Game 2
His POV
"Fuck you Cleus! Roth you in hell!" Myles shouted and slap my face. Ok, I know I deserve that for being a playboy. But as if they dont know that they're just my past time, for fun you know.
Umalis na si Myles ng umiiyak. Nakita ko naman sa gilid si Lorry medyo malapit lang sa kinatatayuan ko. Mukhang kanina pa sya doon at napanood nya kung ano ang ginawa saakin ni Myles. Should I prepare myself for another round of slap?
Nung napatingin ako sakanya ay natauhan naman sya at unti unti syang lumapit sakin. Nakatitig lang ako sakanya ng walang emosyon, while her eyes is full of mixed emotions. Anger, hurt, and confussion is written all over her face.
Kasabay nang pagtulo ng luha nyang kanina pa nagbabadyang kumawala sa kanyang mga mata ay ang pagsampal nya saakin kung saan ako kanina sinampal ni Myles.
Umigting ang panga ko sa sakit. Hindi katulad ni Myles kanina na ang daming sinabi, si Lorry naman ay umalis nalang ng walang sinasabi sakin pero katulad ni Myles na umiiyak.
Easey clapped slowly few meters beside me. kanina pa sya nanonood sa kadramahan ng mga girlfriend kong nakikipagbreak habang ako naman ay walang imik. I don't need to explain my side anyway. Gaya nga ng sabi ko kanina, they're just my past time, for fun nothing more. And they know that.
Ang hindi ko lang alam eh bat nagiinvest sila ng feelings sakin dahil sa simula palang they know that I didn't take them seriously. Tapos magngingitngit pag nakitang may babae akong kasama.
"Tss! Come on, dramas over" pailing iling kong sabi sa pinsan kong nakatingin sakin ng nakakaloko at aya sakanya paalis doon.
"How's your face Honey? Maayos pa ba? Hahaha!" Easey said imitating some girls voice. Imbis na mainis ay natawa nalang ako.
"Kiss my cheeks. I got two slaps today" gatong ko sa pangaasar nya. Hinawakan nya naman ang mukha ko at inilapit sa lips nya habang nakanguso at akmang hahalikan nga talaga ang pisngi ko. Binigwasan ko nga, nakakadiri 'to!
"Eww man! What the hell. Hahaha!" I said while laughing and push his face away from me. Natawa din sya sa kalokohan nya. Umalis na kami doon at nagsimula ng maglakad. Sya naman ay palabas na ng school, tapos na klase nya kaya pauwi na. Ako naman ay papunta na sa next class ko.
"Nalagasan ka na ng dalawang girlfriend hahahaha uy loyal na sa isa." Aniya nang tawa ng tawa at pailing iling. I just make face. Loyal his ass. Mapapalitan agad yung dalawa noh. Dumiretso nalang ako sa next class ko, sya naman ay umuwi na. Tapos na klase nya eh.
Pagdating ng uwian may dinaan lang ako sa library dahil ibabalik ko yung apat na librong hiniram ko. nagparesearch kasi si Mr. Beltran, yung prof namin sa isang subject. Ayaw nya daw na sa internet kami kumuha at gusto nya sa mga libro kami magbrowse. Tinapos ko naman agad yun kanina kaya ngayon ito, nandito ako ngayon sa library at isasauli na.
"Returning of books miss." Sabi ko sa librarian at pinakita ang apat na librong hawak hawak ko. I gave her my ID and my library card para pirmahan nya. Pagtapos nun ay pumunta ako sa mga bookshelves kung saan ko kinuha ang mga iyon.
Inuna kong isauli yung dalawang librong nasa malayo ko pinagkuhanan. Nasa left wing ko yun kinuha kaya dun ako pumunta.
Pagkasalaksak ko nung unang librong hiniram ko ay may narinig akong konting ingay sa likod nung shelf na pinaglalagyan ko. Nagtaka ako kung ano yung ingay na yun dahil bawal ang maingay sa library.
Mabilisan kong sinalaksak yung pangalawang librong hiniram ko dahil medyo lumalakas yung ingay. Parang dalawang taong nagbabangayan. Kaya naman nung nasuksok ko na yung pangalawang libro ay pumunta ako sa likod nun at nakita ko si Queane at yung girlfriend ata nya na nagaaway, pinipigilan nilang sumigaw para hindi makagawa ng ingay kaya ang mga boses nila ay maririin.
BINABASA MO ANG
3 Timers Game
Teen FictionSometimes, the greatest relationships are the ones you never expected to be in, especially with the person with a similar minds and vibes.