Let me kiss you

34 1 0
                                    

Blake's POV (Jungkook)



"Paano ba kayo nagkakilalang lahat?" Tanong ni Nexcis sa mga girls.

"Uhm.. alam mo kasi fan na fan namin tong si Suzy. Nang minsang nagkaroon siya ng concert, dun kami nagkita. Ang ingay kasi namin kaya ayun nagkatinginan kami at nagtawanan nalang bigla. Haha" Sabi ni Ersa.

Ganun na yun? Grabe, idol pala nila tong si Suzy ko.



"So pano kayo naging close? I mean artist si Suzy—- pano kayo nakalapit sa kanya?" Tanong naman ni Airel. Napaka matanong naman ng mga lalakeng to.

"Dinumog kasi nila ako. To the point na natumba kaming pito sa sahig pero imbis na magalit ako sa kanila bigla nalang akong tumawa at ayun.. baliw lang eh no? Tawa ang dahilang ng pagkakaibigan namin." Si Suzy ko naman ang sumagot. Haha, sa tuwing nagsasalita siya bumibilis naman ang tibok ng puso ko.



"Simula nung araw na iyon, nagkakwentuhan kami tapos pumunta kami sa bahay nila Suzy and boom! Friendship starts!" Pagpatuloy ni Nazumi.

"Hanep! Dahil lang sa tawa? Haha. Sabagay nakakahawa nga naman ang pagtawa." Sabi ni Terrenz


.

Ako tahimik lang na nakikinig sa kanila. Wala naman kasi akong masyadong masabi. Tsaka it's my nature.



"Hoy, ba't ang tahimik mo ata? hindi ka naman ganyan aah. May nararamdaman ka ba? Ano?" Concern ang Suzy ko. Hahaha, kinikilig ako.

"Aah, hindi. Pag tayong dalawa okay lang na magdaldal ako pero kung ganito? Hindi masyado. Minsan pag tinopak, sasabay ako sa kadaldalan at kakulitan ni Gian." Pagpapaliwanag ko sa kanya.



Hinawakan niya ako sa braso, parang may kung anong dumaloy na kuryente sa mga ugat ko. Lakas talaga ng epekto niya sa akin.



"You know what, akala ko talaga nung una kilala mo ako eeh. Akalain mo,meron pa palang hindi nakakakilala sa akin. Simula kasi nung pumasok ako sa showbiz, pati privacy ko pinapakialaman na nila. Kaya minsan nakakapagod rin."



"That's what we call 'Destiny'. HAHAHAHA. Ang corny ba?"



Ngumiti siya at sinundot ako sa tagiliran. "HAHAHA. Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.



Binigyan lang rin niya ako ng isang makahulugang ngiti. If I know, kinikilig nato. Pag ang babae kinilig, nagiging sadista o parang baliw na ngingiti.



"Wag ka ngang kiligin. Mas kikiligin ako eeh." Kumilos ako na parang baklang kinikilig.



"Ang sagwa mo pero infairness ha, bagay sayo. Baka naman——bakla ka? HAHAHAHAHAHAHA" tatawa-tawa pa siya habang nakahawak sa tiyan niya. Pagkamalan ba naman akong bakla nito.

Bangtan BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon