Bangtan Boys

443 9 5
                                    

Facebook- Iamsored Author
Twitter- @AuthorIamsored

-------


Blake's POV (Jungkook)

Blake Castro.

Mahirap din talaga kapag maraming beses ka ng NALOKO,

Kasi di mo na alam ano ang kaibahan ng KUNWARI at TOTOO.

I idolized my father for being Loyal to my mother kaya sa mga naging girlfriends ko di ko nagawang manloko sa kanila.

Maraming beses na akong nagmahal pero ni isa sa mga pagmamahal na iyon di man lang nasuklian.

Akala ko iba-iba ang mga babae but based on my experience,

They are all Users and pretenders.

Nagpapanggap sila na mahal nila ang isang lalake. Oo sinasabi nga nila pero ni minsan di ko naramdaman.

Ilang beses nila akong ginamit para ipamukha sa mga nanakit at nanloko sa kanila na masaya sila at nakalimot na.

Ako naman itong si tanga na umasa at naniwalang may mga babaeng seryoso, ayun nagpagamit rin.

Pati siya. Iniwan niya ako.

Pero sa lahat ng napagdaanan kong sakit? I can prove that

WALA nang babaeng seryoso at tunay na nagmamahal sa panahon ngayon

Lahat sila!

Airel's POV (Jin)

Airel Rivera

Maraming mga bagay ang pwede mong ipaglaban, pero hindi lahat ng ito maaari mong ipagpilitan

Dadating at dadating talaga ang oras na gustong-gusto mo nang sumuko

Lalo na't yung ipinaglalaban mo na mismo ang sumuko.

Siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng totoo.

I came from a broken family kaya di ako naniniwala sa pagmamahal na iyan.

Pero nung nakilala ko siya nagbago lahat ng pananaw ko sa pagmamahal .

I learned how to love, smile and laugh.

Magkaiba kami ng estado sa buhay.

I'm rich. She's poor.

Pero kahit ganun, minahal ko pa rin siya.

Hindi importante sa akin kung ano ang katayuan niya sa buhay basta ang importante... sa kanya tumama ang puso ko.

Pinaglaban ko siya.

Maraming tao ang humahadlang sa amin especially my mother.

But still I fought for her kahit na kinakalaban ko sarili kong ina.

Masayang-masaya kami kapag nagsasama kami.

Lahat ng biruan, kulitan, cheesy lines .. nabenta na namin. Haha

Pero nung araw na Monthsary namin mismo

She said she loves someone else.

And that hurts me badly.

Pero hindi ako sumuko.

Pinaglaban ko parin siya at itinuloy ang pagmamahal ko sa kanya.

But dumating yung point na sobra na akong nasaktan at nakaramdam na ng pagsuko.

That hurts me big time!

Kaya bumalik ako sa pagiging cold at pagiging pusong bato.

I never cared for anyone ANYMORE.

Bangtan BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon