Chapter 5

45 5 5
                                    


Habang binabaybay namin ang daan pauwi sa mansyon, tahimik lamang si boss at nakikinig lamang ng musika. Hindi ko ito magawang kausapin lalo na't naiilang ako sa mga nangyayari kanina lalo na't kung makaangkin ito ay parang kung sinong nakakataas. Pero hindi ako sanay putek! Sa sobrang tahimik ay hindi ko alam baka nga panis na laway ko, dagdag pang malamig ang aircon kaya hindi ko mapigilang hindi maburyong gusto ko na nga kutusan sarili ko kasi para na akong baliw na nagmo-monologue saka paanong hindi ko ito gagawin kung hindi ako kinakausap?

Ngunit buti na nga lang at hindi ako ang nagmamaneho ng sasakyan kasi mas nagahawa kong gawin ang nais ko, isa pa kung hindi niya ako papansin edi bahala sa kaniya, I don't fucking care. Kung galit siya e' ano naman sa akin? Wala akong kasalanan siya ang parang tangang gumagawa ng bagay na pag-aawayan namin, kabago-bago ko pa nga lang pero sakit sa ulo na ang binibigay ng boss ko sa akin. Mas okay pang mabatak ako sa trabaho at training hindi 'yung ganito na tila nag-alaga ako ng bata.

Pasimpleng sinilip ko ito sa gilid ng aking mga mata at namataan kong umiigting ang panga nito at kunot-noong madiin ang pagkakahawak sa manibela.

Inaaway ata ang daan. O baka stress sa sarili niya! Ulol kasi.
Napailing ako at napabuntong-hininga tila mauubusan ako ng lakas, nakakapagod ang ganito masyado pang magpahinga.

I watched the view from the window at kasabay non ay naramdaman ko ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata.

nakakaantok bwisit, teana kung ayaw niya ako kausapin edi huwag. Mabuti pang matulog na lang muna ako total malayo pa ang aming lalakbayin. Isa pa kailangan ko bumawi ng pahinga.

Maybe after a rest mawawala na itong kabang nakapaloob sa puso ko. Hindi ko kasi mapigilan.

Pero ang tanging nasa isip ko lamang ay sana lumaya ako, I can't wait my approaching freedom to come. Gusto kong lumaya.

Babae rin naman ako na kailangan maalagaan, I want to be me. The real me.

--

Nagulat na lamang ako ng may tumapik sa balikat ko. Pero hindi ko pa magawang imulat ang aking mga mata kaya wala akong magawa kundi tapikin ang kamay na pilit akong ginigising at nakontento na lamang ako sa mahinang ungol na lumalabas sa aking bibig.

"Alex, hoy! Aba ang galing mo rin naman o', natulog ka na nga lang buong byahe tapos ngayon may gana ka pang umarte na para bang napagod ka?" Kumunot ang noo ko bakit kasi tila may naririnig akong asungot na nagsisigaw putek hindi man lang ako pinapatulog ng ulol.

"Hmm.." Siguro nga guni-guni ko lang.

"Alex!!!" Agad na napabalikwas ako na naging sanhi upang tumama ang noo ko sa isang matigas na bagay, naging alerto naman ako at agad na napahahawak ako sa isa pang matigas at mainit na bagay.

Pero nagulantang ako nang tuluyan nang maproseso ang lahat ng kaganapan sa aking utak nakita ko na lamang kasi kung gaano ka lapit ang mga mukha namin ng amo ko kasabay ng tila nakakakiliting mainit na hininga nitong naglalaro sa may tapat ng mukha ko, sa hindi kasi malamang dahilan ay ang lapit nito sa akin, nakadukwang ito at mas kita ko sa malapitan ang matangos na ilong nito at ang nakaawang nitong labi.

Napalunok ako at biglang tila mas humigpit ang hawak ko sa isang bagay na hawak ko.

"ALEX can you please let go of my arm." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong binigkas nito, kita ko rin ang kalamigan sa mga mata nito kaya lumunok ako at napatingin sa hawak ko.

Shit lang Alex! Ano ba pumasok sa isip mo.

Diring-diri na binitawan ko iyon at nakahinga naman ako ng malalim ng lumayo na ito sa akin doon ko lang napagtanto na nasa labas na pala ito at binuksan lamang nito ang pinto sa gilid ko upang gisingin ako.

My Body Guard is a LadyWhere stories live. Discover now