Amnesia 001

34 1 0
                                    

EA's POV

Ang dilim.. Wala akong makita.. Ugh. Pakingteyp! Bakit ang sakit ng ulo ko. Ang bigat sa pakiramdam.

"Huhuhuhu. It's been 24 hours already, Doc. Bakit hindi pa din sya nagigising?"

Napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko ng marinig ko ang boses ng nanay ko. Sigurado ako, boses nya yun. Bahagya kong minulat ang kaliwa kong mata para makita kung sino ang nagsalita. Which makes me look like I'm winking kase nga nakapikit pa isang mata ko. Tama nga ako, ang Nanay ko nga yun. Ayun, nagdadrama. Kasama si tatay. May kausap silang lalaking nakaputi. Obviously, doctor sya. Teka lang, bakit may doktor?

"She's still unconscious. Don't worry, she's safe now. Natutulog lang po sya. Hindi naman ganun katindi ang damage sa kanya." Sabi nung lalaking nakaputi, yung Doktor nga.

DAMAGE?! pinagsasabi nitong doctor na to'? Nilibot ko ng tingin gamit ang kaliwa kong mata  ang paligid ko. Puro puti...

    

 What the hell..

ANONG GINAGAWA KO SA OSPITAL?!

Wala akong sakit! Sakit ko lang pagiging Ulyanin at Bipolar! At saltik at tipakin na din! Teka, teka, tekaaa. Wait a minute.. Hhmmm.. I have an evil idea.. *insert patagong evil smile here* HEHEHE. Kaya ipinikit ko na ulet ang kaliwa kong mata. Maya-maya ay unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Inilibot ang paningin at nag-pause ng matapat kina nanay.

"S-sino kayo?" Let’s test my acting skills. XD

"What the--" *Frowns* "That's impossible!" Takang sabi nung Doktor saka ito lumapit sakin.

"D-doc, bakit hindi nya kami kilala? Anong nangyari sa Anak ko?" Nag-aalalang tanong ng Nanay ko.

Di sumagot yung Doctor sa tanong ni Nanay. Imba. snobber si Doc! May ginawang kung anu-anong test sakin yun doctor. Maya maya ay huminto ito at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"What is your name?" Tanong nito sakin.

Di ako sumagot. Nagkunwari akong napapaisip.

"Hmm.  Where do you live?”

Di pa din ako sumagot.

"How old are you?"

"A-aaah... My.. head... I-it hurts.." Sabi ko ng nakahawak pa sa ulo ko. Syempre best actress ampeg, nagkunwari akong masakit ang ulo dahil sa kakatanong nya. Ganun napapanood ko sa mga drama sa T.V. eh. Epekto ng kakapanood ko ng mga Korean drama!

AmnysieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon