HINDI ako mapakali habang nasa kotse ni Tito Israel papuntang farm sa kabilang bayan. Nasa loob din kasama namin si Lola at James. Susunduin kasi namin si Lolo na nandoon dahil may isang Baka ang aksidenteng nabalian ng buto sa paa.
Wala dapat akong balak sumama pero dahil isang araw na kong halos hindi lumalabas ng kwarto ay hinila ako ni Lola. Hindi niya ko pinayagang mag-stay pa ng isang araw na nasa loob lang ng kwarto. Wala rin akong pagpipilian dahil ako lang ang maiiwan kung sakali. Nasa munisipyo si Tita Anelia at nasa galaan si Jasper.
"Wala ka bang ibang plano, Jeranne? Wag mong sabihing magmumukmok ka lang sa loob ng kwarto mo buong bakasyon mo dito? Gumala kayo kasama ng mga kaibigan nila James. O kaya yung mga kaibigan ni Deus. Kaibigan mo naman na sila, diba?"
Halos masamid ako sa sariling laway nang binigkas ni Lola ang pangalan ng kahuli-hulihang taong gusto kong maalala ngayon. Pumikit ako ng mariin at pilit tinatanggal sa isip ko ang ala-alang muling naglakbay sa utak ko.
Deus' lips devouring mine. He's tongue went inside my mouth discovering every secrets inside while grinding against me-
Marahas akong umiling at dumilat. Nabungaran ko ang nagtatakang tingin ni James sa rear view mirror. Umiwas ako. Mukhang may alam siya sa nangyari noong nakaraan. Nakita niya akong patakbong lumabas ng kwarto ni Jasper at nang tinanong niya ako ay umiling lang ako bago tuluyang pumasok sa sariling kwarto. At pagkasara na pagkasara ko nang pinto ay ang pagbukas nang kay Jasper. And I didn't know if James asked Deus. I can't even handle it if he tell the truth. But I trusted him not to, because he made sure that he is really flirting with me. And saying things to my cousin will make an end to everything he planned.
Nagtakip ako ng panyo sa mukha dahil alam kong nag-iinit ang pisngi ko mula sa naalala kanina.
I wanted to hate it, but I know the truth.
Ayoko nang maulit yung nangyari that's why as much as possible, I'm ignoring every chances to meet his group of friends. Alam ko kasing kung nasaan sila, nandoon din siya. Tulad na lang kahapon, nasa bahay uli sila dahil niyaya naman nila si Jasper sa bayan para gumala. Kaso hindi natuloy dahil may iniutos si Lola sakanya na naging dahilan ng pananatili nila sa bahay. Tumulong din kasi sila. Hindi ako lumabas hanggang sa matapos sila sa ginagawa. Ilang beses din akong tinawag nila Sharlyn para lumabas at ilang beses din akong nagbigay ng excuse.
Ngayon natuloy ang galaan nila na niyaya din ako kanina bago sila umalis. Pero hindi ako sumama. Nagsabi na lang ako na sa susunod na lang para hindi na nila ako kulitin.
"Bored ka ba dito, Jeranne? Kung gusto mo, dalaw ka sa restaurant. Pwede kang tumulong doon. Kaso baka pagalitan ako ni kuya kapag pinagtrabaho kita." Nasundan ng tawa ang sinabi ni Tito.
Pwede. Pwede kong abalahin ang sarili ko doon. Mabi-busy narin naman ang magkakaibigan.
"Pag-iisipan ko po, To."
Nakita ko siyang tumango. Si James naman ay hindi parin naalis ang pagtataka sa mukha niya nang nadaanan ko ng tingin bago bumaling kay Lola. Hindi ko na siya pinansin.
"Magtatrabaho daw sila sa farm, Lola. Mabi-busy din po iyong mga yon kaya hindi rin po kami makakagala." Yun lang ang alam kong dahilan para hindi kami halos magkita.
Nakaka-konsensiya. Ang alam ko, si Deus lang ang pinapaiwasan nila sakin at hindi sila kasama. But I don't know what to do anymore. Noon, wala talaga akong pakealam sa pagpapaiwas nila saakin, pero ngayon, halos gusto ko nang hindi siya makita.
He is really dangerous. Because honestly, I like him from the very beginning. And I might fall to his actions. So, it's better to ignore what I feel than hurting because of it.
BINABASA MO ANG
Under The Summer Breeze
General FictionJeranne Alcantara only wants to have a peaceful vacation after load of school works. And she went to her own birth place to make it happen. But she hardly had peace when he met Deus Ylanez, who known to be a friendly-heartbreaker and fell in love. C...