Go Away Charm

160 6 0
                                    

Facebook- Iamsored Author
Twitter- @AuthorIamsored

________

Pagkarating na pagkarating ko sa rooftop. Agad kong pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga pader.

"AAGH!"

Mas nilakasan ko pa ang pagsipa ko. Nasira na ang araw ko nang dahil sa kanya at sa tingin ko araw-araw na. Leche naman kasi. Bakit dito pa?! Bored ba siya kaya siya nandito? Para paglaruan na naman ako?! Asa!

"Aaaaaaagh! PAASA! MANLOLOKO!" Alam kong sasabihin ng iba diyan na Oa na ako mag react. Pero kasalanan ko bang nasasaktan ako? At the same time galit na rin.

Marinig ko pa lang pangalan niya umiinit na kaagad dugo ko!

Nang huminahon na ako, umupo ako at isinandal ang ulo ko sa semento. I am catching my breath.

Sumunod nga pala ang bangtan.

Lumapit sa akin si Blake at tumabi.

"Siya ba?"Tanong n Blake sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot.

Masyado akong napagod sa ginawa ko kanina.

"Wag kang paaapekto."

Medyo tinagilid ko yung ulo ko para makita siya. Nakatingin lang siya sa itaas at parang may iniisip.

Hingal na hingal ako. Hooo! Bakit ba naman kasi ako nakipag away sa mga pader? Ako pa ang naagrabiyado.

"Diba siya dapat ang tumatakbo rito at nagpapalabas ng sakit ng loob? Siya dapat ang may problema ngayon dahil sa gagawin mo. Dapat di ka magpaapekto. Relax ka lang, para maisip niya na balewala nalang ang lahat para sa iyo." Nakatingala pa rin si Blake. Yun bang parang iniisip niya ang mga ginawa niya noon.

Ang tahimik nitong si Blake pero ang lalim lalim naman ng pinanghuhugutan kung magsalita.

"Oo na. Tsk. Di ko lang talaga mapigilan." Sagot ko nalang. Ako pa yata ang napayuhan ng batang to. Pero may tama rin naman siya. Bakit ba ako nagpadala sa galit?

"Ge" 

Pumunta siya sa gilid ng roof top tsaka natulog. Napailing nalang ako.

Kahit kailan talaga.

"Okay ka na?" Ngayon, si Airel naman ang lumapit sa akin. Tinapik niya ako sa balikat.

Si Airel pinakamatanda sa amin.

Siya 18 ako naman 17.

Tapos si Blake ang pinakabata sa edad na 16. Bata pa ba siya sa lagay niyang yun?

Advanced kasi masyado ang utak kaya napantayan kami.

"Okay na. Salamat sa batang yun." Inayos ko ang buhok ko na gulong-gulo na.

"Haha. Alam mo naman yang si Blake, makatang makata."

Umiling lang ako ako na napapatawa.

"Charm Mendoza huh? Tsk tsk. Ang malas niya." Sabi ni Airel na pailing-iling. 

"Malas talaga." 

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan ni Airel nang may biglang sumigaw. Eto na naman, nagiging bato na naman ako.

"Renz!"

-_____-!

Hinarangan naman agad siya ng bangtan.

Well, that's my boys.

"Ano ba! Bakit paharang-harang kayo sa daan?! Body guards ba kayo ni Renz?!" Sigaw ni Charm sa kanila habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya.

Bangtan BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon