Chapter 5

60 19 38
                                    

☀️
Selene Hesperia

Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng insidente na nangyari sa amin ni Helios. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok, nagaalala na rin ako.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng tatay niya, bakit siya sinuntok nito? Hindi pa ba sapat ang nangyari sakanya kaya dinagdagan pa niya?

Hindi ko alam kung ano ang sitwasyon ng pamilya niya, pero ang alam ko hindi tama ang ginawa ng tatay ni Helios.

"Hey Selene, okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Jesi.

Ngumiti naman ako sakanya, "Oo naman." Pagsisinungaling ko.

I'm far from okay. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko, gusto ko malaman ang sagot kaso paano?

Pati si ma'am Jm ay walang magawa.

"Hindi ba sumasakit ang mga pasa mo at sugat? Bakit ka naman kasi umawat ng away." Sabi ni Jesi.

Hindi nila alam na si Helios ang kasama ko noon. Hanggang sa ngayon ay lihim pa rin sakanila na tuturuan ko si Helios. Hindi ko masabi lalo na ngayon, napahamak pa kami parehas. Sigurado akong sisihin nila si Helios.

"Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh." Simpleng sabi ko.

"I know you have a kind heart but sometimes think about yourself first, okay? Paano pag mas malala pa ang nangyari sa'yo? Tita Stella will go insane." Sabi ni Maureen.

Kasalukuyang nasa isang café kaming tatlo, tapos na kasi ang klase kaya naisipan namin na dumaan muna sa café na 'to.

"Nagalit ba si Tita Stella?"

"Sobra. Hindi sa'kin kun'di doon sa mga gumawa nito." Turo ko sa pasa sa leeg ko.

Si Mama kasi kesa magalit sa ginawa ko mas pinili niyang magalit sa nanakit sa'kin. She knows me too well, I can't just stand still when I know someone is being treated unfairly.

"Order up for Miss Selene?" Rinig kong tawag sa'kin doon sa counter.

"Yes!" Sagot ko naman at tumayo na.

Pagkatayo ko bigla akong nahilo, my sight became blurry and I felt my legs give out. Nang ramdam ko na pabagsak na 'ko, ay humawak kaagad ako sa upuan.

"Oh my gosh Selene!" Tarantang sabi ng mga kaibigan ko sa'kin at agad na pumunta sa side ko.

Inalalayan nila akong umupo. "Ako na ang kukuha ng order mo, umupo ka lang diyan." Sabi ni Jesi at pumunta sa counter.

"Are you okay? Ito oh tubig." Alalang sabi ni Maureen.

I tried smiling at her and said thank you. Ngayon nalang ako nakaranas ng ganito, minsan minsan nalang ako nahihilo.

"Ano nararamdaman mo?" Alalang tanong ni Jesi sa'kin ng makabalik siya daladala ang inorder ko na inumin.

"I'm fine, don't worry." Sabi ko sakanila. I'm used to this, I'm used to saying I'm fine kahit na sa totoo hindi naman talaga.

"Hindi Selene, it's been weeks nung huling nagkaganito ka."

Uminom lang ako ng tubig at hindi pinansin ang sinabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moon and His SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon