CHAPTER 3

48 7 0
                                    

Alexa pov

Kinabukasan ay magulong-magulo ang bahay sakto off ng mga katulong sinabihan na rin kasi ni boss ng mga schedule ng mga kasambahay rito pati para naman hindi na ako magulat pa.

Para namang puputok ang ugat ko sa ulo nang bumunggad sa akin na halos hindi na makilala ang bahay. Mahusay rin magkalat 'tong amo ko tapos sumakto pang walang tagalinis ngayon aba'y magaling.

Makakaya ba talaga nitong mabuhay sa bahay na puno ng kalat? Pero kung sa bagay ugali nga nito ay magulo at patapon ano pa kaya ang bahay 'di ba?

Bumuntong-hininga ako at halos sahunutan ko na ang sarili ko.

Bwisit talaga!

Dumiretso ako ng kusina para gumawa muna aming magiging almusal dahil sa malamang ako maglilinis nito, e' iyung amo ko e' happy go lucky. Tiyak wala talaga iyon pakealam sa bahay nitong tila dinaanan ng bagyo.

"Sarap kutusan ng amo ko." Inis kong wika at napapailing pa.

"Anong sabi mo?"
Wika ng isang baritong boses at nagulat ako at muntik ng mapatalon

"AYY! Ang panget mong hayop ka!" Sigaw ko nang wala man lang pakundangan at nang mapalingon ako sa pinanggalingan ng boses ay roon ko nakita ang boss ko na nakahalukipkip at hubad baro.

Napalunok naman ako pero piniksi ko ang mga imaheng tumaktakbo sa isip ko.

"Huwag ka nga nanggulat diyan paano pala kung naibato ko sayo 'tong hawak ko? Edi ako pa nakapatay sa'yo." Kahit naman kasi gusto ko iyon gawin naku hindi pwede baka susunod ako agad na mapatay.

"Sorry! Sorry hindi na mauulit." Natataranta nitong wika. Kumunot naman ang noo ko kasi ano kaya pumasok sa utak nito? Takot ata sa akin?

" Ang sakit ng ulo ko, ba't ang gulo ng bahay?" Napahilot ito sa sintido nito habang ako naman ay nakahalukipkip sa harap nito. Maybe may hang-over ito. Pero mukhang hindi naaalala ang ginawa kong pampatulog sa kaniya. Gusto kong matawa putek lang patulogin ko kaya ulit?

"At nakuha mo pang magtanong?" Kayo ng mga kaibigan mo may gawa  n'yan!
magtatanong pa talaga e' parang inosenteng-inosente so ano 'yon kasama namin kagabi e' alien?

Umikot ang mata ko sa inis dito.
Hindi ko mapigilan e' nakakabwisit lang kasi.

"Huwag mo nga pinapaikot 'yang mata mo nagmumuka kang babae e'." Tugon nito sa akin kaya napalunok ako dahil nagulat ako sa sinabi nito muntik na akong mapaiwas ng tingin pero kinalma ko ang sarili ko dapat hindi nito mahalata.

Tsk paktay ako nito kay boss.

"Anong palagay mo sa'kin bakla? Tsk diyan ka na nga bahala ka gumawa ng pagkain mo at maglinis ng mga pinagkalatan n'yo."

Aalis na sana ako ngunit namilog ang mga mata ko nang unti-unti ay naglakad ito papalapit sa akin at dahil wala itong pang-itaas ay kitang-kita ko paano gumagalaw ang matipuno nitong katawan.

Tila nanunuyot ang lalamunan ko, pero pinipilit ko pa ring umaktong normal sa harap nito kahit sa loob-loob ko ay gusto kong tumili dahil sa inis at frustration.

Konti na lamang ang pagitan namin at bigla itong dumukwang. Nag-isang linya ang labi ko at pinipigilan ko ang sarili kong huwag mapakagat sa ibabang-labi ko.

Kailangan ko umalis muna at nang makahinga, para akong mauubusan ng hininga shemay paano kung malaman nitong babae ako? Baka ipatapon ako nito at syempre kakatayin ako ng ama nito.

"Paano nga ba kung bakla ka? Hindi ka ba naaakit sa katawan ko?" Nakangising sambit nito at bwisit kapal ng mukha nitong lalaking ito ang yabang putcha!

My Body Guard is a LadyWhere stories live. Discover now