CHAPTER 2 : My Savior

11 0 0
                                    

Umalis sila , sya na tanging gusto ko makausap . Ano ka ba naman Irene , hindi ka pa nasanay e lagi naman syang ganyan sayo diba ? perp ewan ko ba , ang sakit lang kasi pero hindi pa rin nagkakaroon ng kalyo itong puso ko .ng biglang may nagtakip ng mata ko

"Hulaan mo " 

Boses ng isang lalaki pero hindi ni Chunji , isang lalaking pamilyar ang boses 

"Sino ba to ? " 

"Hulaan mo nga e , ano ba naman yan . tss sige na nga " 

Tinanggal nya ang pagkakatakip nya sa mata ko at laking gulat ko na si Kyungsoo pala yun . Sya si Kyungsoo Do ang bodyguard ko , matagal na syang Bodyguard at dahil dun naging kuya ko na rin , ang bait nya lagi nya nga akong sinasabihan ng Irene Maganda ka , bulag lang yang Chunji na yan kaya naman hindi nya napapansin . Sa tuwing alam nyang malungkot ako dahil kay Chunji lagi syang nagluluto o kaya naman gumagawa ng paraan para pasayahin ako . 

"Ikaw lang pala Kyunggie , HAHAHAHAHAHHA  " 

Actually ayaw nyang tinatawag ko syang Kyunggie dahil pang bata daw ito at hindi na bagay pa sa kanya , pero ang cute kasi nya mainis e . 

"Tsk , Irene tigil-tigilan mo nga ako . " 

Seryosong sabi nya sakin at tumalikod tinakpan ang tenga ang nagpatuloy sa paglalakad , pero mas natuwa at ginanahan ako lalo

"Kyunggie Kyunggie Kyunggie " 

Humarap sya sakin at tinanggal at takip sa kanyang tenga at hinawakan ang magkabilang braso ko 

"Irene , gutom ka lang tara na ililibre na lang kita "

Nginitian ko sya pero inasar ko ulit 

"Sige Kyunggie , libre mo ko ha sabi mo . " 

Nagbuntong hininga sya at ginulo ang buhok ko at hinila na ako papuntang Canteen at dun nakita ko si Suzy na kasama si L.joe at Taemin , kumaway sila sakin at ngumite agad namang tumayo si Suzy at hinawakan ang kamay ko at lumingon kay Kyungsoo 

"Kyungsoo , Gusto mong pumunta ng sementeryo ? " 

Tanong ni Suzy kay Kyungsoo habang nakahawak sakin 

"Ba-Bakit naman ? " 

"Bibisitahin lang natin ang puso kong patay na patay sayo " 

At nagulat ako ng tumawa ng malakas si Taemin 

"HAHAHAHAHAHAH ,san mo nanaman nahanap yan Madam Suzy ? " 

Tanong nya habang umiiling iling at tawa pa rin ng tawa 

"Hayaan mo na si Madam , andyan nanaman kasi si Kyungsoo kaya pumipick-up line nanaman" 

Nagtinginan ang dalawa at halatang tuwang-tuwa , tiningnan namin sila ng masama at tumigil sila si Kyungsoo naman iritable dahil sa ginawa ni Suzy pero sanay nanaman sya kay Suzy e , alam nya naman kasing may gusto sa kanya pero dinadaan lang nya sa biro ito . umupo na kami at kumakain nagkwentuhan at nagtawanan , sila ang dahilan kung bakit masaya ako lagi at kung bakit nakakalimutan ko si Chunji at Tiffany pero pag wala na sila ayun balik sa pagiging Senti . 

L.JOE's POV 

"Uy balita ko umuwi na daw yung mga pinsan ni Tiffany na si Seohyun at Luna " 

Masayang pagbabalita ko kay Taemin dahil alam kong matagal nyang hinintay si Luna na matagal na rin nyang nililigawan , muntik na sana maging sila kaso umuwi si Luna sa abroad kaya ayun hindi natuloy 

"Talaga ? kelan pa ? " 

Sagot naman ni taemin na parang di na-excite sa balita ko , ano ba naman to nageffort pa ako tapos yun lang ang isasagot nya sakin ? tss . sya nga pala kapatid ko si Taemin at parehas kaming Bodyguard ni Suzy este Madam Suzy . Si Suzy ang may-ari ng School na kung saan kami nag-aaral ni Taemin , mayaman ang pamilya nya at ganun din si Irene na matagal ko ng gusto pero natatakot akong sabihin sa kanya kasi alam kong patay na patay sya kay Chunji na wala namang kwenta , hay nako . 

"Ang panget naman ng sagot mo " 

"Bakit ano ba ang dapat kong isagot ? " 

Si Taemin na hanggang ngayon busy sa pagkakal-kal ng drawer nya 

"Hoy ! Alam kong matagal mong hinintay si Luna , ilang taon syang wala ah ! . 3 taon na ang nakakaraan malay mo diba mahal ka pa rin nya . " 

Humarap sakin si Taemin na may seryosong mukha at parang galit na 

"Kung wala kang magandang sasabihin sakin , umalis ka na lang " 

At tumalikod na sya uli at kinakal-kal uli ang drawer nya . wala akong choice kundi umalis at maghanap ng paglilibangan ng makita k si Luna na nasa harapan ng gate at naghihintay na may magbubukas ng hindi ng dodoorbell Sa palagay mo bubukas yan ng kusa para sayo ? 

"Lu-Luna ? " 

"Ako nga L.Joe , andyan ba si Taem-" 

"Wala " 

"Ah ganun ba , sige babalik na lang ako next time " 

Ngumite sya at sumakay na ng kotse at umalis 

IRENE's POV 

Nagyaya si Suzy na pumunta kami sa Mall , pampatanggal lang daw ng stress at sumama ako ,nagpaalam ako sa kanya na may bibilhan ako dahil hindi namin kasama ang mga Mokong kaya naman Free ako , lumibot ako ng tingin pero nung tumngin ako sa isang Coffee Shop nakita ko si Tiffany at Chunji na sweet na sweet sa isa't isa , hindi pa nagtagal ay lumabas sila hindi ako nakapagpigil at tinawag ko si Chunji 

"Chunji ! " 

At yun naagaw ko ang atensyon nya at ng lahat ng tao sa paligid , lumapit ako sakanya pero bago pa man ako tuluyang makalapit ay nagsalita sya 

"Stop right there , ayaw kitang makita " 

"Pe-Pero " 

Ng biglang nagsalita si Tiffany 

"Irene , please just go " 

Nagtinginan sila ni Chunji at tila ba parang isang novela ang nangyayare , ito nanaman ang Luha ko pumapatak ng unti-unti at nararamdaman kong unti-unting nanlalabo ang mata ko kahit nakasalamin ako 

"Talaga bang mahal mo sya , Chunji ? " 

May narinig akong mga bulung-bulungan at ito ang sabi 

Ano ba ang nangyayare ? 

Sino ba yung nerd ? 

Kabit ata ni Cutie yung maganda 

Baka ayaw nung guy sa nerd , tara na nga 

"Chunji , magsalita ka kinakausap kita " 

Tinapon nya ang kaping iniinom nya at tinanggal nya ang pagkakahawak sa kanya ni Tiffany 

"Ano nanaman ba to Irene ? ganyan ka na ba ka-obssesed kaya naman kung san ako pupunta susunod ka ! " 

Tumaas na ang boses nya at ang lapit na nya sakin ngayon , galit na galit ang mata nya 

"Ch-Chunji nagtatanong lang naman ako e . " 

Nanginginig kong sagot 

Sasampalin nya na sana ako ng biglang may humawak sa kamay nya . 

Hello Sorry kung Short UD lang ang nagawa ni Authornim ha ! pero gusto ko kasi kayong mabitin :) haha hindi ko pa alam kung kelan ulit magU-UD e , pero promise gagandahin next UD ko :) Please Vote , Comment and be my fan if you want , follow me and i'll followback by the way sorry the for the errors and the wrong grammars :)) XOXO 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Heart Is In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon