A/N:
So, patawad nalang guys kung medyo panget pagkasulat ang chapter na ito. Sanay kasi akong magsulat in english ;( tapos nagpapractice pa lang ako sa filipino. I hope you're all having fun reading this boring story. Bye!Hawak ni Therese ang kanyang mga aklat habang naglalakad patungo sa labas ng campus. Dahan-dahan, siya ay nakaramdam ng kaba nang nakita niyang malapit na siya sa gate. Sumilip siya at nakita si Hendery na nakatayo sa ilalim ng shed, nakatingin sa kanyang mga paa at mag-isa.
Nanginginig ang mga labi ng dalaga at nagsimula nang namutla na ang mukha.
Napansin ni Therese na sobrang mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Kinagat niya ang kanyang labi at napabulong ng mga pagmumura.
Ano ka ba Therese!? Si hendery lang iyon! Ani niya sa kanyang sarili.
Huminto si Therese nang siya ay muling nakalabas na ng paaralan. Napatitig siya kay Hendery na para bang siya lang ang nakikita niya. Mas lalong bumilid ang pitik ng kanyang puso.
Magkahalo na ang mga emosyon na kanyang nadarama nang tumingin sa kanya si Hendery.
Nakatayo lamang siya na parang isang istatuwa; walang kabuhay-buhaybat tahimik.
Patagong ngumiti si Hendery nang lumapit sa kanya si Therese.
"T-tapos ka na pala?" Sabi ni Hendery, iniwasan ang mata ng babae sa kanyang harap.
Natulala ng saglit si Therese bago sumagot.
"Oo," ani ng dalaga. "A-ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?"
"Ah. . ." sagot ni Hendery.
Hindi naiwasan ng dalawa na maramdamang medyo awkward yung sitwasyon pagitan nila. Pareho silang nakatingin sa ibaba at nahihiyang harapin ang isa't isa
Hanggang sa nagsalita na si Therese na ikinagulat ni Hendery.
"Bakit ngayon ka lang nagpapakilala?" tanong niya, boses niya parang mababasag. "All this time, ikaw pala yun tapos. . . Ewan ko na."
"Natakot lang ako," sabi ni Hendery, sa wakas, tinaas ang ulo niya para magkatinginan sila ni Therese. "Natakot ako na hindi mo ako magugustuhan. Insecure siguro ako kasi ano. . . Gago ako e. Wala naman akong ikakabuga sa'yo. Wala akong ibang sandata kundi itong mukha ko. And I know hindi ka naman yung tipo ng babaeng nabibighani lang sa kagandahan. At tsaka, you're just too out of my league. Kaya ayon. . . Hindi ko kayang ipahiya yung sarili ko."
"Iyan pala yung tingin niyo sa akin?" Therese sarcastically laughed. "Porket matalino ako, hindi ako magkakagusto sa mga pasaway? Sa mga tamad? Sa mga gago? You think of me too highly. I'm not as perfect as you think I am."
Nanigas ang buong katawan ni Hendery habang nagka-eyecontact sila ni Therese. Ilabg segundo nang lumipas pero ang mga mata ng dalawa'y nakadikit parin sa isa't isa.
Bumitaw si Hendery at tumingin sa likod ni Therese.
" I don't expect you to like me back just because I gave you coffe and sweet messages. You aren't entitled to feel the same." bulong ni Hendery sabay ikot palikod.
Hinila ni Therese si Hendery pabalik, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalake. Mahinhin niyang tiningnan nang lumingon ang binata.
"Salamat nga pala."
Nalilito, kumunot ang noo ni Hendery.
"Para saan?" tanong niya.
"For making me happy."
Binitawan ni Therese ang kamay ni Hendery at muling umalis sa harap niya.
Nakatingin lamang si Hendery sa likod niya, tulala at tahimik. Hindi niya na malayan nakangiti na pala siya.
Si Therese naman, mas naging kalmado siya. Hindi siya nakadama ng takot o kaya man hiya. Ang alam lang niya ay ito'y magandang simula para sa kanilang dalawa.
A/N
EEWAAAAN ang weird dba HAHAHAHUHUHUHU sige lang, authornim will work harder! Thank you again. Update na naman ako bukas hehe