Malapit na mag end to guys hehe
—————
Xenophon Jecht's POV
Umaga na at hindi ako nakatulog dahil sa paguusap namin ni aein kahapon
Biglang tumunog ung phone ko
Tinignan ko yun
Si mom?
Sinagot ko agad
"Mom? Bakit ka napatawag?" Tanong ko
"Anak, go to our mansion sa royal ngayon na ngayon na don't bring anything, anyone babalik ka din agad" Mabilis nyang sabi
"Bakit mom?"
"Anak please follow what i say, please, may sasabihin kaming importante" Sabi ni mom
"Sige po" Sabi ko nalang
The call ended
Nag bihis agad ako
Pumunta ako sa dorm ni aein
"Aein!" Sigaw ko
Bumukas agad ung pinto
"Bakit ba? Ingay" Sabi nya
"Pupunta akong royal, i need to my mom's calling me to go there wala ako ngayon ha?" Sabi ko sakanya
"Okay okay, ingat ka" Sabi nya
I Kissed her cheeks
"Bye aein" Sabi ko
Kumaway lang sya
Lumabas ako
"Sir smirnov? Let's go" Sabi ng driver namin
Pumasok nako sa sasakyan
——————
It's lunch
Andito na ako sa bahay may hinihintay daw kami
Kumakain kami
"Sorry i'm late" Sabi ni— SIENNA?!
WHY?! WHAT?! WHO?!
"Have a seat" Sabi ni dad sakanya
"Anak, meet your—" Pinutol ko
"Ano? Arrange marriage?! Mama!" It's my first time to call her mama
"Patapusin mo ang mom mo xenophon" Sabi ni dad
Grrrr
Ayoko mapakasal dito! Dito pa sa kaibigan ko!
"Meet your sister" WHAT?!
——————-
Zandaleigh Zanelle's POV
two lang classes ko one week nalang and tapos na ang school
and bukas ang libing ni lola
Hays
Pumunta na ako sa class ko
Kasabay ko si zero
——————
Recess na and bigla kong naalala na umalis si xeno
"Si xeno?" Tanong nila sander
"Asa royal, pumunta sa mga magulang nya" Sabi ko
"Pati si ate sienna wala" Sabi ni hazel
"Hindi ko lang alam ung kay ate sienna" Sabi ko
Biglang lumapit si alyssa