Chapter 10- Heart Break and A PROMISE

11 0 0
                                    

            “KAILAN  ka pa natutong lumandi ha?” *PAK* “aah! D-ad patawad po”umiiyak na sagot ni Marie “Anong sabi ko sayo?hindi ba pwedeng pagka dyese otso ka na mag nobyo? Bakit mo ko sinuway?” “pero Dad mahal ko siya” “Hiwalayan mo siya!” “D-dad please.. di ko kaya” “kung ganoon talaga palang matigas ka na?HIHIWALAYAN MO SIYA SA AYAW AT SA GUSTO MO NAIINTINDIHAN MO?” “d-dad” “wag mong hintayin na itakwil kita Marie” “tama na yan Nicolas! Sige na anak pumasok ka na muna sa kwarto mo” pumasok naman si Marie agad sa kanyang kwarto at doon ibunuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya. Sa kabilang dako naman ay pina pakalma ni Nina ang kanyang asawa na si Nicolas.

            “Jak i-im sorry” “p-pero Marie p-pano na tayo?” “Jak mahal kita pero mahal ko rin ang pamilya ko at isa pa mga bata pa tayo” “Marie di ko kaya please nagmamakaawa ako” “Jak patawarin mo ko nasasaktan din ako pero wala tayong magagawa malalaman at malalaman parin ni Dad to kung ipagpapatuloy natin to” at umiyak na ng tuluyan si Marie kaya niyakap siya ng mahigpit ni Jan “S-Sorry wifey naiintindihan na kita patawarin mo ko kung nagiging makasarili ako” “patawarin mo rin ako kung di kita kayang ipaglaban” “ssshh.. tahan na ha? Wag kang mag-alala kahit anong mangyari mamahalin parin kita at hihintayin  kita kung kailan pwede na?” “talaga?promise mo yan ha?” “pangako at ipangako mo rin na ako lang mamahalin mo wala kang ibang sasagutin” “pangako” matapos ang kanilang pag-uusap ay naghiwalay na sila ng landas.

            Lumipas ang ilang buwan mas isunubsob ng dalawa ang sarili sa pag-aaral at hindi rin sila nagkaroon ng bagong relasyon dahil para sa kanila kahit hiwalay na sila at hindi nagkikita ay nasa puso parin nila ang isa’t-isa. Pag nakikita nila ang isa’t-isa ay hindi sila nagpapansinan na parang mga estranghero kahit miss na miss na nila ang isa’t-isa.Naawa na sa kanila ang mga kaibigan nila pero wala silang magawa lahat. 

UNA AT HULING PAG-IBIGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang