room

395 2 0
                                    

10:45 PM

Dali-daling nahiga si Lisa sa kanyang kama.  'Di na nya mapigilan ang labis na antok at pagod sa isang maghapong trabaho nilang saleslady sa isang sikat na department store sa Maynila.

"Haaayy.. Nakakapagod ang araw na 'to!" nasabi ni Lisa bago pa mapapikit.

*ding dong! ding dong! ding dong!* Paulit-ulit.

Tunog na mula sa door bell and biglang gumising kay Lisa.  Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto ngunit pagtingin niya sa paligid at walang tao.  Nagpalinga-linga si Lisa upang siguraduhin na wala talagang tao. Ngunit wala talaga siyang nakita.

"bwisit!"  asar na bulong ni Lisa habang sinasara ang pintuan.

Pagkatalikod niya sa pintuan upang bumalik sa kanyang kwarto, laking gulat ni Lisa nang isang lalaki ang buong lakas na bigalang sumakal sa kanya.  Napakalakas nito. Hindi siya makahinga.  Pinipilit niyang pigilan ang pagsakal nito gamit ang dalawa niyang kamay ngunit habang pinipigilan niya ay lalo itong humuhigpit.

sino 'tong taong ito?  bakit niya ginagawa sa akin ito? ito ang paulit ulit na naiisip ni Lisa habang patuloy siyang sinasakal ng nasabing lalaki.

*riiinnggg!*

Biglang napaigtad si Lisa at hinahabol ang hininga nang bigla siyang magising mula sa tunog ng kanyang alarm clock.  Tinignan niya ang paligid.  Nasa loob siya ng kwarto at nakaupo sa kanyang kama.  "Ha! Panaginip lang ang lahat!  Panaginip!"  Napangiting sabi ni Lisa nang masiguro na siya ay nananaginip lang.  Agad niyang tinignan ang oras sa kanyang orasan - 03:03 AM

"Huh? 03:03?!  Di ko naman to sinet sa ganitong oras a! Yaan na nga!  Tatakutin ko lang ang sarili ko"

Parang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Lisa kaya agad siyang tumayo at kumuha ng maiinom sa ref sa ref nang biglang nagsikahulan ang mga aso ng kapitbahay.  Walang tigil na pagkahol.

Nais malaman ni Lisa ang dahilan ng nakabubulahaw na ingay kaya ibinaba niya ang hawak na baso at dali-daling lumapit sa pinto upang buksan ito.  Walang tao. Lumabas siya ng bahay at sinilip ang bahay ng mga kapitbahay, saradong sarado ito. 

"Huh? Bakit parang walang naririnig na ingay ang mga ito?" tanong ni Lisa sa sarili.

Nagpalinga linga si LIsa upang alamin kung may ibang pang tao sa paligid maliban sa kanya ngunit walang tao.  Biglang umihip ang napakalakas na hangin kasabay ang pagtigil ng mga kahol na narinig niya.  Kinilabutan si Lisa.  Dali-dali siyang pumasok ng bahay, isinara at ini-lock ang pinto.  Pagtalikod niya para bumalik sa kwarto, isang lalaki ang biglang sumakal sa kanya nang buong higpit.  Nakaitim ito.  Pinipilit niyang tignan ang hitsura ng nasabing lalaki ngunit hindi maipaliwanag ang anyo nito. Nakakatakot. Parang nasunog na animo'y sariwa pa ang sugat. Gigil na gigil ito. Nakangiti.

"mamatay ka!" sigaw nito nang nandidilat ang malalaki at namumulang mga mata.

"d-di a-ak-ko makkk--"

"b-bit-t-ta-wan mo k-k-ko" pagpipilit na pagsasalita ni Lisa.

"di kita bibitawan! mamamatay ka!" sagot ng di killalang lalaki na gigil na gigil at na sinasakal si Lisa..

ROOM - 3:03 am [short story] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon