C-5

5 0 0
                                    

Kaya naglaro nalang siya dahil wala na kasi siyang kachat sa Anonymous Friend Site niya.

Nang biglang may bumukas ng ilaw kaya napatayo nalang si Carren at nakita niya ang kanyang boss na nakatingin sa kanya ng masama.

" Ano ba Carren wala ka bang plano matulog? Hindi ka pa ba tapos sa pagtetxt mo sa lalaking kadate mo kanina?" Agad nitong tiningnan ang relong pambisig

" 1am na Carren alam mo naman sigurong maaga tayo bukas?" sabi nito sa kanya na nagsalubong parin ang dalawang kilay nito

"ahh...sir hindi po kasi ako makatulog" mahinahong sabi niya

"The go out if you don't want to sleep and let me sleep instead!" galit na sabi nito

Tumayo siya at akmang pipihitin ang doorknob

"saan ka naman pupunta?"

"sa labas po diba sabi niyo po go out? Kaya heto na po I will gonna go out kasi hindi po ako makatulog e"

"paglumabas ka sa hallway ka matutulog kasi e lolock ko talaga tong kwarto"

Napasinghap nalang si Carren at bumalik sa kanyang higaan at in-off ang kanyang phone at nilagay sa ilalim ng higaan niya.

Pagka off ng ilaw ay agad siya tumayo at nagstrike na naman sa kanyang boss

'litse ka! Ikaw kaya ang hindi makatulog ano kaya ang gagawin mo!'

'kung hindi kita boss ugh....iwan ko lang kung buhay ka pa'

'kaya wala kang jowa kasi napaka demanding mo!'

'Oo, gwapo ka Oo, mayaman ka, Oo, ang hot mo pero litse ni isa sa mga kamandag mo ayoko talaga sayu lalaki ka'

'kung maging jowa kita? Iwan ko lang kung aabot tayo ng one week dahil wala pang 1 day iiwan na talaga kita!'

Hindi maiwasan ni Carren ang mapanguya habang pabalik-balik sa paglalakad hanggang sa ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kanyang kama at agad umidlip.

MY ANONYMOUS CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon