be ready,be prepared for your death.Rain's P.O.V
TAKOT yan ang bumabalot sa buong pagkatao ko ngayon.mabuti na lang at nandito si jack sa tabi ko para mabawasan ito ng kaunti. maloko ako pero hindi ko alam na ito na ang magiging karma ko.
mula sa pagkakayuko namin. may narinig akong parating na kotse. at kahit papano umasa ako. kaya naman nilingon ko ang kinaroroonan non. kahit natatakot akong makita ang mga duguang bangkay sa tabi ko. hinawakan ko na lang ang kamay ni jack ng mahigpit para gumaan ang pakiramdam ko.
pero lalo lang akong nagimbal ng makita ang kaawa awang nilalang mula rito. napasigaw ako at sunod sunod na dumaloy ang luha sa pisngi ko.
"LIO!!"
parang tumigil ang mundo ko. at hindi makayanan ng utak ko ang mga nangyayari. dumagdag pa ng makita ko ang kaawa awang itsura ngayon ni lio. paano nilang nagawang saktan si lio? miski kami ngang magkakaibigan ayaw na ayaw nasasaktan sya kasi nakakaawa palagi ang mukha nya. mga demonyo sila!!!
nakita ko ang paghihirap ni lio palakad palapit samin. hindi ko na nakayanan. and everything went black...
"rain.... rain.... hon... okay ka lang ba?"
naramdaman ko na parang naglalakad si jack ngayon. habang pasan pasan ako. dahan dahan at patuloy lang syang naglalakad... kung ano man ang nangyari kanina ipinapanalangin kong sana bangungot lang lahat ng yon. at wala na pagmulat ng mga mata ko.
unti unti kong minulat ang mga mata ko . pero nanlumo ako ng makita ko ang mga tao kanina. mga estudyante ng brusthon. mga doktor at rebeldeng mukhang salot ng lipunan!.
naglalakad kami ngayon kung saan. hindi ko alam ito eh. parang gubat na ewan. dahil mga naglalakihang puno lang ang makikita rito.nakadagdag pa ng takot ko na malapit na palang kumagat ng dilim.
nilingon ko ang mga kasama ko.naglalakad rin sila at walang mga emosyon ang mukha.maliban kay clem na takot na takot pa rin. hinanap ng mata ko si lio. at ayun nga nakita ko sya. hawak sya sa dalawang braso ng mga rebelde. sariwa pa den ang sugat nya mula sa likuran. sya rin ang nangunguna sa pupuntahan namin.
sigurado akong may nangyari. kung bakit nila sinaktan si lio. kilala ko si lio hindi nya kami magagawang ipahamak. at palaban sya. kaya siguro nabugbog sya.tss ang baklang toh! bakit hindi na lang kasi sya sumuko para hindi sya nagkaganyan!.
"jack... a-asan t-tayo?? tanong ko kay jack mula sa kanyang likuran dahil pasan pasan nya ko ngayon. hirap pa din akong magsalita dahil siguro kakasigaw ko kanina!.
"hindi ko rin alam...hon" malumanay ang boses nya hindi katulad ng dati. na maririnig ko lang ang boses nya kapag galit na sya sa ginagawa kong kalokohan.
"bakit di mo alam?!" pagtataray ko sa kanya! ah basta! hindi ko alam kung bakit ako naiinis. siguro kasi pagkagising na pagkagising ko bad na mukha ang nakikita ko! litssee!
nilingon nya ko at nagtatakang tumingin sa inis kong mukha. hindi sya nagsalita at ibinaling na lang sa iba ang tingin nya habang patuloy na naglalakad. peste! talaga tong lalaking toh! bilang na bilang mo ang salitang lalabas sa bibig nya!.
"hoy manahimik nga kayo dyan mga bakla! salot!!" nagulat ako ng sumigaw samin ang lalaking yun na kasamhan sa dumudukot samin ngayon! ano raw? salot kami eh mas mukhang salot sila mga mukhang bisugo!
magsasalita na sana ako ng magsalita na si jack. sa wakas!
"rain enough" matigas nyang sabi. ngunit hindi ako nagpadala. nakakasar talaga na sabihan kang salot sa mas mukha pang salot sayo! masyadong gwapo si jack noh para maging salot!.

YOU ARE READING
mary's death university
Misterio / Suspenso"mary" is the top excellent highschool student in brealou highschool. she's the most kindest and sweetest girl you will ever met there. but beacause of insecurities most of students bully her because they hate her being so perfect. one day, mary i...