room part 3

334 4 14
                                    

*krrriiinnnggg!*

"Lisa! Lisa! Gising! Lisa! Gumising ka." sigwa ng nanay ni Lisa. "Lisa, gumising ka! Lisa!"

Dahan-dahan siyang nagbukas ng mga mata. Nagulat siya nang tumambad ang mukha ng kanyang ina na alalang-alala.

"inay?" Sabay yakap na naluluha-luha. "'Nay, akala ko ay patay na ako."

"Anong nangyari sa'yo Lisa? Kanina pa kita ginigising. Narinig kitang umuungol na parang hirap na hirap sa paghinga. Kamusta ang pakiramdam mo? Ano ang nangyari?" Pag-aalalang tanong ng kanyang ina.

"'Nay, nanaginip ako. paulit-ulit na panaginip." Maluha-luha-luhang simula ni Lisa. "Hindi ko alam kung bakit, nay pero nanaginip ako na may sumasakal sa'kin, tapos, tapos bigla akong magigising sa tunong ng aking alarm clock."

"03:03AM ang oras, nay." patuloy niya.

"Gusto niya akong patayin. Sinasakal niya ako. Habang nilalabanan ko ang pagsakal niya sa akin, lalo itong humigpit. 'Di kita bibitawan, mamamatay ka'. Nakangiti pa sya habang sinasabi yun. Nakaitim siya. Nakakatakot ang hitsura niya. Parang.. Parang nasunog ang buo niyang katawan. Sariwa pa ang mga sugat niya. Nakakadiri. Malaki ang kanyang mga mata na parang nakaluwa. Malaki at matangos din ang kanyang ilong.. Nakakatakot, inay.."

Hindi sumasagot ang nanay ni Lisa. Nakatungo lang ito. "inay?".. "inay, may problema ba?"

*krriiinnnggg!* napatingin si Lisa sa kanyang digital alarm clock - 03:03AM.

"Hindi kita bibitiwan! Mamamatay ka!" bulong ng ina ni Lisa habang dahan-dahang itinaas nito ang kanyang ulo at tinignan siya. "Hindi kita bibitawan! Papatayin kita! Hahahaha!"

"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

Buong lakas na sigaw ni Lisa.

"walang makakarinig sa iyo.. hahaha!" pananakot ng lalaki

"s-si-n-no k-k-kaaa? a- a-nong gi-nawa m-mo s-s-sa i-i-nay k-ko?" tanong ni Lisa kahit hirap na hirap siya sa paghinga,

"ako ang inay mo." sagot ng lalaki na biglang naging kamukha at kaboses ng kanyang ina.

"h-h-hin.. d-di! h-h-hindi i-ik-kaw ang i-nay ko!" sagot ni Lisa na hirap pa ring makahinga. Alam niyang katapusan pero hindi matatahimik ang kanyang kaluluwa kapag namatay siya nang di nalalaman ang kalagayan ng ina.

Buong lakas niyang itinulak ang lalaki na naging dahilan ng pagbitaw sa kanya nito. Agad siyang tumakbo papuntang pintuan ngunit di niya mabuksan nito.

"hahahahaha! hindi ka makalalabas!"

"s-si-si-no ka ba talaga? b-ba-k-kit mo ginagawa sa akin ito? a-anong kasalanan ko s-sa iyo?"

"hahaha! wala ka ba talagang natatandaan?" sagot ng lalaki habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kanya. "ang bilis mo namang makalimot."

"a-anong i-ibig mong sabihin?" tanong ni Lisa na dahan-dahang umaatras sa papalapit na lalaki.

"ako lang naman ang lalaki sa nasusunog na bahay sa kabilang bayan."

"a-anong p-pinagsa-sasabi mo?" 

"wala ka pa rin bang naaalala? o, pinilit mo lamang kalimutan ang lahat ng nangyari?" tanong ng lalaki sa kanya

"e-ewan ko. 'Di k-ko alam ang sinasabi mo!" hanggang sa mga oras na iyon ay palaisipan pa rin kay Lisa ang sinasabi ng lalaki.

"T-t-tu-l-long! T-tulungan n-niyo p-po ak-ako.. T-tulong! M-ma-awa n-na p-p-po k-ka-yo!" Puno ng emosyon na sinabi ng lalaki. "Ano Lisa, hindi mo pa rin ba alam?"

Biglang may naalala si Lisa sa narinig.

"i-i-kaw.?"

"Oo Lisa, Ako nga! Kung hindi dahil sa iyo ay buhay pa sana ako! wala kang kwenta kaya mamamatay ka!!" Puno ng galit na sigaw na lalaki at mabilis na sinakal si Lisa.

Nagulat si Lisa sa narinig.

"Hindi mo ba alam na ako na lang ang inaasahan ng mga magulang ko? Ako lang ang bumubuhay sa kanila? Iniwan ko ang asawa at limang anak ko para akuin ang responsibilidad ko sa mga magulang kong may sakit? Dahil sa iyo, wala ng susuporta sa magulang ko." dagdag nito.

"P-p-pa-t-ta-w-warin m-mo a-ak-ko! 'D-di k-ko s-sina-s-sad-ya! 'D-di k-ko ginusto ang n-nang-y-ya-ri!" pagmamakaawa ni Lisa.

"Patawad? Mabubuhay pa ba ako pag pinatawad kita? Anong ginawa mo nang humingi ako ng tulong sa'yo? Imbes na maawa ka, sinipa mo pa ako at pinagtawanan. 'mabuti nga sa'yo' Tama ba Lisa? Imbes na tumawag ka ng tulong ay pinanood mo pa na mawalan ako ng malay. Makakaligtas sana ako kung tinulungan mo ako."

Kahit nahihirapan na sa paghinga si Lisa ay naluha pa rin ito. Naalala niya ang nangyari noong nakaraang Linggo. Medyo nakainom siya noon. Papauwi siya mula sa kaarawan ng kaibigan niya nang madaanan niya ang isang nasusunog na bahay. Kitang kita niya ang apoy na lalong kumakalat sa loob ng bahay na iyon at nang i-check niya ang kanyang relo - 03:03AM. Habang pinapanood ang nasusunog na bahay ay bigla siyang nakarinig ng kaluskos. Nagpalinga-linga siya nang isang sunog na lalaki ang nakita niyang nakadapa at animo'y gumagapang papalapit sa kanya.

"T-t-tu-l-long! T-tulungan n-niyo p-po ak-ako" sabi nito. Gulat na gulat si Lisa sa nangyari at biglang sinipa ang lalaki. Nagtatawa si Lisa sa nahihirapang lalaki at habang hinihintay na mawalan ito ng malay. imbes na tumawag ng saklolo ay pinagtatawanan pa niya ito. Matapos ang pangyayaring ito ay agad siyang nanakbo pauwi ng kanilang bahay.

Kinabukasan, nabalitaan niya na naghahanap ang mga pulis ng posibleng saksi sa nangyari pero naging tahimik lang ito at inilihim ang nalalaman.

"MAMAMATAY KA LISA! WALANG KARAPATANG MABUHAY ANG MGA KATULAD MO!" sigaw ng lalaki.

"p-pa-t-ta-w-wa-r-rin m-mo ak-ko! i-t-ta-ma k-ko ang mga n-na-ga-w-wa ko!" 

"Huli na ang lahat Lisa. Patay na ako!" sagot nito na puno ng galit. "mamamatay ka Lisa!"

 "h-hin-diiiiii!!!!!!"

*krriiinnnggg!*

tunog ng alarm clock na gumising kay Lisa. Muli, habol-habol niya ang kanyang paghinga. Bigla niyang tinignan ang kanyang orasan.. Muli, 03:03AM.

"Lisa, anong nangyari sa'yo?" ang ina ni Lisa

"Hindi Hindi ako dapat na mamatay! Patawarin mo ako! Patawad! Di ko ginusto ang nangyari!" Umiiyak na pagmamakaawa ni Lisa.

"Lisa! Anak! Anong nangyayari sa'yo? Anong sinasabi mo?

"Inay? Inay? Ikaw ba yan? O panaginip nanaman ito?

"Anak, ano bang nangyayari sa iyo?"

Niyakap ni Lisa ang ina nang makumpirma na hindi na nga siya nananaginip. Ikinuwento nito ang lahat ng nangyari. Kaya't kinabukasan ay nagpunta sila sa pulisya upang ipagtapat ang mga nalalaman. Nagtanong-tanong din sila at inalam ang pakatao ng lalaki na namatay sa sunog. Tinunton nila ang pamilya nito at binigyan ng tulong. Nakita ni Lisa ang buhay ng mga ito. Awang-awa si Lisa sa ina ng lalaki na lalong lumala ang sakit na TB. Umiiyak na humigi ng tawad si Lisa sa mga ito. Ipinagtapat niya ang nangyari.

"Tahan na iha, wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari. Nagaalala lamang sa amin ang aming anak kaya nagalit siya sa iyo. Paumanhin." umiiyak na pag-alo ng ina ng nasabing lalaki.

"Napakabuting bata ni Ruben. Gabi-gabi ay nag-aaway sila ng kaniyang asawa dahil sa amin. Nakakahiya. Imbes na kami ang magtaguyod sa aming anak ay kami pa ang binubuhay nito. Darating siya sa trabaho, imbes na magpahinga ay inaasikaso pa kami ng kaniyang ama. Ngayon naman ay nasa kabilang buhay na siya ay kami pa rin ang iniisip nito." umiiyak na pagalala nito sa anak.

Agad na niyakap ni Lisa ang matanda habang lumuluha. "Patawad po, kung hindi dahil sa akin, marahil ay kapiling nyo pa rin sana siya ngayon."

Mula noon ay dinadalaw ni Lisa ang mga ito isang beses sa isang buwan. Namatay na rin ang mga ito makalipas ang isang taon.

End.

ROOM - 3:03 am [short story] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon