Other Side

77 5 3
                                    

Rex and his girlfriend's story.

His Girlfriend's POV

Ilang buwan na pala yung nakalipas, 5 months pero mukhang hindi pa din nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya. Katulad parin ng dati. Mahal ko pa din pala sya.

December 19 nung naging kami. Christmas Party namin noon. Sinurprise nya ko nung araw na yun, may dala dala syang balloons at isang boquet ng flowers, di ko alam kung ano yung ire-react ko noon kaya napaiyak nalang ako sa sobrang saya. Ang saya saya ng araw na yun para saming dalawa. Akala ko noon hindi na yun magbabago pero nagkamali ako, nagkamali ako ng akala. Magbabago pala yung lahat, simula nung dumating sya.

***

Pagka-open ko ng Facebook ko, nakita ko kaagad na meron palang nag-add sakin. Kaisa-isa.

Sabagay, hindi naman kase ako famous katulad ng iba na ilang oras lang di nag-online e punong puno na yung notifications.

Zy Wilson

10 mutual friends

CONFIRM NOT NOW

Agad ko namang tiningnan yung mga mutual friends namin. Friend na nya pala si Rex, yung kasalukuyang nanliligaw sakin saka yung ibang taga-school namin. Kilala nya kaya ako? Hmm. Yaan mo na nga. Kaya ayun, in-accept ko na.

Nagulat ako nung biglang lumitaw yung name nya sa bandang ilalim nung screen nung laptop. Nag-chat pala sya.

Zy: Salamat sa pag-accept. :)

Ako: Welcome.

Then yun, hindi na sya nag-chatback sakin. Siguro okay lang naman yun, hindi ko naman din sya kilala e. Para san pa, diba? Sayang effort.

Nag-browse lang ako ng nag-browse hanggang sa mainip nako, saka ako nag-log out. Nakakainip din kasi minsan mag-OL e. Wala naman akong napapala. Hindi naman sya naka-OL.

Sinarado ko na yung laptop ko, nahiga sa kama saka nakipagtitigan sa kisame.

"Ay palakang echos." Halos makatayo ako sa kinahihigaan ko nang biglang nag-vibrate yung cellphone ko, nahigaan ko pala. Kaya pala kanina nung hinahanap ko, hindi ko makita kita.

Kinuha ko naman yung phone ko saka tiningnan kung sino yung nagtext sakin. Pagbukas ko...si Rex pala.

Rex: Kamusta naman araw mo ngayon?

Rex: Masyado bang masaya kaya di mo ma-explain.

Rex: O malungkot kasi wala ako?

Rex: Joke lang. Haha.

Rex: Uy?

Rex: Tulog na?

Rex: Ano kaya yun. :(

Rex: Tulog kana nga ata e.

Rex: Tulog kana ba? Haha. Kulet ko no? Goodnight na nga. SD

Rex: Totoo na 'to. Matutulog na po talaga.

Bigla ko nalang napansin na nakangiti na pala habang binabasa yung mga texts nya sakin. Ewan ko ba kung bakit di ko mahindian 'to?

Magre-reply pa sana ko kaso lang napansin kong gabi na din pala, saka may pasok pa kaming parehas bukas e. May test pa nga pala kami sa Math.

Nagreview muna ako saglit saka bumalik ulit sa higaan. Bago ko makatulog bigla akong may naalala. Kinuha ko yung phone ko saka nag type ng message.

To: Rex Sebastian

Good night. Nagreview kasi ako sa Math, may test tayo bukas dun e. Sorry. ^_^V

The Third Party GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon