Previously on Asterisk
"Kamusta ka na Donita? long time no see! saan ka na pala nagtatrabaho?" masayang tanong ni Rachel. pero napayuko nalang ito.
"bakit friend, may problema ba?" tanong niya ulit.
"Um.. actually wala pa akong trabaho. ang tagal-tagal ko nang naghahanap eh. hindi talaga ako matanggap dito. paextra-extra nalang nga ako sa carinderia ng kapitbahay namin eh." sagot ni Donita.
"Alam mo, bakit kaya hindi mo subukang magtrabaho sa america? may kakilala ako dun. sigurado akong matutulungan ka niya para ipasok doon." sabi ni Rachel.
May 29 ay tumulak na sina Donita at Rachel sa Bronx, New York sa america. doon niya nakilala ang kaibigan ni Rachel na si Mikael.
"Kaibigan mo?" tanong ni Mikael kay Rachel.
"Yes Mikael. gusto lang naming magpatulong sayo na baka pupwedeng ipasok mo si Donita dito sa hotel kasi wala siyang magandang trabaho na mapasukan dun sa pilipinas eh." sagot ni Rachel.
"Sige gagawa ako ng paraan para diyan. ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ni Mikael. hindi sumagot si Donita sa nadaramang hiya at kaba. kaya si Rachel na mismo ang sumagot para sa kanya.
"Donita Mendez..." sagot ni Rachel kay Mikael.
"Pasensya ka na pala, mahiyain kasi 'tong kaibigan ko eh..."-Rachel
at hinampas pa ni Donita ng mahina 'tong si Rachel.
"Di kaya? nice to meet you nga pala... ang cute mo.." biro ni Donita kay Mikael at nakipagshake hands naman ito sa kanya.
----------------------------------------------------------------------
Ilang Araw palang sa trabaho si Donita ay maganda na ang performance niya. bilib na bilib sa kanya ang boss niyang si Mrs. Ross kaya pinaunahan na siya ng 1 Month bonus. dahil sa tuwa, agad siyang nagpadala kay Darlita ng 3 thousand. pero hindi rin maiiwasan yung mga taong hindi siya gusto o naiinggit sa kanya kaya panay ang naririnig niyang tsismis tungkol sa kanya.
Kaya si Mikael lang ang naging kakampi at katulong niya doon. Hanggang isang araw ay pinatawag siya sa opisina ni Mrs. Ross. agad siyang nagtaka kung bakit na naman siya pinatawag sa opisina ng boss niya. inisip niya na baka may nagawa siyang mali kaya't pagagalitan lang siya nito pero eto ang bumungad sa kanya sa opisina ni Mrs. Ross.
"Donita, kaya kita ipinatawag sa opisina ko dahil gusto ko lang sabihin sayo na kailangan mong mag-transfer sa Paulson-Smith. kung hindi ka pamilyar doon, isa yung law firm na ang nagma-manage ay ang mga pinaka-kilalang lawyers dito sa new york. sunud-sunod kasing sinibak ang 15 na empleyado doon dahil sa kapalpakang ginawa ng kanilang head manager. anyway nakiusap sa atin na kumuha ng at least pitong empleyado mula dito. alam mong pinabilib mo 'ko sa ginawa mo pero naniniwala rin ako na sa paglipat mo ay magiging mas madali ang trabaho mo at marami kang makikilala doon. Ms. Mendez, Inaasahan ko ba ang kooperasyon na gagawin mong paglipat sa Paulson-Smith?" seryosong tanong sa kanya na naging dahilan ng pagiging emosyonal ni Donita.
Kahit mahirap para sa kanya, tinanggap niya ang alok sa kanya ni Mrs. Ross na lumipat sa Paulson-Smith.
Pagkatapos siyang ipatawag ni Mrs. Ross ay bumalik na siya sa desk niya at may natanggap siyang isang cappuccino na may nakasulat na
"Missing you, still don't know how to saw your face for the second time ;-)"
doon na nagtaka si Donita kung sino ang nagbigay sa kanya ng kape.
![](https://img.wattpad.com/cover/24340442-288-k770706.jpg)
BINABASA MO ANG
asterisk *
RomanceSpell Love. L..... ha? ang slow mo teh! di mo ma spell noh? (c) purpledonn29 2014