamaya, sigurado ako. Ano kaya nasa isip niya ngayon? Naiisip niya ba na kaya ako nakatulala dahil iniisip ko ang mga maaaring mangyari mamaya? O baka iniisip niya yung mga gagawin niya sa akin mamaya? Ano ba. Pati ako napapaisip. Tama na Ethan. Ayoko na po. Makikinig na ako at baka matawag pa ako ulit ni sir eh.
"GOODBYE CLASS."-sir
Hala ka. Isang subject nalang magla-lunch na. Ano ba kasi talaga ang mangyayari? Ramdam na ramdam ko na yung kaba oh. Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ba yung plano? Paano kung di nalang kaya ako pumasok dito sa last subject. Filipino lang naman eh. Hindi. Hindi yun pwede. Eh paano kaya kung mamayang lunch dideretso na lang ako dun sa clinic? At dun na lang ako tatambay. Kaso malayo-layo din yun eh. Ang bagal-bagal ko pa naman tumakbo? Ano na nga ba talaga?
Iisa na lang ang natatanging paraan. Tatakbo ako nang tatakbo mamaya. Kahit di ko man alam san ako patungo, ang mahalaga ay dapat hindi ako mahuli ni Ethan. That's the plan and if I succeed, mission complete.
"Magandang umaga mga bata."-Mrs.Cortez
Ayan na pala teacher namin. Panghuli na ito. Pagkatapos ng subject na ito, bakbakan na. Tch. Ganun? Bat ko ba kasi kailangan seryosohin yung sinabi ni Ethan? Ah basta, mamaya dapat mabilis. I need the speed. Kailangan maingat, di dapat ako madapa. Dapat sisingit ako dun sa maraming tao para mawala ako sa paningin niya. Wag papatalo Nica. Kailangan mong maungusan si Ethan. That's the spirit. Kaya mo yan.
"Paalam na mga bata."-Mrs.Cortez
Eto na. Eto na. Eto nah. WWWWWWWWWWWWWWWUUUUUUUAAAAAAAAAHHHHHHHHHH. Run for you life!!!!!! Ewan ko ba anong pumasok sa isip ko, basta't pagka-alis na pagka-alis ni ma'am eh dire-diresto na akong tumakbo. Takbo nang takbo. Walang tigil. Whooo. Nakakapagod, wala na ako sa 4th yr building, malayo-layo na ito. Ayoko sana magpahinga kaso napatigil ako nang sandali. Kakapagod na kasi. Hindi pa ako nakarecover nang may bigla akong narinig.
"MY PRINCESS WAG MO AKONG IWAN!"-Ethan
Nagsitinginan ang mga tao sa aming dalawa. Gumawa na naman ng eksena itong c Ethan. Naku, nakakahiya naman po. Pero bahala na. Kahit kitang-kita ko yung pawis ni Ethan na halatang napagod na siya sa katatakbo, pagkarinig na pagkarinig ko nung boses niya eh humarurot na naman ako sa katatakbo.Go lang nang go. Takbo nang takbo. Pawis na pawis na nga rin ako eh. Nakakapagod na talaga. Dagdag pa, di pa ako nakakain ng lunch. Wala na talaga akong energy. Baka maya-maya ay matumba na ako. Pero sige, takbo pa rin ako nang takbo. Malapit na ako sa cafeteria, naisipan kong tumigil muna doon para manghingi nang tubig. Sakto, wala gaanong tao, tapos na akong uminom ng tubig nang dumating si Ethan na humihingal.
HAHAHAHAHA. Nasisiyahan ako sa nakikita ko. Mukhang napagod ko siya. Kaya dahil dun, mukhang ganado akong lalong tumakbo. Tumakbo ako palabas ng cafeteria habang may pahabol na sigaw.
"TRY TO CATCH ME IF YOU CAN, MR. ETHAN GARCIA. HAHAHAHA!"
Ayun, takbo na naman ako. Hahaha, pero sa sandaling ito mas ganado ako. Natatawa pa nga ako eh, habang tumatakbo. Napaisip ako. Sa wakas Ethan, nakaganti din ako sayo.HAHAHAHA. Sa katatakbo ko, nakita ko si Ysay, mukhang pabalik na nang classroom, naalala ko lang, di ko na rin namalayan anong oras na, mukhang matagal-tagal na rin akong tumatakbo, baka oras na para sa klase. May sinabi si Ysay.
"San ka pupunta Nica? Bat di ka kumain?"-Ysay
Dinaanan ko lang siya kasi di naman ako pwedeng tumigil sa pagtakbo ko. Isinigaw ko na lang sa kanya ang tanging nasa isip ko.
"HIDE AND SEEK!"-Nica
Hindi ko alam kung anong naging rekasyon dun ni Ysay o kung naintindihan niya yung sinabi ko, basta't tumakbo pa rin ako. Hinihingal na nga ako nang grabe-grabe. Hindi ko man lang namalayan na sa kaiikot ko sa campus eh ngayon nandito na ako malapit sa may gate. Sa bilis nang takbo ko, di ko namalayan na may bato pala sa daanan. Ayun, natisod ako. Naku, natapon pa ata yung isang piraso nang sapatos ko. Aray ko po. Ansakit ata nung tuhod ko eh. Hindi na nga ako nakatayo. Siguro sa sobrag pagod at sa sobrang sakit ng paa ko dagdag pa ng sugat sa tuhod ko. May lalaking biglang tumayo sa harapan ko. Napatingala ako.
"I got you, my princess. Mission failed para sa'yo. ;)"
Putol-putol pa ang pagkasabi niya nang mga salitang yun. Hinihingal pa kasi. Nagulat ako dun. Tae. Wala na 'to. Tapos na ang kasiyahan ko nito. Nahuli na ako eh. Nakakapagod pa naman. Ano na nga lang ba ang susunod na mangyayari dito?
"Anong my princess sinasabi mo dyan?!"-Nica
"Oo, pwede nga kitang maging Cinderella eh. Cause I've got the other pair of your shoes. >:)"-Ethan
Napasmirk pa siya ha? Walang hiya!!!!!!!! Nakakainis na talaga ha! Ayun inilabas niya yung sapatos ko. At, isinuot yun sa paa ko.
"Nasugatan ka pala, tanga mo naman."-Ethan
"Kasalanan mo to! Pinatakbo mo ako!"-Nica
"Eh bat pa kasi kailangan mong tumakbo? Para lunch lang na kasama ako, natatakot ka?"-Ethan
"Ayoko lang!"-Nica
"Tara, buhatin kita. Gusto mo bang dalhin kita sa Clinic?"-Ethan
"Wag na. Baka mas madisgrasya pa ako."-Nica
"Bahala ka nga dyan. Halika na."
Hala ka, umupo siya, yung pormang parang ipapasan niya ako sa likod niya. Ano bang magagawa ko? Hindi ko rin naman kaya tumayo mag-isa eh. Isa pa, kasalanan niya yung pagkatisod ko. Pinasan niya nga ako, papuntang clinic, nagsisitinginan yung mga tao. Todo ngiti naman siya. Yumuko na lang ako.
"Dito na tayo. Pagamot ka muna."-Ethan
Ibinaba niya ako. Inayos ng school nurse yung galos ko. Mahapdi, pero hindi naman ganun kalaki yung sugat. Kaso, masakit din yung paa ko galing sa takbo eh. Maya-maya pa, nagsalita na ulit si Ethan.
"Tara na Nica, lunch na tayo. Di mo na kailangan tumakbo. Hindi mo makakaya. Isa pa, tayong dalawa, hindi pa nakakain kaya hali ka na."-Ethan
"O cge. Kaso, pwede ba tulungan mo akong tumayo? Ansakit sa paa eh."-Nica
"Sure, basta para sa'yo. Pumayag ka nang maglunch tayo ha? Wala nang bawian?"-Ethan
Author's Note:
Ayiieeee! Napapayag na ni Ethan si Nica. Ano na kaya ang mangyayari sa date nila? I mean, lunch lang. Hahahaha. Weeeeeeeeeeeee. Pinasan ni Ethan si Nica. Ang sweeeeeeeeet. ABANGAN niyo yung date nila! <3
BINABASA MO ANG
Tease me or Miss me?
RomanceIto ay isang kwento ng isang babaeng inis na inis sa isang lalakeng wala namang alam kundi ang mangulit ang mang-good time sa kanya. May pag-asa pa kayang magkabati ang dalawa? Ano naman kaya ang gagawin nila kapag silang dalawa ay nadevelop sa isa'...