Game 1
Her POV
"Akin na kasi Bryle! Ano ba!" Sigaw ko sa kaibigan kong hawak hawak yung cellphone ko. Pilit ko namang inaabot to pero hindi ko kaya, ang tangkad tangkad kaya nitong kulugo na 'to! Pinaghahampas ko nalang ang braso nya sa sobrang inis. Bwisit!
Kalalaking tao napakachismoso. Well, gusto nya daw tingnan kung sino ang tatlo kong boyfriend ngayon.
"Seryoso ba 'to Reanne? Yung isang boyfriend mo may itsura pero nerd, yung isa naman sa sobrang puti mukha ng bakla, yung isa naman patpatin!" Aniya sa mapangasar na tono at tingin. Ibinalik nya na saakin yung cellphone ko nang makita nya na ang mga lalaki ko ngayon.
"Eh ano naman sayo! Manahimik ka na nga dyan!" Sagot ko sakanya sabay irap. Tumawa nalang siya at sakto namang dumating na ang hinihintay naming si Daloui kaya umorder na sila ng pagkain.
"Hi guys, let's order na?" Pagyaya ni Daloui. Tumayo naman itong si Bryle at tinanong kung anong pagkain ang saakin.
"What's your order Ma'am?" Pangasar na sabi nya at nakayuko na parang alalay na hinihintay ang inuutos ng kanyang amo. Binatukan ko nga.
"Aray ko naman teh!" Sabi niya habang nakahawak sa ulo niyang nabatukan ko. Natawa naman si Daloui sa pagbatok ko.
"Kung ano yung kay Daloui yun na din yung sakin." Sabi ko nalang at binalingan ko na ang cellphone kong nagvvibrate. Naglakad na sila patungong counter ng cafeteria.
Queane texted me, binuksan ko ang convo namin. He's one of my boyfriend, by the way I have three boyfriends ito yung sinasabi ni Bryle kanina na may itsura pero nerd.
Queane:
Anong oras uwi mo? You want me to pick you up?Rereplyan ko na sana ng biglang tumawag naman si Raven. Isa sa mga boyfriend kong dinescribe ni Bryle na nagmumukha ng bakla sa sobrang puti at kinis kasi. Insecure lang yun.
"Hi, dinner tayo mamaya?" Pambungad na tanong niya. So ano? Mamaya susunduin ako nung isa tapos yung isa naman kadate ko? Ah alam ko na! May naisip ako.
"Sure! Mga anong oras ba?" Tanong ko.
"Ikaw? Ano oras ka ba free? Gusto mo sunduin na kita dyan sa school mo?" Oh shit, No! Hindi pwede susunduin na ako ni Queane 'no! Mamaya magpangabot pa sila dito eh.
"A-ah! N-no need na haha, I-I'll text you pag nakauwi na ako then saka ka na bumyahe papunta samin ok?" Sagot ko. Lumusot ka please. Lusot na!
"ok good, mga 6:30 pa naman out ko kasi may meeting pa sa SSC. Ingat ka paguwi mo ah? Bye." Aniya. Buti nalang kung hindi makikita nyang susunduin ako dito ni Queane.
"Okay, bye. See you!" I said and ended the call already. Rereplyan ko nalang si Queane.
Ako:
5pm, yes please. I'll wait you outside the gate."Well, well, I heard brineak mo na si Ken? Sinong ipinalit mo?" Tanong ni Daloui sakin. Nakabalik na sila ni Bryle at may dala dala ng pagkain. Kinuha ko yung pagkain ko kay Bryle at kumain na kami.
"Queane? Yung halimaw sa engineering department daw." Sagot ko sakanya ng nakakibit balikat. Hindi ko talaga inaalam yung mga pinagkakaabalahan ng mga binoboyfriend ko.
"Seriously? Si Queane Briones na halimaw ng Engineering? Pinatulan ka? Hahahahaha!" Aniya. Nakisawsaw naman tong si Bryle kaya ayun, wala silang ginawa kundi ang pagtawanan ako. Or si Queane na pumatol lang sakin? Gaano ba katalino yang Queane na yan? Sabi nila Bryle at Daloui kanina sakin eh si Queane daw ay isa sa Deans List, running for Summa or Magna. May kalaban daw na babae, di ko matandaan kung anong pangalan basta yung mga grades nila di bumababa ng 1.50. Siguro daw eh umaasang mapapagbago ako nito kaya ako pinatulan. Hay whatever!

BINABASA MO ANG
3 Timers Game
Teen FictionSometimes, the greatest relationships are the ones you never expected to be in, especially with the person with a similar minds and vibes.