Walang Title

14 0 0
                                    

Paano ko ba to sisimulan?
Sige base na lang sa aking mga natatandaan
Ay hindi na pala kailangan
Kasi kahit nga mag-iisang taon na ang nakararaan malinaw pa rin sa aking isipan.

Ikatatlumpo ng Hunyo
Mga ala una ng madaling araw, ganitong oras din siguro
Hindi ko inaasahang makikilala ko ang isang tulad mo
Unang kita ko pa lang sa mukha mo, tinamaan na agad ako sayo

Oo aaminin ko, mukha ang una kong tinitingnan
Hindi ang panloob na kaanyuan
Sa paghanga ko itsura ang sukatan
Mukha ang batayan

Hindi naman ako kagandahan
Masyado lang talagang mataas ang aking pamantayan
Yung gusto ko mala wattpad character ang kagwapuhan
Epekto na rin siguro yan ng pagiging wattpadian

Balik tayo sayo
Ikaw na talaga ang tipo ko
Yung mukha mong seryoso
Mukha ka ring suplado

Pero ibang-iba ng ka na ng nakilala kita
Hindi na lang basta itsura
Ugali mo, lahat lahat ng tungkol sayo
Nagugustuhan ko at unti-unti kong napagtanto na baka higit na sa paghanga ang nararamdama ko sayo.

Hindi na lang itsura ang nakikita ko sayo
Yung pagpaparamdam mong mahalaga ako
Yung pagiging malambing mo
Dun ako nahulog ng tuluyan sayo

Kaso hindi mo ako sinalo
Pinaasa mo lang pala ako
Ang sakit-sakit ng ginawa mo
Akala ko magkakaron ng na ng tayo kaso mali pala ako

Bigla ka na lang hundi nagparamdam
Pero matapos ang ilang buwan bigla kang sumulpot na parang wala lang
Ako naman itong si tanga
Umasa na naman na may pag-asa pa tayong dalawa.

Tama na nga ang drama
Dahil joke lang ang inyong nabasa
Hindi naman ako yung tipo ng babaeng madaling umasa
Kasi kapag ayaw na niya handa akong pakawalan siya.

Ito na talaga ang totoo
May gusto talaga ako sayo
Sa katunayan mag-iisang taon na ang paghanga ko
Simula una hanggang apat na taludturan,totoo ang nabasa niyo

Isa akong babaeng humahanga sayo
Ang bilis talaga ng panahon ano
Isang taon na ang nakakalipas magmula ng humanga ako sayo
Pero heto pa rin ako patuloy na humahanga kahit hindi mo ako napapansin sa paligid mo.




SPOKEN POETRY NI NENENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon