"TIGIL!!!!!!"
Sigaw ng isang pulis habang hinahabol ang naka bonnet na may hawak na celphone.
Mabilis na tumakbo ang snatcher,liki sa kanan,liko sa kaliwa,talon dito,talon doon.
Kabisado na nya ang lugar na ito at bihasa na sya ganitong trabaho.
Kung matatawag na trabaho ang pagiging SNATCHER!.
Tuluyan na nyang nailigaw ang pulis,pumasok sya sa walng taong eskinita,hinubad ang jacket at inalis ang pagkatali ng buhok,inayos ang blouse at inilagay sa bulsa ang celphone.
Lumabas sya sa eskinita at dumiretso sa 7/11.
Ito,masarap 'to!sabi ni Chelsea sa sarili at isinuksok ang chokolate sa dibdib.
"Ito pa!at mabilis na isinuksok sa dibdib ang kendi.
Tumingin tingin sya sa mga kendi sa estante ng 7/11 at naghahanap ng mananakaw ng makita nga ang kanyang paboritong tsokolate....
"TOBLERONE"!!naibulas nya sa sarili ng makita nya ang nag-iisang tsokolate sa esatante.
Luminga linga sya sa paligid at saka dinakma ang toblerone habang nakatingin sa guard na palakad lakad sa di kalayuan.
Ilalagay na sana nya ito sa loob ng blouse nya pero nagulat sya ng may nagsalita sa harap nya.
"Te-teka!Anong gagawin mo sa kamay ko?"
Mabilis na nabitawan ni Chelsea ang kamay na inakala nyang toblerone.
"Huh"?W-wala akong gagawin...natarantantang sabi nya,..
"Saka teka,"bakit kamay mo ang hawak ko?"
Ewan ko sa u,kunin ko sana ang toblerone pero bigla mo na lang hinablot ang kamay ko at ipapasok mo sana jan sa blouse mo!..wika ng lalaki sabay turo sa dibdib ni Chelsea.