HINDI SA GANITO

12 0 0
                                    

by : John Maurice Castañeda

kung mahal kita ng walang hanggan,

ibig sabihin walang katapusan,

ipapakita ko ang tunay na ako,

siguradong puso ay lulukso.

ibibigay man ang lahat ng kaya,

masumpongan lang ang ligaya

ligayang sa iba ay nadama,

hihigitan pa ang pagsasagawa.

nais kong makuha, sa iba'y ibang iba,

paghangad ng perlas sa isang dalaga,

pinupuna ang sariling pang tuwa,

pagtimpi nga'y sasarili 'di pa makuha.

kung sisisidin ang pusod ng dagat,

ligaya'y dika maiaangat,

uubusin ang lakas ng wagas,

makamit lamang ang mga perlas.

JOHN MAURICE CASTAÑEDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon