Chapter 1 - My nightmare begins here

111 3 0
                                    

"Nay, Tay, dito na po ako!" sigaw ko habang pumapasok saming bahay.

Kakadating ko lang sa bahay galing work.

Uwian ako kasi malapit lang naman ang bahay namin from Ortigas to Taytay.

Isa akong Accountant sa isang malaki at sikat na kumpanya sa Pilipinas.

Mahilig akong magpintura, magbasa ng kung anu-ano, manood ng tv at higit sa lahat matulog. Hehehehe ^__^

350-400 ang grado ng mata ko kaya pagkakapal-kapal ng eyeglass ko.

Long, black and slighly curly ang hair ko.

May pagka old fashion daw ako sabi ng mga friends ko.

Okay lang. Wala naman talaga sa listahan ko ang pagiging fashionista.

Masaya ako sa mga nangyayari sakin ngayon.

Hanggang sa....

"Oh, Ericka anak, andyan ka na pala. Bakit ang aga mo?" sabi ni nanay sabay mano ko sa kanang kamay nya.

Tong talagang si nanay, di ko maintindihan, pag gabi na ako mkauwi sasabihin ginagabi ako, pag maaga naman, bakit naman maaga...

Haaaysss.. Minsan kahilo na talaga ang mga matatanda na.

"Ah, hindi po kasi ako natrapik nay.. Si tatay po?"

" Ah, andun sa sala, may inaasikasong bisita."

"Bisita?? Sino po?"

"Hindi ko alam eh. Mahabang kwento.Sa tatay mo nalang ikaw magpakwento." sabay alis ni nanay papuntang kusina para maghanda na ng dinner.

Hindi pa man ako bihis, pinuntahan ko na si tatay para makilala yung bisita at malaman yung kwento nya.

Pagpunta ko sa sala.

Anak ng... Sino yung lalaking yon???

"Tay,,,mano po. Sino po yan?" mabilis kong tanong sabay abot ng kamay sakin ni tatay para makapagmano.

"Ahh.. Siya ba? Hindi ko kilala eh. Ang nangyari kasi, tinulungan kami ng lalaking iyan ng may humarang na holdaper samin ng nanay mo kanina pauwi. Pinagtanggol nya kami kaya yan,... Siya tuloy ang nasaksak."

"Ano po!??? Muntik na kayong mahold-up? Oh, God, thank you po at walang anumang masamang nangyari sa parents ko." pasalamat ko kay God.

"Eh, tay at san naman po kayo galing ni nanay? At bakit hindi nyo sya dinala sa hospital? Baka mamaya nyan malubha na pala lagay ng lalaking yan"

"Eh, anak.. Alam mo naman kami ng nanay mo, mainipin sa bahay, kaya yon namasyal-masyal muna kami." sagot sakin ni tatay habang nilalapitan nya ako upang masahihin.

Ay naku! Pasaway talaga tong mga parents ko. Dinaig pa talaga ako. Maigi pa sila, papasyal pasyal nalang.

"Tsaka anak. Okay na naman sya. Dinala na namin ng nanay mo yan sa hospital. Nagamot na mga sugat nya. Pahinga nalang ang kailangan nya."

"Eh, bakit inuwi nyo pa po dito? Bakit hindi nyo nalang iniwan sa hospital at tinawag ang kamag-anak nya."

"Ericka, anu bang tingin mo samin? Hindi nag-iisip? Lahat ng yan ginawa na namin kaso wala talaga kaming makontak na kamag-anak nya. Kaya yan, nagpasya kami na iuwi nalang siya dito." painis na sagot ni tatay.

"Ay tatay, hindi naman po sa ganun, worried lang naman po ako sa inyo. Baka mamaya nyan kasi tayo pa mapabintangan na sumaksak dyan. Sana man lang kasi iniwan nyo nalang sya sa hospital at binalik balikan nalang."

"Wag ka mag-alala anak, reported na ang nangyari sa mga pulis kaya hindi na tayo mapapahamak. Isa pa,hindi na naman nya kailangang manatili sa hospital kasi okay na nga sya. Hinihintay nalang namin syang magising para matanong kung sino sya at kung san sya pedeng ihatd."

" Ganun po ba? Oh, sige bahala na po kayo, pero tay, once na magising sya at mainterview nyo na, pauwiin nyo na sya ha?? Huwag na po sana syang magtagal dito."

"Bakit? Anung problema sa kanya? Mabait naman sya ah. Tinulungan nya nga kami eh."

"Ay tay, naninigurado lang. Alam nyo naman ang panahon ngayon di ba? Malay nyo ba kung modus operandi lang nya yan. Malay nyo ba kung kasabwat nya yung mga holdaper na yun."

"Hindi naman siguro yun anak. Mukha naman syang mabait."

"Mabait???" yun nalang ang nasabi ko kay tatay. Umalis na ako't pumunta sa kwarto.

Hala! Mukhang mabait??? Sang banda tay!??

Eh, kahit nga ala syang malay mukha syang adik! Mukha syang basagulero.

Mabait ba yang hitsurang yan???

Mahaba ang balbas, bigote at buhok. May malaking tatoo sa kaliwang binti. May butas ang tenga with matching hikaw pa!

Mabait na yang lagay na yan sa paningin ni tatay??!!!

Ay Soooowsss!!!!

Lalo tuloy sumakit ang ulo ko..

HAaayysss....

___________

Maaga akong nagigising sa umaga kasi kailangang pumasok ng maaga para iwas trapik.

Alam nyo naman sa may bandang Rosario, langgam lang pede dumaan sa sobrang sikip ng trapik.

"Magandang Umaga!" bati sakin ng isang malaking boses na lalaki.

"Ay! Kamoteng hubad!" sagot ko dahil sa gulat.

Nilingon ko kung sino yung bumati sakin.

Oh common!!! Meaning... sa bahay sya nagpalipas ng gabi???

Yung misteryosong lalaking yon???

"Sorry.. Nakakatakot ka kasi eh.. ay este... nakakagulat ka kasi eh." sabi ko.

"Okay lang." sabay ngiti nya sakin at lumabas na sya ng bahay para mag-unat unat.

Okay lang!??? Yun lang!!??? Haleeeerrr!!!!

Hindi ba sya magtatanong kung bakit sya na sa pamamahay namin???

Hindi ba nya itatanong kung sino ako??

Hindi ba nya ipapakilala kung sino sya???

Aba! Antipatiko yun ah! Anung feeling nya? bahay nya ito???

So, kailangan feel at home!???

Yabang nun ah! Teka nga....

_____________________________________________________________

Hey guys! This is my new story.

Hindi ko alam kung maganda ang simula ng kwento.

Vote and comment nalang po kung nagandahan kung hindi

Comment nalang po kayo kung ano reaction nyo dito.

Any kinds of comments are acccepted..

Hehehehe.. Thanks ^__^

My Heart Skips a Beat! (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon