day 6 to day 10 :)

31 1 0
                                    

Day 6

Nagpunta ulit kami ni Yurenz sa tambayan niya. Ayun, madami lang kami napagkuwentuhan. Tawa lang kami ng tawa, ang saya saya nga niya eh. :) Gustong gusto ko naririnig yung kakaiba niyang tawa. :)) Mahilig daw siya sa tinapay, mahilig din siya sa music. Madami din kami pagkakaparehas, pero may mga ilan ding hindi.

Kaso bigla niyang nakuwento yung tungkol sa Dad niya, sumeryoso yung mukha niya. Nalungkot din ako. :( May sakit pala yun sa puso, ang masakit pa nun eh January 1. Tss, pero sabi niya he tries to move on kahit masakit daw. Nalungkot ako nung sinabi niyang, "Nawalan na nga ako ng Nanay. Nawalan parin ako ng Papa.. Pero thankful ako kasi nandyan sila Lola at Lolo." Gustong gusto ko siyang i-hug ng mga oras na iyon para macomfort siya. Hinawakan ko nalang yung kamay niya tas sabi ko kaya niya yun. He smiled tas hinawakan niya yung ulo ko tas ginulo yung buhok ko. Hahaha! :) Nag thanks lang siya. :)

I really like when he smiles. Tas nagkuwento nalang ako ng kung anu-ano about sakin. Tinanong ko din kung saan niya nilagay yung keychain, dun daw sa bag niya. Yiee! Hehe. :) Nagshare din ako about kay Lord. Ayun , nakikinig naman siya. Tumatango lang, tas minsan nagtatanong tanong din siya. :))

Ewan ko ba, but I really like him. Masarap siya maging friend, sweet! Haha! :D 7pm na nga ako halos nakauwi eh. Hinatid naman niya ako. Hehe. :)) Okay, goodnight na! :*

- Amanda :3

Day 7

Umalis si Papa, Mama at Tita Beth kaya di ako nakalabas. Nagulat nga ako kasi nagpunta si Yurenz dito samin. Tatlo na kami dun. Siya, si Martin tas ako. Tuwang tuwa siya kay Martin, wala daw kasi siyang kapatid. Ang kulit nga nila eh.Haha! :)) Naghaharutan sila, parang sila nga yung magkapatid. Habang pinagmamasdan ko sila, natutuwa ako. Naisip ko nga, ang swerte naman ng magugustuhan ni Yurenz. Napakabait, napakagentleman kahit na mejo tahimik siya at napaka silent person. Napakarespectful tsaka napakatimid niya. Nice! :) I like him. :3 Pag nakikita ko siya, natutuwa ako. Gusto ko siya kasama lagi. I have a lot of friends na boys sa Manila, but never ever, just now ko lang na-feel yung ganito. :) Pero hindi dapat ako totally magkagusto sakanya, kasi bestriends kami. Ayoko ng ganun! :) But maybe, I guess natutuwa lang talaga ako sakanya at hindi ko talaga siya ganun kagusto. Maybe it's just that I admire him a lot. :)

Hinayaan ko nalang muna silang dalawa ang magbonding. Masaya siya dun eh, and I want to see him always like that! :) Hanggang sa napatulog na niya si Martin sa sobrang pagod. Naupo pa nga si Yurenz sa tabi ko tas nagpapa-alam kung pwede ba din daw siya matulog. Adik nga eh, nagpapaalam pa sakin? Haha! Ayun, natulog siya sa tabi ni Martin. Pinicturan ko nga sila eh! Hehehe.. Ang cute nilang dalawa! :))

Nakaidlip nga din ako eh, nagising nalang ako mga 7:30pm na ata? Umuwi na din daw si Yurenz, di na nagpaalam kasi ayaw na niya akong magising pa. Ansaya talaga ng bakasyon ko. And I want to spend the rest of the days happily! :)))))

Goodnightsss! :3

- Amanda :)

Day 8

NAKAKAKILEGS!!!! Haha! Eh kasi may nagpuntang lalaki dito, nagtatarabaho kala Yurenz tas may binigay na sulat galing nga daw kay Yurenz. Kokopyahin ko nalang:

Amanda,

Punta ka nalang dun sa tambayan natin. Hindi na kita susunduin jan. Matanda ka na! :) Ingat! Antayin nlang kita doon ng 2pm!

- Yurenz

Ayieeee! Haha! tas ayun nga, nung 2pm nagpunta ako dun. Tas nandun na siya. Pinaupo lang niya ako dun sa tabi niya. Tas may binigay siyang rose sakin. Maganda daw kasi, kakaiba kaya pinitas niya tas binigay niya sakin. Ang sweetness niya ah! Haha! :)) Tas nagpunta daw siya ng bayan kaninang umaga, binigyan niya ako ng bracelet. Hehe :) Partner daw kami eh, may ganun din kasi siya. Kaines, kinikilig kasi ako! :P Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Andami niyang kulet! Wews! Haha! Madami din siyang tinanong about kay Lord. Nice nga eh, mukhang interesadong interesado siya. Hehe :)

Hinatid niya ako ulit pauwi. Tas nilagay ko yung rose sa vase :) Ayieee! Tinatanong nga nila Tita kung kanino daw galing? Sabi ko kay Yurenz. Tas inaaasar ako ni Tita Beth! Haha! Natuwa ako, joke! :))))

Masayang masaya ako ngayong araw na ito! Hehehehe! :)) <3 Goodnight! :*

- Amanda :3

Day 9

As usual, nagpunta ulit kami ni Yurenz sa tambayan :) Kuwentuhan lang ulit....

