Chapter three
Maya maya pa ay nakita ko na ang barkada sa tambayan namin, grabeeee!! Wala talaga silang pinagbago, mga pasaway padin talaga.. Sobra ko silang namiss.
"GUYSSSSSSSSSSS!!" (Excited na sabi ni Julia)
Kiray: "Oh ayan na pala sila Julia eh!"
Julia: "Hi guys!! How's your vacation? Guys nga pala. I want you to meet my twin sister! Si Kathryn"
"Hi kathryn, nice to finally meet you" (sabay sabay nilang sagot)
"Ahhh kathryn si Kiray nga pala (turo kay kiray) si Neil (turo kay Neil) si Yen (turo kay Yen) si Diego (turo kay Diego) si Igi Boy (turo kay Igi boy) and si Dj (turo kay Dj at nakangiti)
Dj: "Hi Kathryn! :"""">" (nakangiting sabi niya)
Kath: "He-hello"
Nga pala si Kiray, sya ang pinaka bata sa aming lahat, pero kung mag isip yan parang mas matanda pa sa iba. Matabil ang dila pero minsan asa lugar naman..
Si Neil yung pinaka matanda sa lalaki, kaya sya ang tinatawag na kuya at sya din ang lapitan namin pag may mga problema at sya ang taong nagmamay ari ng puso ni Yen.. At siya din ang pinakamayaman sa aming lahat siya lang naman ang ng mamay-ari ng school na pinapausukan namin.
Si Yen, as i was saying. Sya lang naman ang babaeng nagmamayari ng puso ni Neil. Sobrang hinhin nya, maganda sya, effortless ang kagandahan nya, kaya di na ako nagtaka kung bakit pa maraming naiinlove sa kanya..
Si Diego, sya yung punaka tahimik sa mga lalaki, actually sya lang naman yung laging natutulog pag walang klase, na imbis makipag kwentuhan sa barkada e mas ginusto pang matulog nalang..
Si Igi Boy, well sya lang naman ang lalaking mahal na mahal si Kiray kaso nga lang ayaw sa kanya ni Kiray danil may gusto si Kiray Kay Diego..
At si Dj! Haha sya lang naman ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, pinaka badboy sya, playboy, sya din ang Heartthrob sa school at sya din ang anak ng negosyante na si Mr. Ford na nag mamay-ari ng ilang malalaking mall at mg building dito sa Pilipinas.
*RIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!*
Nagbell na, sabay sabay kaming pumasok sa Room ng barkada, at syempre kasama si Kathryn.. Member nadin sya ng Barkada..
Nang makarating kami sa Room, halos lahat na ng Classmates namin ay adoon na.. May mga new students pero karamihan ay dati pa naming Classmates.. Maya maya pa ay dumating na ang Prof! Ang Pro. namin na malambot kumilos. Si Mr.Romualdez. Sobrang bait nya kung makipag kwentuhan sya samin ay parang mga barkada lang namin sila..
Kathryn's POV
Sobrang saya ko kasi nakilala ko na ang barkada ni ate, nagpapasalamat ako kasi kasali na ako sa barkada nila..
Dumating na si Mr.Ramualdez, "Goodmorning Class!" Bati nya sa amin, At nagpakilala sya amin..
"Goodmorning Sir!" (Bati namin)
Sir: "I would like you to introduce youself one by one."
Nagpakilala na nga kami isa-isa...
Sir: "Class! Ahh kaylangan na nating mag elect. para sa Class officer"
At hanggang sa makapag Elect na kami..
Si ate ang naging Pres. namin at si Kuya Neil naman ang naging Vice President nya.. At yung ibang classmates, syempre yung ibang officer.
Ngayon naman para sa Muse and Escort.. Kinakabahan ako, sana naman di na ako ang inominate nila.. :|
Sir: "Okay class! Who wants to nominate for muse?!"
Dj: "Siiiir! I respectfully nominate Kathryn Karishia Montez for muse" (nakangiti)
Ikinagulat ng lahat ang pag Nominate ni Dj sa akin.. Lalo na si ate sobra syang nagulat..
Sir: "Any Nominations?!"
Igi Boy: "Sir! I respectfully Nominate Kiray Celis for Muse"
Nagtawanan naman ang lahat nang marinig ang sinabi ni Igi boy..
Dj: "I want to close the nomination for muse!"
Sir: "Okay! So who are in Favor for Ms.Montez?"
At nang pagkasabi ni Sir nun ay halos lahat sila ay nagtaasan ng kamay at mga nakangiti..
Dj: "Sir! Kitang kita naman na natin kung sino na ang Muse natin, halos lahat bumoto oh! MAJORITY nayan! Diba Classmates?" (Tuwang tuwa)
"Oo nga Sir! Si Kathryn na ang muse natin!!" (Sigaw nilang lahat except kay igi boy at kiray)
Sir: "Okay sige si Ms.Montez na ang muse natin.
"Okay! Who wants to nominate for Escort?!" (Pasigaw na sabi ni Sir dahil nagkakaingay na.)
Diego: "Siiiiir! I respectfully Nominate Dj Ford for escort!"
Dj: "Bro! Salamaaaaaat sa pag nominate sakin! Iloveyou bro!" (Tuwang tuwa sya)
Sir: "Any Nominations?!"
"Sir! I respectfully nominate Mark Airam Francisco for Escort" (nakangiting sabi ni Janinna)
Natahimik ang lahat nang marinig ang sinabi ni Janinna, at nakita kong medyo nainis Si Dj..
Nga pala si Janinna, isa sya sa mga classmate ko.
Diego: "Close na yan!"
Sir: "Okay class! Who are in favor for Mr.Ford?"
At halos lahat din naman ay nagtaasan ang kamay lalo na ang mga babae..nat abot hanggang langit naman ang ngiti ni Dj sa nakikita nyang Pagboto sa kanya ng mga Classmates namin..
"Pano ba yan Sir?! Eh mukang MAJORITY nanaman?! Haha anak ng meant to be talaga OO!" (Mayabang na sabi ni Dj habang tumatawa)
"Okay Majority wins! Tutal naman e dalawang estudyante nalang ang hindi bumoboto..
Naiinis ako! Pero wala naman ako magagawa kung kami ni Dj ang na Elect. for muse And escort.. Ang yabang nya grabeeeee! Di ko alam kung tatagal akong kasama ko to. Arrrrrgggh!! -________-
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Next Chapter po magkaka POv na yung iba. :)) I hope you'll like it.
Comment kayo and
Vote ah.? Thanks! :)
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Kakambal Ko, Karibal Ko (on hold)
FanfictionNaranasan mo na bang ma-inlove? Naramdaman mo na bang masaktan? Pano kung yung kakambal mo, ang syang karibal mo? Magpapaubaya ka ba, o ipaglalaban mo ang pagmamahal mo sa taong mahal mo?