Lumingon si .
Chelsea at nakita nya ang lalaking nang asar sa kanya kani kanina lang.
Nakatitig sya sa mukha nito at ngayun lang nya napansin na guwapo pala ito,at hindi lang basta guwapo...kundi sobrang guwapo!..
Maputi,hunk,matangos ang ilong,kissable lips.
"Oh,akin na yan,ako ang magbabayad."
Kinuha nya ang kendi at ngumiti.
"Ha?"Wag na,ako ang magbabayad,sagot nito sa nahihiyang paraan at inagaw ang mga kendi.
"Hindi miss..ako na!"inagaw ulit ng lalaki ang mga kendi.
"Wag na,ako na!pagmamatigas niya at inagaw uli ang mga kendi at tsokolate.
Nag agawan sila na parang mga bata sa harap ng kahera na kinaiirita nito.
"Eheeemm..."tikhim ng kahera.sino po ba talaga?"
Natigilan ang dalawa.
"Sige sya na!padanog na sagot ni Chelsea at ibinigay ang lahat na kendi sa lalake."
"Saka tutal,ililibre mo na rin naman ako,samahan mo na lang ng Cheetos,Doritos,Lays at Snickers...nakakahiya eh...lubos lubusin mo na..sabay iwas tingin sa lalaki.
"Ah,hehehee..napakamot ng batok ang lalake.."nahihiya ka pa sa lagay na yan,miss?"
Matapos ang insidente sa 7/11 ay nalaman ni Chelsea na Simon pala ang pangalan ng lalaki,hinatid sya nito at hiningi ang number nya,pero dahil sa nakaw lang ang celphone nya ay sya na lang ang kumuha ng numero nito.
Kinabukasan,nangutang sya ng simcard at tinext kaagad ang lalaki.
Sa tulong ng kaibigan na si Julie ay natuto syang mag text kahit paano.
Ngayon lang kasi sya nakagamit ng celphone,dati kasi ay binebenta nya agad ang mga nakaw nya,pero ngayun lang sya gumamit dahil kay Simon.
Dalawang linggo na silang nagte text at kahit paano ay nakapalagayan na sila ng loob.
"KRIIINNG..KRRRIIINNGGG".
"Hala,paano kaya 'to?tumatawag si Simon..paano ko sasagutin?..natatarantang bulong nito sa sarili.
Pinindot-pindot nya ang screen pero di pa rin nasasagot ang tawag,inaalog-alog,iniikot-ikot at sumigaw ng "open sesame"!!Ngunit wala pa ring nangyari,binasa nya ang screen...
"Slide screen to answer call"...
"Slide?..padulasin ko daw?..takang tanong nito sa sarili.."
Teka!Naghanap si Chelsea ng bangkito at tabla,pinatong nya ang isang slide sa tabla at sa bangkito at pinadulas doon ang celphone pababa sa maalikabok na sahig.
Paano ba 'to?wala namang nangyari...
Pinunasan nya ng alikabok ang screen at nagulat na lang sya na nasagot ang tawag..
(To be cont..)