chapter7

35 2 0
                                    

Pag dating sa mall ay nakita ko agad si Kath sa entrance. Kita ko rin kung paano nagningning ang mga mata nito nang makita akong papalapit na kasabay na rin ng malapad na ngiti na masarap pagmasdan nakakahawa kasi iyon.

"Kath, wow naman ang ganda natin ahh, kaya madami nagkakagusto sa'yo e' ang ganda mo talaga." Sambit ko na sadyang totoo naman, samantalang mas lalo naman ngumiti ito at napahawak pa sa pisnge saka bago ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, at as usual nakaayos panlalaki na naman ako mahirap na kasing makalusot sa boss ko. Isa pa mabuti na lang ito at nang masanay ako.

"Alam mo ikaw Alex ang pogi mo rin, kaya crush na crush kita e'!" Sabay tawa nito nang makita ang itsura ng mukha ko. Nakataas lang naman ang kilay ko sa sinabi nito, kung titingnan ang mga mata nito kita naman na hanga ito sa nakikita sa akin pero ako? Tsk bakit naman ako masisiyahan sa itsura ko ngayon though komportable siya still hindi maikakailang minsan natatakot na baka mabuking ako.

"Alam mo ang dami mong alam teka ano ba ang gusto mong gawin natin?" Napahawak ito sa baba nito at tila nag-iisip samantalang ako naman ay patingin tingin na lamang sa kapaligiran sana'y kasi akong alerto at nagmamasid mahirap na.

Isa sa mga natutunan ko kasi ay ang kailangan mag-ingat sapagkat baka may sumaksak sa'yo sa likuran.

"Haisttt hayaan mo na wala naman ako talagang planong puntahan kaya ang mangyayari lilibutin natin ang mall."

Natameme ako at bumalik ulit ang tingin ko kay Kath at bakas sa mukha ko ang pagtatanong.

Seryoso ba ito?

Ano siya hilo?

Nakakapagod ang maglibot mas gusto ko pang kumain na lang kami at pagkatapos ay kwentuhan saka uuwi na lang ako pero 'yung maglibot? Putek lang nakikita ko na itsura ko mamaya.

"Oh bakit may angal ka? Alalahanin mo babawi ka saka libre ko naman e'." Inirapan ko ito, kung magsalita kasi tungkol sa pera ay parang ang dali lang kitain isa pa hindi naman porke't libre ay gano'n na ang gagawin namin ayaw ko naman na gumastos ito ng marami, kilala ko pa naman ugali nito masyadong todo bigay.

"Kath--"

"Huwag kana umangal tsk kapal neto choosy ka pa halika na nga." Napabuntong-hininga na lamang ako at napailing wala naman kasi akong magawa kundi ang sumunod na lamang rito wala e' sa ngayon siya ang boss ko mahirap na baka mapikon.

Una naming pinuntahan ay ang salon, nagpaayos kami pareho ng buhok kahit naman kasi maiksi 'yung buhok ko ang cute ko pa rin tingnan lalo na ng maging bagsak at malambot ang mga buhok ko hindi sa nagbubuhat ng bangko pero 'yan naman kasi ang sinabi ni Kath ewan ko ba sa kaniya sobrang hanga siya sa buhok ko e' mas maganda nga 'yung sa kaniya.

Sunod naming pinuntahan ang damitan, mamimili raw siya ng mga damit medyo nagtipid daw siya ng ilang buwan kaya ngayon lang daw siya makakapagpamili.

Pero knowing her tiyak nagsisinungaling ito, gusto lang ata na sumama ako.

Kilala kasi ako nito ayaw ko ng masyadong bumibili ng mga gamit lalo na't meron pa naman akong gagamitin.

Ngayon pa na may pera ito tiyak hindi ito titigil hangga't hindi maubos ang dala nito.

Ngunit hanga naman ako rito dahil ang galing-galing niya pumili ng mga damit simple pero ang lakas ng dating at angkop na angkop dito ang nga iyon kasi lumulutang lalo ang kulay niya.

Pero sa kalagitnaan ng pamimili nito ay ako naman ay walang ginawa kundi manood lang pinilit naman ako nitong mamili rin para sa'kin pero sadyang hindi ko lang talaga ugali ang magpalibre.

Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang isang dress maganda iyon pero agad na iniwas ko ang aking tingin dahil alam ko naman hindi nararapat sa akin ang magsuot ng gano'n.

My Body Guard is a LadyWhere stories live. Discover now