CHAPTER 6

24 1 0
                                    

Chapter six

Kath's POV

Andito na kami ngayon sa bahay nila Dj, sana pala di nalang ako sumama dito.. Hanggang ngayon kasi talaga inis ako sa kanya e.. Wala na kasi minsan sa lugar yung pang iinis nya, ayoko pa naman nang lagi akong iniinis..

Julia: "Oy sis okay ka lang ba? Bakit ang tamlay tamlay mo naman? Gusto mo na umuwi para magpahinga? Tatawagan ko si manong para masundo ka dito.." (Nag aalalang sabi)

Kathryn: "Okay lang ako ate, wag mo ko alalahanin.."

Kiray: "Okay ka lang talaga Friend a? Dito daw tayo magdidinner."

Kathryn: "Oo okay lang ako, wag kayo mag alala."

Grabe talaga tong mga to, namiss nga siguro talaga nila ako sobra silang mag alala sakin.. Okay lang naman kasi talaga ako e, medyo badtrip lang kasi talaga ako dahil kay Dj e.. Ang kukulit talaga nila namiss ko tuloy sila hahah..

Dj's POV

Humahanap lang ako ng tiyempo para makapag sorry na sa kanya.. Hay grabe ganito pala pag inlove talaga, hay sana pag nalaman nya na may gusto nga ako sa kanya wag sya lumayo..

Dj: "Neil, nakaisip na ako kung paano ako magsosorry sa kanya, kaylangan ko ng tulong mo. Please? Miss ko na kasi talaga sya, namimiss ko na yung ngiti nya.."

Neil: "Osige pare, ano ba plano mo?"

Dj: "Pare samahan mo ko na bilhan si Kathryn ng Cake, alam ko kasi mahilig sya sa matatamis e. dito tayo magdidinner ha? Apat na Cake ang binilin ko.."

Neil: "Osige pare, pero bakit apat yung bibilin mo? Di naman nya mauubos yun e.."

Dj: "Kasi nga pare KATH! Short for Kathryn, saka nalaman ko din na mahilig sya sa Batman, kaya gusto ko sana may batman yung Cake"

Neil: "Wow naman pare! Inlove ka na nga talaga, sa kanya ka lang nagka ganyan.. At ang pagkakaalam ko sayo hindi ka marunong magsorry kahit na ikaw pa yung may kasalanan."

Dj: "Pare may ipagtatapat ako sayo pero satin lang to."

Neil: "Ano yun?!?!?!?"

Dj: "Mahal ko na nga ata si Kath. Gusto ko na syang pormahan kaso natatakot ako."

Neil: "Mahirap yan Pare, parang pihikan kasi si Kathryn, at tingin ko hindi sya interesado sa mga ganyang bagay."

Dj: "Yun na nga eh! Kaya natatakot ako. Siguro nga, mas mainam na itago ko muna tong nararamdaman ko. Kase baka pag nalaman nya, baka layuan lang nya ako. Ayokong mangyari yun pare, ayoko!"

Neil: "Tama! Pag okay na lahat saka mo nalang sabihin sa kanya."

Julia's POV

Malapit nang mag-gabi. Napag-usapan ng barkada na dito nalang kumain kila Dj.

Bakit ganun yung feeling? Parang may something kay Dj at Kathryn?!

Ayokong isipin to dahil kapatid ko sya, saka alam ko naman na hindi papayag si Kathryn sa kung anu man ang gusto ni Dj.

Sa Kusina nila Dj pagpasok ko, may narinig akong pinag-uusapan si Dj at Neil. At tama nga ang hinala ko, may gusto si Dj sa kapatid ko. Bakit ganon?! Ang sakit naman!

Hindi kaya ako kayang mahalin ni Dj? Ansakit kasi yung taong mahal na mahal ko yung kapatid ko pala yung gusto.. Sana ako nalang si Kathryn. :((

Pabalik na ako ng Sala nang marinig ko ang sabi sakin ni Neil..

Neil: "Oh Julia andyan ka pala? Ano nagugutom ka na ba?" (Gulat nyang sabi)

Julia: "ahhhh! Hindi pa naman, nauhaw lang ako.. E nakita kong nag uusap kayo ni Dj kaya di muna ko pumasok."

Dj: "HAAA?! May narinig ka julia? Kung ano man yon wag mo nalang pansinin ha?"

Julia: "O-Okay"

Dj: "Sige Julia alis na muna kami ni Neil may aasikasuhin lang kami.. Pag may kaylangan kayo tawagin nyo lang si Yaya.."

Palabas na ako ng Kitchen nang makita ng barkada na matamlay ako at tinanong kung bakit ako nagkaganito..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kakambal Ko, Karibal Ko (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon