Vacant namin ngayon niyaya ko si Maecy na manood ng practice nina Jasper sa court.
Habang papunta kami sa court malayo pa lang kita ko na ang bestfriend naming si Jasper and unfortunately kateam din niya ang Xairo na yon sa basketball. Akala ko pa naman Xairo mabait ka crush pa naman kita, pero nung kinuwento ni Maecy yung nangyari last time parang nagbago na ang tingin ko sa kanya. Nung hindi pa niya girlfriend si Cindy Flores mabait naman siya eh at hindi pa ganun kayabang noon. Pero ngayon parang sobra na ata ang pagkaarogante niya at pati bez Maecy ko eh sinungitan pa niya. Nakakaasar siya ha! Siguro nagtataka kayo kung bakit ang dami kong alam kay Xairo kasi nga crush ko siya eh ahahaha pero hindi na ngayon. Nakita ko na nagtime-out muna si Xairo para uminom ng tubig. Habang tumatakbo si Maecy papunta kay Jasper na may pakaway-kaway effect pa. Nabangga na naman niya si Xairo nang hindi sinasadya.
MAECY'S POV
Wow! Ang galing talaga ng bestfriend kong maglaro.
Eto kami ngayon ni bez Lorraine naglalakad palapit kina bez Jasper.
Ayan! Time out muna sila sobrang pagod ata si bez Jasper. Sa sobrang excitement ko napatakbo ako kay bez Jasper at sumigaw pa ng "ANG GALING TALAGA NG BESTFRIEND KO!!!" with matching kaway kaway pa. Hindi ko napansin na magkakasalubong kami nung basketball captain slash campus heart throb. And then "blog!" nabangga ko na naman siya. Huhu! Pag minamalas nga naman.
"Aray ang sakit," sabi ko habang himas-himas ang ulo ko.
"IKAW NA NAMAN!!!" sinabi niya yan ng pasigaw.
Kailangan bang isigaw yon. Napatumba na nga ako sa sahig. Ako na nga yong nasaktan diba. Mukhang mapapahiya ako dito ah.
"ANONG GINAGAWA MO DITO AT ANONG KARAPATAN MO PARA PUMUNTA DITO? DIBA IKAW YUNG BUMANGGA SA AKIN NUNG PAPUNTA AKONG LIBRARY AT NGAYON BINANGGA MO NA NAMAN AKO, NANANADYA KA BA HA?" sabi ni Xairo na para bang galit na galit sa akin.
Nangingilid na ang luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Biglang sumabat si Lorraine "teka lang, hindi naman sinasadya nung tao ah, bakit kailangan mo pa siyang ipahiya?"
Maya-maya'y pinuntahan ako ni bez Jasper para itayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig. At tinanong niya ako kung okay lang ako and I just nodded.
Muling nagsalita si Xairo, "alam ninyo kayong mga babae alam ko namang nagpapapansin lang kayo sa aming mga boys dito eh, am I right?"
Sasampalin na sana ni Lorraine si Xairo pero nahawakan ko lang yung kamay niya. Ang hindi ko lang napigil ay ang pagsuntok ni Jasper kay Xairo.
"Hindi ako papayag na ganyanin mo ang mga bestfriend ko sa harap ko." At gumanti ng suntok si Xairo at nagsuntukan na sila doon. Dumating ang mga barkada ni Xairo at ang girlfriend niya para awatin si Xairo. Inawat naman namin si Jasper.
Eto kaming lahat nasa principal's office. Tinanong kami ng principal, "what happened?"
Sumabat agad ang mayabang na si Xairo, "yan po kasing si Jasper eh, kung hindi siya ang nanguna eh di sana walang nangyaring gulo."
Agad namang dumipensa si Jasper, "Ma'am pinagtanggol ko lang naman po ang mga bestfriend ko kasi po parang walang respeto si Xairo sa mga girls kaya hindi ko na napigil ang sarili ko."
"Okey, bilang punishment hindi muna kayo maglalaro hanggang tournament."
"Ma'am hindi po puwede yon," they said in chorus.
"But that is my decision, bilang magteammates dapat wala kayong alitan sa isa't isa paano kayo makakapaglaro ng maayos kung ganyan kayong dalawa, ayusin ninyo muna ang mga sarili ninyo saka kayo bumalik sa team pag ayos na kayo, is it understood?"
"Yes Ma'am."
"You may go now."
"Sh*t, nakakainis talaga because of that girl f*ck!," narinig ko siyang nagcucuss.
"Stop it Xairo," sabi nung barkada niya. Biglang nagsalita yung girlfriend ni Xairo, "it's your fault kung bakit di makakalaro si Xairo sa tournament," at nakaturo ang kamay niya sa akin. "Sa susunod mag-iingat ka sa mga binabangga mo or else ......"
Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya and then biglang nagsasalita si Lorraine "or else what ... subukan mo lang ..." Hindi na maganda ang nangyayari. Sinabi ko na lang sa kanila "let's go" at umalis na kami.
XAIRO'S POV
Andito kami sa kubo ngayon. Ang sakit ng pagkakasuntok sa akin nung Jasper na yon. Habang ginagamot ni Cindy ang mga sugat at pasa ko sabi ni Bryan, "what have you done Xairo, credibility mo as varsity player."
"Ang sisihin ninyo ay yung magbebestfriend na yon because of them kaya hindi makakapaglaro si Xairo sa tournament," sabi naman ni Cindy and I'm pretty sure that this girl is really getting annoyed.
"Cindy, talaga bang girlfriend ka ni Xairo? Bakit ganyan ka manalita? Sa halip na pagsabihan mo yang boyfriend mo ganyan ka pa," sabi naman ni James.
"Can you please shut the fuck up?" I'm pissed off. I know that they are my true friends but they do not know kung ano ang pinagdadaanan ko.
"We're just concern pare," said Arcel.
"Di ka naman dating ganyan. Why all of a sudden you became like that? said Mike. "Maybe you will be the one who can answer that question."

BINABASA MO ANG
Miss Simple Meets The Arrogant
Teen FictionMaecy Villanueva is just a simple girl who fall in love with an arrogant boy named Xairo Mercado. Maecy has bestfriends named Lorraine and Jasper. Xairo had a painful experience with his ex-girlfriend. Let's find out how they fall in love with each...