Our Mom's Back

10 1 0
                                    

Gian's POV (Taehyung)

Katatapos lang naming gumawa ng MV namin and swear parang pinipilit lang naming lahat na ngumiti. Lalo na sa parte na naghahabulan at nagtatawanan kami. Mas madali pa nga sa aming iexpress yung malungkot at gloomy eh. Ewan ko ba, halos kaming lahat. Lalo na si Arth.

"Okay! Nice one guys! You seemed really motivated, hugot na hugot yung expression niyo sa mukha eh. Do you want us to celebrate?" Nakatingin lang kami sa kanya, kay Manager at wala niisa ang sumagot. Nagbuntong-hininga lang si lider at siya na ang nagsalita pero sa malamig na boses. "Not now Mr. Briguez. We're tired. We want to take a rest." Bigla siyang tumayo at umalis. Ano kayang nangyari dun? Well, silang lahat parang may problema eh—- including me. Tsk

Tumango lang si Manager at umalis na. Mabuti naman at napakiramdaman niya kami. Silence was covered between us. Mga ilang minuto pa ay nagpagpasyahan na naming umalis.

Lumabas na kami sa KP building at kanya-kanyang umalis. Bakit parang kinakabahan ako? Dahil ba sa---makikita ko naman siya uli? Haay, bahala na.

----

Tama nga ang hinala ko, andito na naman siya. She is sitting right near the gate and it's like she is crying. Bakit kailangan pa niyang pumunta dito? Sinaktan niya ako kaya dapat lang na hindi ko na siyang makita pang muli. Kagaguhan lang ang mga pangyayaring papatawarin ko siya.

Bumusina ako ng malakas, hudyat para sa katulong na buksan na ang gate. Kumuha kami ng katulong dahil sa sobrang busy namin ni papa.

Bumukas ang gate at pinaandar ko agad ang sasakyan. Bigla akong napapreno nang bigla siyang humarang sa daan. "Tangnang buhay naman to oh!" Umiiyak siya habang hinaharangan ang sasakyan ko. Fck!

Hinampas ko ng malakas ang manibela at padabog na lumabas sa kotse. "Hindi mo ba talaga ako naiintindihan?! Ang sabi ko, wag mo na akong guluhin pa! Sinaktan mo ako kaya wala ka ng karapatan pang lumapit pa sa akin!" Humikbi pa siya ng lalo. "Anong kaartehan iyan? Tsk. Bilib na talaga ako sayo."

Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko agad iyon. Huh! Ang galing niya ha! "G-gian. M-mahal kita. H-hindi ko sinasadyang iwan ka, ang s-saktan ka. Mahal na mahal kita Gian." Sabi niya sa gitna ng mga hikbi niya.

"So what? It happened. Umalis ka na! Tabi!" Tinulak ko siya ng malakas kaya napalayo siya ng nalandingan. Konsensya? Wala. Pero galit? Sobra. Bumalik na ako sa kotse at ipinasok na sa loob ang sasakyan.

I headed upstairs and comforted myself through a warm bath. Ilang minuto rin ako sa bath tub. Pinag-iisipan ang lahat. 'Bakit mo kami ginugulo ngayon? Okay na kami eh.' Napabalikwas ako nang may marinig akong nagbabasag sa baba.

Sht! Si papa! Dali-dali akong lumabas mula sa Cr at nagbihis. "I am okay, I said I will be okay without her! B-but now you're here and pleading me to forgive you! Stupid! Gago lang ang gagawa nun! Mahal kita pero sinayang mo iyon! Uuugh! Get that woman out of this village! NOW!" Nagwawala si papa. Hinayaan ko lang siya, I thought na makakapagpagaan rin to ng sama ng loob. Ang magwala. Tinawagan ko ang security na palabasin na ang mam--ang babaeng nasa labas.

I was hurt when I saw my dad hurting. He's been always there for me when she's not there. Huh--she has never been beside me. Nang huminahon si papa ay umupo muna siya at napa face palm. "Did you talked to her?" Tumango ako at tumabi sa kanya.

"Yes I did. She said, she never meant to hurt us, to leave us. But I didn't buy it. I know she was just saying it to make up my mind." Hinagod-hagod ko ang likod ni papa nang umiyak pa siya lalo. Inalalayan ko siya sa pagtayo at nagpunta sa kwarto niya. Pinahiga ko siya at kinumutan. Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita "She was pregnant when she told me she loves someone else. I was so hurt, pero hindi ko inintindi ang sakit bagkus ay nagsumikap pa sa pag trabaho at inisip ang kinabukasan mo." Ngumiti ako. "Thanks pa. I love you."

Bangtan BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon