PAG-IBIG KO SAYO

7 0 0
                                    

by : John Maurice Castañeda

pagibig ko sayo , pang habang buhay,

ito ay di mawawala at 'di din mauumay,

ang dilim ng nakaraan , binigyan mo ng buhay,

ikaw ang bumuo , ikaw din ang nag bigay kulay.

puso kong ito sayo ibinigay,

ito'y dalisay , dalisay na tunay,

tatag at lakas ng loob sayo'y ibibigay,

pagkat pagmamahal di mahigitan ng mga bagay.

hangad ka na laging makasama,

pag ikaw ay nagbibiagy tuwa,

ikaw'y kumumpleto at gumawa,

hinambing mo man sa mga tala.

kasama sa saya at lumbay,

sa lahat ng pangarap ikaw ang tulay,

puso ko'y nan'dyan kahit mamatay,

puso'y buhay kahit sa aking hukay.

JOHN MAURICE CASTAÑEDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon