room part 2

304 1 0
                                    

"d-di a-ak-ko makkk--"

"b-bit-t-ta-wan mo k-k-ko" pagpipilit na pagsasalita ni Lisa

"di kita bibitawan! mamamatay ka!" sagot ng di killalang lalaki na gigil na gigil at na sinasakal si Lisa..

*riiiinnnggg!*

Biglang nawala ang lalaki kasabay ng malakas na pagtunog ng alarm clock ni Lisa. Agad siyang napabangon habang  hinahabol ang hininga.  Hindi makapaniwala si Lisa sa panaginip na parang naulit.  Laking pagtataka nito nang makita ang oras sa kanyang digital alarm clock, 03:00 AM.

"paanong..?" buong pagtataka ni Lisa.

"paano nangyari yon? Alam ko na nagising na ako mula sa una kong panaginip pero.."

Kasabay nito ang pag-ihip ng malakas na hangin mula sa kanyang bintana. Ramdam na ramdam ni Lisa ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat na nagdulot ng matinding pangingilabot. Wala siyang naaalala na binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto.  Alam niya na mula ng dumating siya kanina mula sa trabaho ay di siya lumalapit sa bintana.  Agad niyang sinara ito.  Dahan-dahan siyang tumalikod para bumalik sa kanyang higaan ngunit laking gulat niya nang tumambad sa kanyang harapan ang lalaki sa kanyang panaginip. Nakangiti.

"S-sino ka? B-bakit ka nandito?" nanginginig na tanong ni Lisa

"Ako ang lalaki sa iyong panaginip." sagot nito.  Mabilis ang naging pagkilos ng lalaki at agad siyang sinakal nito. "di kita bibitawan! mamamatay ka!", "di kita bibitawan! mamamatay ka!" malakas na sigaw na sigaw nito.

Takot na takot si Lisa habang pinipigilan ang ginagawang pagsakal sa kanya ng lalaki. 'Ito na yata ang katapusan ko.' Naisip niya.  Buong lakas niyang pinipigilan ang magaspang na braso ng lalaki. Mukhang sariwa ang sugat ng buong katawan nito na animo'y nasunog. Katulad sa kanyang panaginip, habang pinipigilan ni Lisa ang pagsakal sa kanya ay lalo itong humuhigpit.  Pinipilit niyang itulak ang lalaki ngunit sadyang malakas ito. Nanlalabo na ang mga mata ni Lisa.  Sumisikip na rin ang kanyang paghinga na parang 'di na siya aabutin ng umaga nang buhay.

"m-maa.." ang huling pantig na nasabi ni Lisa. Kasabay nito, bago pa mawalan ng malay si Lisa ay ang tunog ng kanyang alar clock. Kahit nanlalabo na ang paningin ay naaninag pa rin nito ang oras sa nasabing orasan -  03:03AM.

*krrriiinnnggg!*

ROOM - 3:03 am [short story] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon