"ANONG problema nun?" Yan ang tanong ni Sharlyn nang biglang nagwalk-out si Deus pagkatapos niya kong tanungin about worth it thingy. Lumabas siya mismo ng bahay. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko alam paano. He's unpredictable. Hindi rin ako natutuwa sa sinabi at ginawa niya ngayon. He's kind of jealous, but I know he's up into something.
"Mukhang taktika niya para makuha si JM? Who knows. He always have a different strategies to get a girl. Lalo na ngayon na wala na sila ni Nicole." Napatingin ako kay Angelo. He's also looking at me.
"Wala na talaga sila?" The moment I asked, I wished that I didn't sound so hopeful. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kasiyahan sa sinabi ni Angelo.
"Yeah." Boses ni Janna ang narinig ko. "Sanay na kami doon, kaya alam na namin na yung nangyari kahapon ay ang pagtatapos ng relasyon nang dalawa."
"They only last for 2 weeks and two days, eh." Umiiling pang sabi ni Ken.
2 weeks and two days? Hindi man lang umabot ng monthsary. Hanggang weeksary lang. I don't even know if they celebrated it, though.
Really, Jeranne?
I never hated my friends when they end their relationship that last only a days or weeks, but knowing Deus? I wanted to hate him. "Did you mean it? About his tactics to get me?" I asked.
I'm curious, yes. So maybe, I will know if he's really hitting on me or not.
They shrugged. Yun lang ang sinagot nila, aside from Levi. "Yes. And I know you're not that kind of girl who will fall to that, right?"
I am certainly not that kind of girl.
Tinawag sila ni Jasper kaya natigil ang usapan namin tungkol sa inasta ni Deus. Pinasunod niya ang mga ito sa kwarto niya. Doon daw sila manonood. At dahil hindi pa ko kumakain, hindi niya ko pinasama. Mamaya na daw ako sumali sakanila.
Tinanguan ko lang sila bago nagpunta ng kusina. Nandoon si Ate Sally, ang matagal nang katulong nila Lola sa mga gawain sa bahay. Pero hindi siya palaging nandito. Kapag may ipapagawa lang sila Lola sakanya. Simula ng dumating ako, ngayon ko lang siya uli nakita. Tumanda na siya lalo sa paningin ko, pero mukhang malakas pa siyang tignan.
"Ate Sally." Bati ko nang makapasok ako. May niluluto siya kaya nilingon niya lang ako saglit at nginitian bago binalik ang tingin sa niluluto.
"JM, hija. Kamusta ka na?" Pinahinaan niya ang kalan bago ako hinarap. Nakangiti pa rin siya sakin habang sinusuri ako ng tingin. "Ang ganda mo! Noon pa man alam ko ng maganda ka, hindi ko alam na lalo kang gumanda ngayon. Dalagang-dalaga na!" Nilapitan niya ko at niyakap. Natatawa ko ring binalik ang yakap sakanya.
"Hindi naman po. Grabe yung mas lalong gumanda." Humiwalay kami sa yakap at pinaupo niya ako. Kumuha siya ng pinggan at nilagyan ng pagkain.
"Naku, alam kong nakikita mo ang sarili mo sa salaman. Mapagpakumbaba ka rin katulad ng Daddy mo. Totoo naman, gwapo si Emmanuel at maganda si Jenica kaya wala kang takas." Sinundan niya pa iyon ng tawa bago muling pumunta sa niluluto niya.
Hindi ko pinagkakailang may itshura naman ako. Pero hindi ko balak ipagmayabang yun. Normal na babae lang din ako.
"May kapatid ka diba? Hindi na namin iyon nakita kasi sa Manila ipinanganak. Bakit hindi pumunta dito?" Nagtimpla ng gatas si Ate Sally at iniabot saakin.
Uminom muna ako bago sumagot. "Sasabay po siya kanila Mommy papunta dito. Mga first week pa po ata ng May sila pupunta." Pero hindi ako sigurado kung sasama si Jemuel. He prefer cities than province.
"Mabuti naman at kahit saglit makadalaw kayo dito. Hindi na kayo bumalik ng umalis kayo eh. Mukhang nag-enjoy kayo sa Manila." Hindi ko alam kung nagtatampo si Ate Sally sa hindi namin pagbalik dito. But she sounds like she is.
BINABASA MO ANG
Under The Summer Breeze
General FictionJeranne Alcantara only wants to have a peaceful vacation after load of school works. And she went to her own birth place to make it happen. But she hardly had peace when he met Deus Ylanez, who known to be a friendly-heartbreaker and fell in love. C...