Tinanung niya kung may boyfriend daw ako, nung sabi ko wala ayaw maniwala? Hahaha! :) Adik yung Alien na yun eh! Tas ako naman nagtanung kung may girlfriend siya. Dati lang daw, owww! Sabi nga niya ikukuwento daw niya sakin kasi bestfriend daw niya ako, just a year ago. Yung girl daw yung nakipagbreak eh. Matapos daw nila magbreak, bigla na nawala yung girl nagpunta na daw sa Manila. Tinanong ko kung saan, di daw niya alam? Tas ang balita, may boyfriend na yun. Nasaktan daw siya dun pero wala na siyang magagawa. Tumagal daw sila ng halos mag one month. Haha! Wagi! :) Buti nalang break na sila, joke! :3 Sabi ko nga, yung girl yung nawalan. Sinayang niya eh! Ngumiti lang siya. Infairness, kaines yung girl ah. How can she replace someone like Yurenz? Angas! Siya na the Best! >:/ Haha! Tas tinanung din niya kung nagkabf na daw ako, sabi ko I've never been into any relationship something such as that, ang sagot ba naman sakin, 'Wehh?" Natawa nalang ako eh, sira talaga yun! Psh! :) Inaasar ko nga ng Alien eh! Haha!

Tas tinanong niya. kung may crush ba daw ako? Eh kahit crush ko siya, sabi ko wala. Malamang, may hiya naman kasi ako! hahah! :D. Tas tinanong ko din siya, siya daw meron! Tinanung ko kung sino secret na daw niya yun. Soon daw malalaman ko din :) Weeee, I wonder! Hmm. Pinipilit ko nga, ayaw pa din sabihin?! Haha! Bahala siya! :P Tas tinatanong niya kung may nanliligaw sakin, e meron naman talaga kaya sabi ko oo, tas ayaw naman maniwala! Baliw yun eh ;) E bat daw ma-chusi pa ko? Sabi ko e ayaw ko naman sakanila. Tsaka gusto ko will ng Lord. Love is waiting naman! Haha <3 Adik, sabi ba naman sakin, tingin daw niya wala daw akong balak mag asawa. Sabi ko nga meron kaya! Tas sabi niya "buti naman, gusto ko din mag-asawa eh!" Mejo di ko gets yung logic kaya tinatanung ko ulit, tas ang hina ko daw? Haha! AYOKONG MAG ASSUME!!!! Hahahaha! Alien talaga yun! Wews! :)

After ng mahabang usapan. Umuwi na kami. Ofcourse, hinatid niya ulit ako :) Ayieee! Si Tita Beth inasar ako, ipapaprint na daw niya kami. Hahahaha! Nagets ko yun! :))) Sigisigi. goodnights! :)

- Amanda :3

Day 10

The vacation is still going so okay and amaziiiiiiiiiiiiiiiing! Hehehehe! :) As usual, 2pm sa tambayan. Nakakatuwa si Yurenz kasi sakin lang daw siya nakakapagkuwento ng ganito, lalo na pag mejo personal. Salamat daw kasi dumating ako! Ahahaha! :)) Bestfriend na talaga kami. Malungkot daw ang buhay niya kasi wala siyang nakakakuwentuhan. Di naman daw kasi siya friendly. Sabi pa niya, "siguro, dapat akong magthankyou sa Lord kasi dumating ka?" I just smiled, kinilig ako eh. Tsaka nahihiya ako. Hehe :)) Pinisil pa niya yung left cheek ko, ayieee. Hihihi! :3 <3

Sabi pa niya naiinggit daw siya sakin kasi may kapatid ako, siya kasi wala, solo lang. Sabi ko nga kung gusto niya, sakanya nalang si Martin. Tas tawa ng tawa. Nakakatuwa nga kasi namumula na yung mukha niya kakatawa. Ang cute nga niya eh! :3

Eto yung araw na madami kami nalaman sa isat-isa. Birthday niya September 26. Hindi naman pala siya dito lumaki talaga. Nung elementary daw sa Pasig siya nakatira tas lumipat lang sila dito sa Baguio. May aso siya dati si Kulot, kaso namatay na. Tas sabi pa niya nung 3rd year daw siya may nanliligaw sakanyang schoolmate. Sabi ko ang chusi pa niya, ang sagot ba naman, "e ano magagawa ko kung katulad mo ang gusto ko?" Binatukan ko nga! Hahahaha! :) Tapos ako din nagkuwento ng tungkol sakin. Hehe, nice! Tas bukas daw punta daw kami sa bayan, ipapasyal niya ako. Pinayagan naman ako nila Papa. :) So much excited na nga ako eh! Kaya I'll sleep na! Goodnight! :*

- Amanda :3

The Last Note.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon