CHAPTER ONE
I'm always watching over you..
-M
Halos maging kasing kulay ko na siguro sa kabang nararamdaman ko ngayon ang kapirasong papel na hawak ko na nakuha kong nakasingit sa pinto ng locker ko.
Ano bang ibig sabihin ng nagpadala nito sakin? Minamatyagan nya ko? Ang bawat galaw ko? Pero baket? Ano ba sya stalker?
Hindi kaya....
DEATH THREAT itong sulat na to?!
Oh Diyos ko po! Bata pa po ako, ayoko pa pong mamatay! Marami pa po akong mga pangarap sa buhay! Mag-dodoktor pa po ako! Please lang po wag nyo po sanang hayaang mapatay ako ng serial killer on the loose na nagpadala sakin ng death threat na 'to!
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang natataranta kong isinisilid sa bag ko ang gamit ko mula sa locker ko. Palinga-linga rin ako sa paligid.
"Sheet! Baket ba ko nagpaiwan sa mga kagrupo ko at akuin na ang pagtapos ng project namin sa lab." Bulong ko sa sarili ko habang malalaki ang mga hakbang kong tinatahak ang pasilyo sa first floor ng medical department.
Nag-eecho sa buong paligid ang tunog ng pagtama ng takong ng heels ng sapatos ko sa lapag. Mag-aalas syete na ng gabi at tanging ilaw nalang sa pasilyo ang nagbibigay ng liwanag sa dinaraanan ko.
Palinga-linga parin ako sa paligid. Balisa narin ang pakiramdam ko. Para kasing may nakatitig sa akin..
Oh God!
Baka andito yung nagpadala sakin ng sulat!
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Malapit na kong makalabas, tanaw ko na ang pintuan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng sa wakas ay makalabas na ko ng dept namin.
Pero hindi pa man din ako nakaka-isang hakbang ng biglang may humawak sa balikat ko..
"Waaaaaaaaaaahhhhhh!!!! Waaaaaaaaaaaahhhhh!!!! Wag po!!! Wala po akong kasalanan sa inyo!! Wag nyo kong papatayin!!!!! Waaaaaaaaahhhh!!!"
Nagpupumiglas ako habang sumisigaw.
"Huminahon ka miss!" Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak nya sa balikat ko at maging ang isang braso ko ay nahawakan nya narin kaya mas lalo pa kong nagpanic.
Oh my! Eto na yata..Mamamatay na ko!
"Waaaaaaahhhh!!! Pano akong hihinahon kung papatayin mo ko?! Waaaaaa-- Mmmmmppfff!!!" Hindi na ko nakasigaw dahil natakpan na nya ang bibig ko.
Oh Diyos ko po! Ayoko pa po talagang mamatay!
"Shit! Bakit kaba sumisigaw?! Baka may makarinig sayo!" Bulong nya sa tenga ko. Kinilabutan ang buong katawan ko dahil sa ginawa nya.
Naramdaman ko rin na masyadong magkalapit ang mga katawan namin. Halos yakap nya na ko mula sa likod, damang-dama ko rin ang init ng hininga nya sa leeg ko. Amoy ko rin sya dahil sa posisyon namin. Infairness ang hot ng amoy nya ha.
Panandalian akong natigilan. Shet, ba't parang ang sarap yatang magpayakap sa kanya?
Oh God!! Ano ba 'tong napag-iisip ko?! Papatayin na nga ako ng lalaking 'to nagawa ko pa syang pagpantasyahan!!
Muli akong nagpumiglas, sinabayan ko pa ng pagpapadyak sa paa nya kaya nagawa kong makawala sa pagkakahawak nya.
Tatakbo na sana ako ng bigla naman nyang nahapit ang beywang ko at saka nya ko isinandal sa pader sabay takip ulit sa bibig ko. Hindi ako makapiglas dahil ipit nya na ko sa pagitan ng pader at katawan nya.

BINABASA MO ANG
Natalia Rose
Roman d'amourA Stalker? An Admirer? A Lover? Ano nga bang pinagkaiba ng stalker sa admirer?