Chapter 3

42 28 89
                                    

☀️
Selene Hesperia

"Hala nagpagupit ka?" Gulat na tanong ng mga kaibigan ko sakin.

Umaga pa lang and we still have a few minutes to spare before classes starts. Nakatambay kami ngayon sa field ng school.

"Oo eh,"

"Pero bakit? Hindi ba ayaw ng mama mo na magpagupit ka?" Tanong ni Yuna.

"Oo nga! It took you several months to grow your hair." Sabi ni Jesi.

I sighed. Ayoko naman talagang magpagupit, kaso no choice. Helios cut my hair yesterday, at hindi naman pwedeng hayaan ko na one side lang ang maiksi at ang kabila mahaba.

"I just felt like cutting it, atsaka hindi naman nagalit si mama." Hindi nagalit si mama, nalungkot siya. Nag sorry naman ako.

"Oh buti naman."

Hindi rin naman nagtagal ay nag ring na ang unang bell. Meaning class is about to start kaya umalis na kami sa field and went to our classrooms.

"What happened nga pala nung pinatawag ka ni ma'am Jm?" Tanong ni Chae. Napatigil naman ako sa paglalakad ko. I can't tell her na I will tutor Helios. She would be against it.

"May sinabi lang siya about sa grades ko." I lied again.

"Hmm."

Naka-abot na kami sa classroom and when we went inside.

"Omg Selene short hair ka na?"
"Wow bagay sayo!!"
"Sis slay!"

Komento ng mga kaklase ko sa'kin. I only gave them a smile at pumunta na sa upuan ko. As usual wala si Helios sa upuan niya. Laging late as always.

Ilang minuto lang rin ay pumasok na si ma'am Jm.

"Good morning class!" Bati niya sa amin. Tumayo kaming lahat at bumati kay ma'am ng good morning.

"Oh my, nag pa short hair ka pala Selene."

"Opo ma'am." Sagot ko sakanya and laughed awkwardly. Kanina pa nila 'ko tinatanong.

Buong morning period ay puro tungkol sa buhok ko ang sinasabi nila sa'kin. Hindi rin naman ako makapag complain, kasi kahit ako nagulat ng nagkaganito buhok ko.

I sighed, kung alam lang nila na si Helios ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhok ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpagupit ka ng buhok Selene." Sabi ni Jesi.

"Ako rin naman, pero enough with my hair okay?"

"Sorry, nakaka shock pa rin talaga." Sabi niya.

Totoo naman na nakakashock, pero wala na 'kong magagawa. Ganito na hair ko kaya kailangan ko ng tanggapin.

Pagkatapos ng lunch namin ay bumalik na kami ni Chae sa classroom namin. Pagpasok namin doon, nakita ko si Helios nakatungo ulit sa table niya.

Napangiti naman ako, akala ko pa naman hindi na siya papasok. Ngayong araw kasi ang simula ng pagtuturo ko sakanya. Mamayang after class, one hour ko siyang tuturuan.

☀️

Where is Helios? Uwian na at nandito na 'ko sa classroom sa tabi ng faculty ni ma'am Jm. Dito ko siya tuturuan ng isang oras every Mondays, Wednesdays and Fridays.

Hindi ko naman matext si Helios kasi hindi ko alam ang number niya, si ma'am Jm naman ay may meeting ngayon, kaya hindi ko rin siya matatanonh kung nasaan si Helios.

The Moon and His SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon