CHAPTER TWO
Naglalakad ako na parang lutang sa hallway ng 6th floor ng Department namin papuntang Laboratory room. Halos hindi ako nakatulog kagabi pagkauwi ko. Paulit-ulit kong naririnig yung huling sinabi ng aking makisig na stalker.
"Mark my name in your heart and you'll know it."
Shet na malagket! Ang lakas nyang magpakamystery effect! Pero infairness mas lalo akong naintriga kung sino nga ba talaga sya.
Napahawak ako sa labi ko ng di ko namamalayan. Pakiramdam ko ramdam ko parin sa mga labi ko ang init ng mga labi nya. Parang hinahalukay na naman ang tyan ko, para akong najejebs na ewan. Ang landi ko. Papa God patawarin nyo po ako!
"Natalia"
Napapikit pa ko habang hawak parin ang mga labi ko.
"Natalia"
Parang gusto ko ulit magpahalik sa kanya. Gusto ko ulit maamoy at makapa ang sexy hot nyang muscles. Gosh! Kalma ka lang self! Nagmumukha tayong haliparot!
"Natalia!"
Kelan kaya sya ulit magpapakita? Papa God pwede po ba mamaya ulit? Ahihihi~ ang harot ko ng very light!
"Omp!"- Bigla akong napadilat at napahawak sa ilong kong hindi katangusan na sa kasamaang palad ay tinamaan ng kung ano.
Agad akong napatingala ng masalubong ng tingin ko ang isang malapad na dibdib na binanggaan ko. Nalukot ang noo ko ng makita ko kung sino ang lapastangang bumangga sa akin.
"Ow! Ang sakit ha! Bat ka ba nakaharang sa daan?" Himas ko parin ang pobre kong ilong.
Biglang nagsalubong ang dati ng salubong at makakapal nyang mga kilay. Pwede pala yun?
"Ikaw yang parang tangang naglalakad sa kawalan. Kanina pa kita tinatawag ni hindi mo ko naririnig. May papikit-pikit ka pa. Ano na naman bang kahibangan ang iniisip mo?" May galit sa tono nyang sagot sakin habang naniningkit ang mga mata nyang nakatitig sakin.
My God! Kasalanan to ng pamysterious guy na yun eh. Di ko namalayang nakatulala pala kong naglalakad.
"Hindi ba pwedeng puyat ako dahil sa project naten ha? Kung makahibang ka naman dyan." Mataray ko namang sagot sabay taas ng kilay at halukipkip ko. Hindi pa ko nakuntento at inirapan ko pa sya ng patagilid.
Itong lapastangang gunggong na nasa harap ko ngayon ay isa sa mga kaklase ko at kagrupo ko rin. Si Michael Villareal. Kababata ko sya at magkasosyo din sa negosyo ang mga magulang namin. Pero hindi ibig sabihin nun na magkasundo kami. Dahil palaging ganito.
Ako na nga itong nagmagandang loob na tapusin ang project namin ako pa itong aawayin nya?Nakatingala parin ako at nakikipaglaban ng titigan sa kanya kahit masakit na ang leeg ko. Anu bang meron at lahat yata ng makilala kong lalaki ay matangkad! Ang sakit nyo sa leeg ha!
"Pahiram ng natapos mo kagabi. Ako ng gagawa ng power point presentation." Iiling-iling na sabi nya sabay lahad ng kamay nya. Napabuntong-hininga pa sya na para bang pinagbibigyan nalang ang pagtataray ko.
Makikipagtalo pa sana ako kaya lang talagang lutang na lutang ang pakiramdam ko gawa ng kakulangan sa tulog kaya naman dinukot ko sa bulsa ko ang USB ko at saka ko iniabot sa nakalahad nyang palad.
"Wag mong lalagyan ng virus yan ha!" Banta ko pa bago ko tuluyang bitawan ang usb ko na may palawit na maliit na snow globe na may maliit na ballerina na nagsasayaw sa loob.
"Ingatan mong mabuti yan!" Pahabol ko pa. Ayoko sana talagang ipahiram sa kanya ang usb ko dahil importante sakin ang keychain na nakalagay dun. Pero mukhang hindi ko na talaga kakayanin pa kung ako parin ang gagawa ng presentation namin.

BINABASA MO ANG
Natalia Rose
RomansaA Stalker? An Admirer? A Lover? Ano nga bang pinagkaiba ng stalker sa admirer?