Ang comment ko sa story na ito? masyado ng matagal! tara na't tapusin! sa mga demanding na readers sorry po kung mabagal ang update, nag-aaral po kasi ako eh mahirap po pagsabayin ang paguupdate sa pag-aaral I hope you understand, sa mga super demanding na readers dito na akala mo sila nagpapakain sa akin at hindi nakukuha sa paliwanagan ayoko na kayo pansinin, di tayo bati. Habang lalo kayong nagiging super demanding lalo pong tumatagal ang update, nakakawalang gana kasing magsulat pag puro ganun nababasa sa comments, sa mga nakakaintindi po na mahirap talaga isingit sa sched ko ang updates at mag-isip na din ng idea maraming salamat po. Lab lab ko kayo <3
_______________________________________________
Rain's POV
Pinagtitinginan kami ng mga tao ngayon habang buhat buhat ako ni Reino, I realized na wala din namang kwenta ang pagpupumiglas ko laban sa kanya sadyang mas malakas ito kesa sa akin. Tiningala ko ang gwapong mukha niya...
How I missed his handsome face... ano na nga ba ang nangyari sa atin Reino? sobrang dami ng nagbago...
"Ibaba mo na ako kaya ko na, hindi naman ako nasaktan" I said pero parang wala lang itong narinig ng mai-upo niya ako sa sofa sa opisina niya, kitang kita ko ang paniningkit ng mga mata niya ng makita ang isang mutning galos sa binti ko.
Walang anumang tumalikod ito at kumuha ng mga panlinis ng sugat sa cabinet. Maya maya ay tumalungko ito at naglagay ng alcohol sa bulak akmang idadampi niya ito sa sugat ko ng pigilan ko siya...
"Reino alam kong galit ka sa akin but that would kill me!" pigil ko sa kanya, napa-amang lang ito sa akin, hindi ko talaga kaya ang hapdi ng alcohol sa sugat ko, napakagat ako sa ibaba kong labi. Pero tinignan lang niya ako at bumuntong hininga mamaya ang betadine solution naman ang napagdiskitahan nito. Banayad na nilinisan niya ang sugat ko, Isang nakabibinging katahimikan ang naghari sa aming dalawa, namimiss ko siya...namimiss ko na ang boses niyang humaharana lagi sa akin, ang mga tawa niya at bawat kislap ng kanyang mga mata...
Our happiness together back then was the best. Gusto kong bumalik sa nakaraang kaming dalawa lang, walang mga panggulo, walang kontrabida... walang Titania, walang gulo sa pagitan namin, walang family business na pinag-aawayan. Masaya naman kami noon ah... pero ano nga ba naman ang magagawa ko? wala na ang mga panahong iyon.
Kahit hindi sabihin ni Reino, alam kong mahal nito si Titania... bawal dahil noon ay magkapatid sila, nagkaroon ito ng tyansa para maging sila ngunit sa huli ay iniwan lang din ito ni Titania, sa bandang huli ay ito lang din ang nasaktan...
Hanggang kailan ka ba malulungkot Reino? Hindi ka kayang mahalin ni Titania ng higit pa sa isang kapatid pero kaya ko... pero alam ko din kasi kung paano masaktan Reino eh, alam ko din kung kelan na dapat sumuko, malakas ako pero tanging ikaw lang ang kahinaan ko eh...gusto ko na ding mabuhay ng wala ka...I want my normal life back...without you...
Pero magiging normal pa nga ba ang buhay ko kung wala ka?
I did my best to pull you out of your misery pero hindi ko pala kaya... nahila mo kasi ako eh, but I don't blame you... my memories with you will always be the best ones for me... I agreed to try it out with Corvette but...who am I fooling? tama nga siguro yung sabi sa isang kanta...
How do I get better once I've had the best?
YOU ARE READING
TFMO 3: Chasing Fates
Romantik[NO SOFTCOPIES] Weddings, Lies, Secrets, Betrayals, Games and Conclusions. The last book. Will they have a happy ending?