Chapter 7- SECRET SURPRISE

13 0 0
                                    

“Girls! Asan si Marie?” tanong ni Bev pagkarating niya “hmm sa bahay pa, papunta na dito yun nagbihis lang ng pang praktis na damit” sagot naman ni Pearl “Ayos tamang-tama” “ha? Bakit anong meron?” tanong naman ni Rose  “ano kasi kilala niyo naman si Jan diba?yung bestfriend ko” “Aaaahh oo naman”sagot ni Josephina “ganito kasi   may gusto yun kay Marie” naka-ngiting sabi nito “OMG! Talaga?” sabay-sabay na tili ng mga ito “yep” “pero.. teka? Bakit hinarangan niya si Marie noong nakaraang linggo?” “ah yun ba? Siraulo kasi masyadong namangha sa kagandahan ni Marie kaya hinarangan niya kasi gusto niya pang titigan ito” nanglaki naman ang mata nila Pearl “hala! Tanga niya pero sweet ha kinikilig ako” tili ni Rose “tanga niya nga pano na yan? Alam mo bang inis na inis si Marie dahil dun? Kasi akala niya pinagti-tripan siya nito” saad ni Pearl “nako! Oo nga lagot na wala ng pag-asa” dagdag ni Diane “may pag-asa pa” sambit ni Josephina kaya napalingon sila rito “diba nga ? may gusto si Marie dun? Kaya may pag-asa pa” “oo nga kaya dapat pag planuhan natin kung paano sila paglalapitin” saad naman ni Christine “tama!” sang-ayon nilang lahat “oh?girls? anong meron at naka ngiti kayong lahat?” tanong ni Marie  nagulat sila sa pagdating nito pero nag senyasan agad sila gamit ang mga mata “nako Bessy wala hehe”pangunguna ni Diane  “ano nga? Sali niyo ko sa pinag-uusapan niyo” “ay nako sissy wag na magpapraktis na tayo eh” dagdag naman ni Pearl.Nag-praktis agad sila para di na magtanong si Marie.

            Kakatapos lang nilang mag-praktis ng magsalita si Bev “Marie!” “hmm?Bev bakit?” “ano may gusto kasing kumausap sayo bukas kung okay lang ba daw” “eh?bakit daw?at saka sino?” naguguluhang tanong ni Marie “ah sissy si Jan yung crush mo?” dagdag naman  ni Pearl. Ngunit akala nila papayag agad ito dahil sa gusto nga nito ang lalaki “ANO? AYOKO!” inis na inis na sabi nito kaya nagulat sila “p-pero best? Bakit? Akala ko ba crush mo yung tao?” tanong naman ni Diane “oo nga pero ayaw ko na sa kanya kasi wala siyang modo”  nanlilisik na ang mga mata ni Marie kaya napalunok sila masama kasi itong magalit. “mag-uusap lang naman kayo eh at saka baka hihingi ng tawad diba?” nag-aalangang sabi ni Josephina “at saka ano ba! Bakit ba galit na galit ka? Affected much ha!” pagbibiro ni Christine. “hmp! Basta A-YO-KO! Uwi na ako bye! Papalamig muna ako” at napa buntong hininga nalang sila dahil alam nilang kung ano ang desisyon nito ay di na to magbabago. “Wag mag-alala Girls!” biglang sabi ni Diane na may nakakalokong ngiti “ay! Ang ngiti best ha gusto ko yan” sabi ni Josephina “so? Anong plano yan?” tanong naman ni Pearl “Ayaw niya eh kaya gawa tayo ng plan B girls. MIAUREL LOVE TEAM OPERATION” sabat naman ni Christine. “So ganito bukas dapat makapunta siya sa Park! Sasabihin natin na gagala tayong mag barkada pero dapat mauuna tayo sa Park tapos ite-text natin siya na sumunod nalang siya okay?” pagpapaliwanag ni Diane sa plano niya “hahaha sigeeee Masaya yan!” nakangiting sagot ni Pearl “AT si Jan na ang bahala sa iba Bev ha sabihin mo umayos-ayos siya” sabi naman ni Christine

“Aye! Aye! Captain!” Sagot naman ni Bev sabay saludo “oh tara na at humayo ng makapag-pahinga at mahaba-haba ang  araw natin bukas” sabi naman ni Josephina kaya sabay-sabay silang nagtawanan.

            Umuwi na sila sa kani-kanilang bahay habang si Bev naman ay pinuntahan muna si Jan.

“HOY!” “oh Bev? Ano na?” “ay atat? Nagmamadali may lakad ka?”  “Bev naman eh pumayag ba?” tanong ni Jan na kinakabahan “Gago! HINDI sira-ulo ka kasi” sabay batok pa ni Bev sa kanya “ARAY! Bakit ba?”sabay tingin ng masama kay Bev napalakas kasi ang pagbatok nito sa kanya “eh kasi sa katangahan mo nagalit sayo si Marie may pa harang-harang pa kasing nalalaman di nag-iisip! Aish! Gago talaga!” “ganoon ba? Sige uwi muna ako Bev ha salamat nga pala” lungkot na lungot na sabi ni Jan sabay lakad nito patalikod “WOW! Ang drama ha!” sabay batok ulit dito “ANO BA! Nakakarami ka na ah!” sigaw nito sa kanya “ABA HOY! Tapos na ba ako magsalita dito? Ang OA mo makinig ka muna may plano kami ganito…..” pinaliwanag ni Bev ang plano nila kay Jan. “Tapos ikaw na bahala sa diskarte mo   papupuntahin lang namin si Marie sa Park kaya umayos-ayos ka kung ayaw mong masaktan samin” banta pa ni Bev “Oo na! alam ko na yan pero maraming salamat talaga sa inyo.Hayaan niyo ililibre ko kayo” “Good! Dapat lang no”sabay thumb’s up nito niyakap naman ni Jan si Bev sa sobrang tuwa na makakausap na niya si Marie. Ganoon din sila kalapit ni Bev sa isa’t-isa.

            Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakakita pala sa kanila habang magkayakap.Bigla namang tumakbo ang babae pauwi dadaan lang sana siya dahil may bibilhin siya pero di na siya tumuloy dahil nasaktan siya sa nakita niya “sila pala ng kaibigan ko” sabi niya sa kanyang sarili

Habang si Bev naman ay tinulak si Jan na parang nandidiri “AY! Letse! Jan lumayo-layo ka sa akin ha para kang bakla!” “UY! Di ah! Masaya lang”nakangiting sagot nito “ewan! Umuwi ka na nga at mag-handa para bukas! Yung maganda ha yung nakakasurpresa at manonood kami sa inyo! Ge uwi na ako at magpapahinga na ako!” “areglado boss! Ingat hehe” 

UNA AT HULING PAG-IBIGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora